Chapter 21

903 22 2
                                    

"So, how did you two know each other?" Pagbabasag ng ina ni Drake na katahimikan ng namamayani.

"I'm his secretary, ma'am," saad ko at itinuro si Drake na asa tabi ko nakaupo. Ang lahat naman ay napatingin sa akin.

Ang magulang ko at ang magulang ni Drake ay ang nandito lng.

"That's why we know each other." Dugtong ko sa aking sinabi.

Napatango naman ang ginang ay hindi na muling nagsalita pa na siyang kinahinga ko ng maluwag dahil dumating na ang mga pagkain na kanilang inorder kanina pa.

Grabe naman ang dami nilang pagkain na inorder, mauubos na namin 'to lahat?

"So let's eat. Mamaya na tayo mag usap usap tungkol sa kasal niyo." Nabilaukan ako ng dahil sa kaniyang sinabi. Kahit wala namang kinakain ay nabilaukan ako ng sariling laway.

"Oh! Iha ayus ka lng ba?" Nag alalang tanong nito sa akin at inabutan ng tubig. Agad ko naman tinanggap 'yun at uminom.

Huh? Kasal namin? Kanino naman? Hindi, hindi naman siguro ako ang tinutukoy nila. Tama hindi nga ako kaya ipinag sawalang bahala ko na lng 'to at nagsimula ng kumain gano'n din ang kanilang ginawa.

Ang mga magulang ko ay walang imik kanina pa, nagtataka na nga ako sa kanilang kilos, kanina pa, hi hindi man lng ako kinausap simula no'ng pumasok ako dito.

"So, total magkakilala din naman kayong dalawa ay hindi na kami mahihirapan pang pagkasunduin kayo." Sa wakas nagsalita din ang aking ina, ang akala ko ay na pipe na sila.

Napatigil ako sa pagkain, umangat ako ng tingin at pinunasan ang aking bibig bago nagsalita.

"Anong ibig mong sabihin?" Seryusong tanong ko sa aking ina.

"You and drake will getting married, si Drake din ang tinutukoy namin, siya 'yung taong papakasalan mo." Ang ina na ni Drake ang sumagot sa tanong ko. Mahinahon itong nakatingin sa akin.

"What?" Pasigaw na ani ko at sinabayan pang tumayo. Nakakagulat naman talaga ang kanilang pinagsasabi na walang kabuluhan.

Ako? Sa kaniya ipapakasal? Paano nila ito nagawa sa akin? Ang akala ko pa naman hindi ko pa ngayon makikilala ang taong papakasalan ko pero ngayon nasa katabi ko na at ang mas malala pa ay parang wala itong pagtutul sa naging desisyon ng aming magulang.

"Huminahon ka, Iha. Hindi pa naman dapat sasabihin sa'yo ngayon pero nandito na kayong dalawa ay sasabihin na namin total malapit na kayong ikasal." Malumanay na saad nito sa akin.

Tumingala ako, pumikit ng mariin. Mga ilang sandali pa ay siyang pagdilat ko ng aking mata kasabay ng pagtulo ng butil na luha sa aking pisnge.

Hindi ko mapigilan ang umiyak, bakit ba ganito na lng palagi ang nangyayari sa buhay ko? Puro na lng pasakita ang ibinibigay nila sa akin. Hindi ko na kaya 'to hindi ko kayang tanggapin pa.

Bumuntong hininga ako, I wiped my tears to stop from falling. Huwag kang paghinaan ng loob, Lara. You can do that, fighting lng.

I look drake who's now sitting beside me. "Wala ka man lng bang gagawin para pigilan sila?" I stuttered asked him. He look at me coldy, no emotion as usual wala ng bago sa kaniya.

Why? He didn't answer my question, why drake? Gusto mo ba itong mangyari? Bakit wala ka man lng pagtutol sa kanilang desisyon.

Alam mo ba ikakasal tayo kaya ng dali dali lng sa'yong tanggapin ako sa kompanya mo dahil kilala mo 'ko?

Kasama ka ba sa mga plano nila? Pero bakit? Mga katanungan na gusto kong masagot pero wala yata akong lakas ng loob para magtanong.

Napahawak ako sa aking bigla itong na ninikip bigla, halo halong emosyon ang nararamdaman ko.

Hinawakan ko ang aking bibig para hindi lumikha ng ingay ng dahil sa kakaiyak ko.

I can't take this anymore, hindi ko kayang tanggapin ang mga nalalaman ko ngayon.

Nagmamadali akong umalis sa kanilang harapan. This is the second time I do this, ang mag walk out sa kanilang harapan. Pag walk out lng siguro ang role ko dito.

Tinawag nila ang aking pangalan ngunit hindi ko sila pinakinggan, hindi ako bumaling sa kanilang paningin. Nag bibingi bingihan akong nagpatuloy sa paglalakad papaalis sa ito sa restaurant.

Kanina pa kami pinang titinginan ng mga taong kumakain din dito, ng dahil siguro sa pag sigaw ko kanina ay napa baling ang kanilang atensyon sa amin. Pero wala akong pakialam sa kanila dahil mas malaki ang dinadala kong problema ngayon.

"Lara!!" Malakas na sigaw ng kung sino na siyang dahilan ng pagtigil ko sa paghakbang.

Napatigil ako sa paglalakad, pumikit ako ng mariin ng marinig ang pagbigkas ng aking pangalan.

Ang aking mga magulang, alam kung sila 'yun dahil sa boses pa lng nila ay kilalang kilala ko na.

Ano na naman ba ang kailangan nila? Hindi pa ba sapat ang mga 'yun na binibigay nilang problema sa akin? Please lng huwag mo na ngayon.

Pinunasan ko mona ang luhang nagbabadya sa aking pisnge bago sila hinarap.

"Ano na naman ba? Please huwag mo na ngayon kasi hindi ko kaya pang pakinggan kung ano man ang sasabihin niyo." Umiiyak na saad ko sa kanila, nanlalabo na aking paningin dahil sa mga luhang masaganang umaagos.

"Mom, dad! Bakit niyo 'to nagawa sa akin? Bakit niyo kailangan ipakasal ako sa taong hindi ko naman gusto? Akala ko ba maayos na tayo ng magtagal? Bakit ngayon pinapakialam niyo na naman ang aking buhay?"

"Anak! Para sa sa'yong ginawa namin, para sa iyung ikakabuti." Lumapit sa akin ang aking ina at maharan hinawakan ang magkabila kung kamay na siyang ikina iyak ko ng husto.

Umiling iling ako dahil sa kaniyang sinabi. "Hindi, hindi 'yun para sa akin dahil alam kung para lng sainyo 'yun, hindi niyo man lng inisip ang nararamdaman ko at kung anong desisyon.

Kung papayag ba ako o kung hindi ni kahit ang mga iyan ay hindi ko narinig mula sa inyo dahil sarili niyo lng ang iniisip niyo."

Napabaling sa kaliwa ang aking mukha dahil sa lakas na sampal ang natanggap ko. Hinawakan ko ang aking pisnge kung saan ako isinampal. Hindi ko akalain na sasampalin ako ng sarili kong ama.

"Sumosobra kana, Lara." Galit na sigaw nito sa akin na siyang ikinangisi ko.

"Yan, diyan ka magaling ama ang saktan ako at ako sumusobra? Sino kaya sa atin ang sumosobra? Pati sa pagkasal ko kayo pa ang pumipili hindi ba't sobra sobra na 'yun? " Pinunasan ko ang aking luha at tinitigan siya ng mariin.

Napabaling muli ang aking ulo kaliwa, kingina sumosobra na talaga siya, ikiniyum ko ang aking kamay.

"Ano ba, Alfonso sinasaktan mo na ang ating anak." Pagpipigil ni ina kay ama. Hinawakan ni ina ang braso ni Alfonso para pigilan ito.

Kahit sa pag control sa akin ay sobra sobra na 'yun, pangalawang beses akong sinampal niya na hindi ko matanggap. Umiiyak akong nakahawak sa pisnge ko.

Paano niya nagawa 'yun? Ang sampalin ako ng walang alin-langan.

Tumayo ako ng tuwid at tinignan silang dalawang may luha sa aking mga mata. "Grabe pa! Hindi ko akalain na masasampal mo 'ko ng gano'n kadali." Umiiyak na saad ko, ang dalawang mata nito ay sabay na lumaki bigla. Nagpapahiwatig na ito'y na bigla.


"I'm sorry hindi ko sinasadya." Akmang lalapit ito sa akin ngunit umatras ako na siyang ikinahinto nito sa paga akmang lumapit sa akin. Umiiling ako sa kaniya.

Buong buhay ko ay wala akong desisyon dahil sila ang kumukontrol sa lahat ng pwede kung gawin o mapabawal man iyun.

"Ang sakit sakit na dito oh! Dahil kahit na kaunting pagmamahal ay hindi niyo maibigay sa akin" Itinuro ko ang aking puso. "Ang sakit sakit na ng pinanggagawa niyo sa akin. Alam kong wala kayong pakialam sa akin but please stop controlling my life I have my own decisions. Malaki na ako hindi na ako gaya no'n na sunod sunoran sainyo."

Hindi nila ako binigyan ng pagmamahal kahit kaunti man lng dahil lahat ng iyun na pagmamahal ay nakatutok sa aking kapatid na si Klea.

I'M HIS WIFE NOT A SECRETARY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon