Chapter 17

879 25 3
                                    

“Where's your house, women?” Tanong ko dito sa babaeng kasama ko habang patuloy sa pagmamaneho. Hindi ko ito binalingan ng tingin dahil tutok na tutok ako sa pagmamaneho.

Nang makalipas ang ilang sandali ay wala akong nakuhang sagot ay binalingan ko ito ng saglit na tingin at binalik kaagad ang tingin sa daanan.

Nang makitang natutulog ito at sinabayan pa ng paghilik ay napa buntong hininga kaagad ako dahil sa frustration na nararamdaman dahil hindi ko alam kung saan ko dadalhin ang babaeng ito.

“Tsss!!” Sighal ko.

Nagising ako mula sa himbing na tulog, napa hawak ako bigla sa aking ulo sa sobrang sakit na nararamdaman na para bang inuntog sa pader ng napakalakas lakas.

“Shit, my head hurts.” Daing ko sa sobrang sakit, punyeta. Mapapamura kana lng talaga. Hindi na talaga ako iinom kahit kailan ang sabi ko pa naman sa sarili ko noon ay hindi na ako magpapakalasing ng mas‘yado pero ito ngayon nagpakalasing.

Badtrip kasing mga kaibigin ko na ‘yun lasingin ba naman ako. Sabagay nag enjoy naman ang bawat isa sa amin kaya hindi na lugi tsaka minsan lng ito mangyari sa amin ang magkakasama ng buo dahil kasi may kaniya kaniya na kaming ganap sa buhay, busy na kumbaga. Kaya hayaan na natin.

Hinimas-himas ko ang aking ulo baka sakaling mabawas bawasan ang sakit. Nahihilo ako at inaantok pa ako. I yawn at itinaas ang dalawang kamay para e stretch.

Wait! Bakit parang may mali ata dito sa kwartong kinahihigaan ko.

Inilibot ko ang aking paningin sa kabuohan ng kwartong tinutulugan ko, Nagtataka ako dahil sa pagkakaalam ko hindi ganito ang kulay ng kwarto ko at hindi ganito ang ayus ng aking kwarto at higit pa sa lahat hindi ganito ang amoy ng kwarto ko, amoy panglalaki ang perfume.

Teka! Teka! Teka nga lng bakit parang familiar ang amoy, parang naamoy ko na ito kung saan pero hindi ko lng matandaan kung kanino, huwag mong sabihin na.

Napatayo ako bigla sa aking pagkaka higa sa sobrang kabang nararamdaman. No. No. No. Anong ginagawa ko dito? Kanino ‘tong kwarto? Hala! Napatakip ako bigla sa aking bibig ng pagkatapos kong sumigaw ng malakas.

I heard the noise of footsteps,  mukhang nagmamadali sa paglalakad patungo siguro dito sa kwartong ito.

Hala! Ano gagawin ko? Bakit ba kasi nandito ako, nasaan ang mga kaibigan ko. Na kidnap ba ako? Paano na ‘yan wala pa naman akong pamilya para itubos ako sa mga taong kumidnap sa akin I mean I have a family but wala silang pakialam sa akin kaya paano na?

Nang makarinig akong parang binubuksan ang siradora ng pintuan sa kwartong ito ay agad akong humiga ulit at nagkukunwaring natutulog.

Inimulat ko kaagad ang dalawang nag gagandahan na mata ko at napa tampal na lng sa noo dahil sa kabobogan na naisip na plano.

Really, Lara magkukunwari kang natutulog ulit pagkatapos mong sumigaw ng malakas? Nababaliw kana talaga, Lara edi ano sasabihin ng kidnapper sa ’yo pagkatapos mong gumano’n.

Paniguradong baka patayin ka no’n. Mag isip ka, Lara ng magandang plano hindi ‘yung kung anong katangahan na ang pumapasok sa utak mo.

Dahil sa iyung katangahan ay baka ayan pa ang dahilan ng pagkamatay mo.

Tumayo ako at naghanap ng pwedeng pagtaguan baka sakaling makaligtas kay satanas.

Lumapit ako sa bintana I horridly open the window without making the noise nang makitang hindi gaano ka taas ang babagsakan ko ay agad akong nagtungo sa kama at kinuha ang bed sheets at pinag sugpon sugpon ito para maging isang mahabang lubid na kumbaga.

Iginapos ko na ito sa isang matibay na kahoy, agad akong nagtungo sa bintana. Inihulog kona agad ang hawak ko.

Dahan dahan akong bumaba para matapos na itong kalbularyo. Nagtaka ako kung bakit walang taong rumurunda dito, I mean bakit walang taong nag babantay kung isang sindikato ang kumidnap sa akin. Weird.

“What is that noise, Lara.” Dinig kong saad ng isang tao sa kwartong pinang galingan ko, nasisiguro kung nakapasok na ang taong ‘yun. Napatigil ako sa pagbaba. Bakit parang familiar ang boses na ‘yun? 

At ano daw, Lara? Paano niya nalaman ang pangalan ko? Ahuh baka kasi kilala nila ako dahil matagal na nila akong sinusundan.

Nagmamadali akong bumababa ng marinig ang sunod sunod na pagtawag niya sa pangalan ko.

Napatigil ako sa aking ginagawa ng biglang may nagsalita sa bintanang pinang galingan ko.

“Lara, what are you doing there.” May diin ang pagka bigkas nito sa mga salita. Lumunok ako dahil sa kabang nararamdaman, na sisiguro kong alam ko na kung sinong taong tumawag sa akin pero sana naman ay hindi tama ang hula ko.

Lord, sana mali dahil ayaw ko pang mamatay ng maaga, mahal ko pa ang buhay ko.

Dahan dahan akong tumingala at sinabayan pa ng paglunok ng sariling laway.

Nagtigil yata ng ilang segundo ang paghinga ko when I meet his deadly eyes.

“I said what are you doing there.” Muling tanong nito habang hindi inaalis ang kaniyang tingin na nakakamatay. Mukha ng bubuga ng apoy ang kaniyang mga mata dahil talim na tingin.

“Tumatae?” Hindi siguradong sagot ko.

Napalaki bigla ang dalawang mata ko ng mapag tanto ang isinagot ko sa kaniya. Nako po hindi ko sinasadya nakakabigla kasi. Napatakip bigla ako ng dalawang kamay sa aking bibig dahilan ng pagkatulog ko.

“Aaaahhh! Shit.” Hiyaw ko ng bumagsak ako, ang sakit ng ulo, nabagok ata. ‘Yung hilong nararamdaman kanina at sakit ng ulo ay mukhang dumuble dahil sa pagkahulog ko.

Narinig kong nagmura ang taong kausap ko kanina pero hindi ko na ito pinagtutunan ng pansin. Aray ko po ang sakit ng balakang ko. Pakshet, ang sakit. Ang tanga talaga literal na tanga talaga.

Bakit ko naman kasi ginawa ‘yun. Nakalimutan ko pa lng nasa binggit na kamatayan ako na nasa taas ako at sinubukang tumakas.

Kasalanan niya talaga ‘to kung hindi lng siya dumating ay hindi sana ito mangyayari.

‘Kasalanan mo din naman,’ saad ng maliit na boses sa akin. Oo na kasalanan ko din naman ang akala ko kasi kidnapper na ‘yun, ayun pala hindi naman, edi. Ano hopya de mani popcorn ako ngayon?

Bukod sa nasaktan na ako ngayon mapapahiya pa ako mamaya.

I'M HIS WIFE NOT A SECRETARY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon