Chapter 15

927 27 0
                                    

“Kamusta ang buhay secretary, Lara?” Tanong ng kaibigan ko, Si Rhoana.

“Secretary pa naman, Lou.” Sagot ko sa kaniya habang tinutungga ko ang alak na nasa bote.

She's Rhoana Louice Dadaria my bestfriend. She's beautiful, sexy and intelligent. She have a perfect jawline, eyebrows, radish lips, chubby chicks na ang sarap pisilin.

At higit sa lahat ang nakakadagdag sa appeal niya ay kapag ngumingiti siya dahil may malalim na dimple ang makikita mo.

Actually lima kaming magkakaibigan na nandito sa bar, nagkaanyayaan na mag bar since its been a long time since nagkakasama kaming magkakaibigan na kumpleto dahil may kanya kanya naman kaming pinagkaka abalahan sa buhay kaya naman nilulubos lubos na namin ang kasiyahan ngayon dahil paniguradong matagal na panahon na naman ito mangyayari.

“What about ‘yung issue mo sa family mo? Okay na kayo?” Biglang saad nito matapos ang ilang minutong katahimikan.

Napatingin kaagad ako sa kaniya nang magsalita siya. “Okay? Kaming mag pamilya? Huh! Hindi ata mangyayari ‘yan, siguro kapag pumuti na ang mga uwak tsaka lang ‘yan mangyayari.”

Hindi talaga mangyayari ang sinasabi niya na magiging okay na ang pakikitungo ko sa aking pamilya, hindi niyo naman ako masisisi dahil ang laki ng kasalanan nila sa akin simula no’ng lumayas ako sa bahay. Ang dami kung pinagdaanan sa buhay ko.

Lalo na ngayon may bago na naman silang binibigay sa akin na problema ang pakasalan ko ang isang taong hindi ko mahal, ni hindi ko man lng kilala.

“Alam mo, Lou. Nakakapagod pala maging isang kagaya ko. Alam mo ba ikakasal na ako.” Nakatingin lng ako sa kaniya habang sinasabi ang mga katagang iyun.

Ngumiti ako ng mapait ng makitang lumuwa ang kaniyang mukha sa sobrang pagkagukat.

“What the hell , are you serious?” Gulat na gulat na sigaw nito sa akin. Binalingan ko ang mga tao sa paligid dahil baka may makarinig sa kaniyang pag sigaw.

Mabuti na lng talaga ang malakas ang tugtug ng musika kaya hindi kami napapangimagan.

“Oo, at alam mo kung ano ang pinakamalala ay ang taong papakasalan ko ay hindi ko kilala, ni hindi ko nga alam kung anong pangalan, kung gwapo ba siya. Kung masarap ba sa kama, kung maibibigay ba niya ang pangangailan ko sa se–”  Hindi ko natuloy ang aking sasabihin ng biglang sapakin ako nito na siyang ikinadaing ko.

Nagbibiro lng eh!

“Aray! Ano ba bakit ka nangsasapak?” Hinimas-himas ko ang aking braso dahil sa lakas ng kaniyang pagsapak sa akin

“Gaga ka, lasing kana nga. Kahit anong pinagsasabi mo diyan.” Sinapak ako nito ulit dahilan para tignan ko ito ng matalim na tingin.

“Aba, nakakailan kana sa akin, a. Sapakin din kaya kita ng malasap mo kung gaano kasakit masapak. Hayop ‘to.” Tinarayan ko ito nang mag peace sign siya sa akin.

“Nagbibiro lng naman kasi ako ang seryuso mo kasi mas’yado. Pero totoo ‘yung sinabi ko sa‘yo kanina na ikakasal na ako. Actually magkikita daw kami next week ata. Pero you know me, Lou hindi ako sisipot.”

“Bakit?” Tanong niya.

“Anong bakit? Malay mo matanda na pala ipapakasal sa akin. Sayang naman ang beauty kung sa isang matanda lng pala ako mapupunta, tsk!” Lumagok ako ng isang baso ng alak. Medyo na hihilo na ako pero kaya ko pa naman, e handle ang aking sarili.

“Bakit hindi mo subukan? May mo hindi naman pala matanda ang ipapakasal sa’yo. Paano mo malalam kung ayaw mong subukan?” Seryusong sabi nito sa akin habang nakatingin ng deretso sa aking mga mata kaya ang ginawa ko din sa kaniya ay nakipag titigan din.

Oo nga naman hindi ko malalaman kung hindi ko subukan. Nagkibit balikat lng ako sa kaniya at umiwas ng tingin ng may nagsalita sa aking likuran.

“Hey, ano bang pinag uusapan niyo diyan at ang seryuso niyong dalawa?” Lasing na saad nang kung sino ay inakybayan pa ako nito.

Base sa kaniyang pananalita ay sobrang lasing na niya, kilala ko ang boses na ‘yan, isa ‘yan sa kaibigan ko. Si Reese.

“Wala, pinag uusapan namin kung kailan ka magkaka jowa?” Saad ko.

“Next life.” Biro nito at sinabayan pang tawa.

“Reese, where's Elvira?” Biglang tanong ni Lou kay Reese na siyang ikinatigil nito sa pagtawa.

May itinuro ito sa may stage kaya sinundan namin ang kaniyang tinuturo. Nakita kong nakikipag sayawan si Elvira sa mga lalaki, sayaw lng ito ng sayaw, walang paki alam kung sinong kasayawan niya halatang lasing na nga.

“Balita ko isang secretary ka sa isang sikat na kompanyang pinagtatrabuhan mo. What company to be exact? Oh! I forgot ano nga ‘yun? ” Napabaling ako kay Reese ng biglang magsalita ito.

Nagtatakang nakatingin ako sa kaniya.

“How did you know that?” Takang tanong ko sa kaniya.

“oh! You forgot. I have my ways, dear.” Nakangising saad nito at tinungga ang dala niyang alak na nasa shot glass.

“Psh! What ever, bitch. Alam mona pala magtatanong ka pa.”

“Kamusta ang buhay bilang isang secretary?” Tanong nito ulit. Ulit ulit ang tanong ah! Tinanong na ‘yan kanina pa ni Lou.

“Ang hirap, ang daming pinapagawa. Lalo’t demonyetong antipako ang makakasama mo sa araw araw. Ang sama ng ugali.” Nanggagalaiting kwento ko sa kanila. Hanggang ngayon ay hindi ko pa din makalimutan ang kademonyang pinanggagawa sa akin.

“Chill your self, Lara. Who's that? Is that your boss?” Tanong ni Lou sa akin na siyang ikinatango ko kaagad.

Siya naman talaga ang nagpapahirap sa akin sa tuwing papasok ako sa kaniyang kompanya.

“Hayaan niyo na ‘yan mag cheers na lng tayo at magpakasaya, huwag niyong idala dito ang problema niyo. Nandito tayo para masaya.” Itinaas ni Reese ang kaniyang kopita kaya Itinaas din namin ang sa aming glass at nakipag toast sa kaniya.

Sabay sabay namin tinungga ang alak na siyang ikinangiwi ko dahil sa sobrang pait ng lasa ng alak,

Ang panget ng lasa ng alak.

“Tara sayaw tayo doon sa gitna.” Hinila bigla ako ni Reese na s'yang ikinamuntik ko nang matumba dahil sa hindi ko na ibalanse ang aking sarili.

Sasapakin ko sana ito ng umulan kaya ang nasapak ko ay hanging. “Gsgong ‘to, e. Ipapahalik pa ako sa semento.” Tinarayan ko ito nang makitang tumatawa ito habang nakahawak sa kaniyang tiyan.

I'M HIS WIFE NOT A SECRETARY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon