Chapter 10

1K 36 4
                                    

Pagod akong na pa higa sa aking kama dahil sa sobrang pagod na nararamdaman ko.

Mariin akong napa pikit dahil sa inis na nararamdaman ko sa taong antipako. Si boss.

Aaghhhh napaka wala talaga niyang puso, ni hindi man lng niya ako tinulungan kahit na nakita niya akong basang basa sa ulan ay hinayaan niya lng ako, hindi man lng ako pinasakay sa kaniyang sasakyan.

Na nginginig akong napa yakap sa aking sarili dahil sa lamig na nadarama.

Parang lalagnatin ako, kasalanan niya 'to lahat.

Matamlay akong tumayo sa pagkakahiga at pikit matang nagtungo sa study table ko. Kinuha ko ang cellphone na naka patong doon. Di-nial ko ang numero ng aking kaibigan.

"Hello, Lara. Bakit na pa tawag ka ng ganitong oras? May problema ba?" Pag bungad na salita ng na sa kabilang linya. Alam kung nagising siya dahil sa pagtawag ko.

"I need your help." Paos na tugon ko sa kaniya.

"Huh? What happened? Wait. I'll be there in a minute." Natatarantang usal nito. Napangiti ako ng mapait ng maalala ko ang aking pamilya.

Kung nagkasakit man ako ngayon, ganyan ba ang reaksiyon nila ng malaman nilang may sakit ako? I don't think so.

Napa upo sa sobrang panghihina, isinuksok ko ang aking sarili. Inilibot ko ang aking paningin sa loob ng aking kwarto.

Madilim, walang ingay at tanging pag iyak ko lng ang aking naririnig. Mag isa, walang karamay.

Nagsisimula na naman manginig ang aking sarili, muling na nunumbalik ang mga alaalang ayaw ko ng muling balikan, kahit kailan man ay walang gustong bumalik sa nakaraan kung saan ka nag dusa ng husto.

Mas pipiliin mo na lamang mamatay kay sa mabuhay pa sa panahon na iyun. Iyun ang gusto kung kalimutan ngunit kahit na anong gawin ko ay hindi mawala-wala sa aking isipan.

Maka ilang sandali ay may narinig akong tunog ng sasakyan, siguradong andiyan na si Aikee, ang aking kaibigan na tinawagan ko.

Nandiyan siya tuwing kinakailangan ko ng tulong tulad ng ganito. Nandiyan siya para pagaanin ang aking pakiramdam.

"Lara, where are you?" Malakas na sigaw nito, napangiti ako ng mapait sa isipan na kung wala siya, kung hindi ko siya nakilala. Hanggang ngayon ba nandito pa ako? Hanggang ngayon ba buhay parin ako?



Siya lng ang taong nagmamalasakit sa akin, tuwing may problema ako nandiyan siya, hinding-hindi niya ako hinahayaan na mapag isa, naalala ko pa noon ang sabi niya sa akin kahit na anong mangyari hindi niya ako iiwan bagkus ay dadamayan niya ako sa lahat ng problema ko at huwag daw akong susuko.

Kaya naman simula noon pinangako ko sa aking sarili na lahat ng ginagawa niya sa akin ay sinuklian ko ng pagmamahal, gaya ng pag mamahal na ipapadama niya sa akin. I treasure her a lot, at higit pa sa buhay ko.

Padabog na bumukas ang pintuan ng aking kwarto, iniluwal doon si Aikee na humahangos.

"Lara, Omygod." Ngumiti ako ng malawak na nagpapahiwatig na ayus lng ako, dali dali itong lumapit sa akin ay niyakap ako ng mahigpit.

"Ang init mo, anong bang ginawa mo at nagkaroon ka ng lagnat?" Panenermon niya sa akin habang mahigpit akong niyakap, niyakap ko din siya pabalik.

"Ayus lng ako, Aikee. Naulanan lng ako kanina pag uwi ko." Mahinang saad ko sa kaniya, ayaw kung sabihin sa kaniya kung anong nangyari kanina paniguradong hindi ito titigil sa kakatalak ng panenermon sa akin.

"Ano? Bakit ka naulanan?" Tanong nito muli, tinulugan ako nitong patayuin galing sa pagkakaupo.

"Wala akong dalang payong at naglakad ako pauwi galing sa trabaho tapos inabutan ako ng ulan." Pina upo ako ni sa aking kama.

"Bakit hindi ka tumawag sa akin ng masundo kita? Ano ba naman 'yan, Lara. Ang tigas talaga ng ulo mo." frustrated nitong saad sa akin habang naka tayo sa harapan ko, naka upo ako sa kama at siya naman ay naka tayo kaya kinakailangan ko pang tumingala.

"Dahil ayaw kitang maistobro, nakakahiya naman kasi. Ang dami mo ng naitulong sa akin."

"Ayan, diyan na naman tayo magtatalo, ilang beses ko bang sinabi sa'yo na kapag may kailangan ka huwag kang magdadalawang isip na lapitin ako." Nagsisimula na itong umiyak sa aking harapan, na guilty tuloy ako dahil sa tuwing may nangyayari sa akin ay sinisisi niya ang aking sarili.

"Sorry," tanging na i-usal ko. Tumayo ako ng dahan dahan at lumapit sa kaniya upang yapakin siya ng mahigpit. "I'm sorry, stop crying." Ilang sandali ay tumigil na ito sa kakaiyak.

Pinunasan nito ang kaniyang pisnge. "Bakit hindi na lng kaya hiramin mo 'yung kotse ko ulit para hindi ka na mahirapan pa." Suggestions nito sa akin na siyang ikina iling ko ng ilang beses.

"Bakit ayaw mo?"

"Ayus lng ako, Aikee. Ngayon lng 'to tsaka alam kung ginagamit mo din 'yung kotse mo, ayaw ko din naman na ikaw na naman ang mahihirapn kapag nag c-cummute." Napailing-iling ito sa akin dahil sa sinabi ko, nginitian ko lng ito ng malawak.

"Uminom ka na ba ng gamot?" Pag iiba nitong usapan. Umiling ako sa kaniyang tanong, napa buntong hininga ito dahil sa naging sagot ko.

"Humiga ka na, at ako'y kukuha ng gamot mo." Tumango ako sa kaniyang sinabi at nagsimula ng huminga.

Nang makaalis na ito ay napa buntong hininga ako. Naalala ko na naman ang unang encounter namin ng boss, kung paano niya ako masagasaan at kung paano ko nalaman na siya ang aking magiging boss at kung paano niya ako hindi pasakayin sa kaniyang kotse, 'yung pagtulak at pag iwan sa akin ay nanggigil ako.

Humanda siya kapag ako gumaling ay sisimulan ko ng mag higanti sa lahat ng kaniyang ginawang masama sa akin, kahit siya ang boss ko ay wala akong pakialam basta ang sa akin lng ay maganti man lng ako. Kumukulo talaga ang dugo ko sa kaniya.

Dumating na si Aikee at pina inom na ako ng gamot, ang sabi niya sa akin ay dito mo na daw siya matutulog kasi babantayan at aalagaan niya rin daw ako, hindi na ako umangal pa dahil hindi naman ako makakapag pa.

At sinabi niya rin na siya na daw ang sasabi sa aking boss na hindi mo na ako papasok sa kadahilanan na may lagnat ako ngayon. Tumango na lng ako sa kaniyang mga sinasabi at hindi na umimik pa.

Dahil sa inaantok na ako ay ipinikit ko na ang aking mata para matulog na. Si Aikee naman ay sa kabilang kwarto matutulog.

I'M HIS WIFE NOT A SECRETARY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon