Habang naglalakad ay nakita ko si Drake sa hindi kalayuan, palinga-linga ang kaniyang paningin sa paligid, wari mo ay may hinahanap.
Nang napadako ang kaniyang paningin sa akin, walang emosyon ang kaniyang mukha nakatitig sa akin. Dahan-dahan itong lumapit sa akin, ang kaniyang dalawang kamay ay nasa magkabilaan niyang bulsa, wari mo ay tamad na tamad sa paglalakad. Palihim kong inikutan ng mata, total madilim naman ang paligid paniguradong hindi niya nakita ang ginawa kong pagtataray sa kaniya.
“Where did you go?” He asked me coldly ng makarating ito sa aking harapan.
“Ano ba pakialam mo kung saan ako magpunta?” I sarcastically said to him at tinalikuran ko siya.
Ayaw kong marinig ang kaniyang boses at ayaw kong makausap man lang siya. Silang lahat ayaw kong makausap, hanggang ngayon sariwa pa rin sa puso at isipan ko ang mga nangyari ngayon, at hindi ko matanggap na kinakasal ako sa kaniya.
At ang nakakagalit pa, ni Hindi man lang siya tumutol sa desisyon ng mga magulang namin.
“Ano ba bitawan mo nga ako.” Napatigil ako sa paglalakad ng biglang hawakan niya ang kamay at hinatak bigla papalapit sa kaniya.
Ano ba problema nito? Hindi ba niya ramdam na ayaw ko siyang makausap? Manhid ba talaga siya? Sabagay yelo nga naman hindi makaramdam.
“Hindi pa tayo tapos mag usap, Lara.” Nagpipigil inis nitong saad sa akin, ang kaniyang mga mata ay lalong lumamig pa kung makatingin kaya hindi ko maiwasan kabahan.
“Edi kausapin mo sarili mo.” Alam kong kinakabahan na ako sa loob-loob ko ngunit hindi ko talaga mapigilan ang sungitan at pagsalitaan siya ng pabalang.
Ang kaniyang panga ay umigting bigla, tanda na ito ay galit dahil sa naging sagot ko.
Pabalang kong tinabig ang kaniyang kamay at nagsimulang umalis sa kaniyang harapan. Patuloy lang ako sa paglalakad at hindi na ito binalingan pa ng tingin kahit na tinatawag nito ang aking pangalan, wala akong pakialam kahit na boss ko siya, wala naman kami sa kompanya kaya malaya ko siyang sungitan at malaya akong gawin ang gusto kong gawin sa kaniya. Kahit mainis siya wala akong pakialam dahil hindi niya matutumbasan ang galit na nararamdaman ko sa kanila.
“Ano ba hindi kaba nakakaintindi na huwag mo akong hahawakan?” Galit na saad ko sa kaniya at muling pumiglas sa kaniyang hawak ngunit hindi ko magawang makawala sa kaniyang paghawak dahil sa higpit ng kaniyang pagkakahawak sapat na para hindi ako masaktan.
“Bakit ba sunod ka ng sunod? Ano kailangan mo sa akin?” Nilabanan ko ang kaniyang malamig na titig sa akin.
Bumuntong hininga ito bago nagsalita. “Let's talk, Lara.” Mahinahon na saad nito at pinakawalan niya ang pagkahawak sa aking kamay.
“Tungkol saan? Kung tungkol ‘to sa kasal na magaganap, sige. Bakit hindi natin pag usapan ngayon.” Matapang na saad ko at tinignan siya ng seryuso.
“Bakit nga ba hindi ka tumutol sa desisyon ng magulang natin?” Mapang hamon na tanong sa kaniya.
Iniwas nito ang kaniyang tingin sa akin, nag pakawala ako ng pagak na tawa dahil sa kaniyang naging reaction.
Bakit ayaw niyang sagutin ang tanong ko sa kaniya? Huwag mong sabihin na pareho kaming dalawa na ang mga magulang namin ang laging na susunod sa lahat? Pero lalaki siya hindi ba niya kayang suwayin ang desisyon ng mga magulang niya? Pero impossible dahil sa mukha niya at ugali niya ay parang walang makakapag utos o makapag demand sa kaniya.
“Alam mo, Drake buong buhay ko sila laging nasusunod sa mga desisyon na gagawin ko sa lahat ng bagay, sila ang nag disesyon sa buong buhay ko. Ni wala nga akong karapatan magreklamo at tumanggi sa lahat ng sinasabi nila.” Tumingala ako sa kalangitan matapos kong sabihin ang mga katagang iyun. Isang patak na luha ang lumandas sa aking pisnge hanggang sa sunod-sunod na itong nagsilandasan.
Napakaganda ng bituin ngayon, napakagandang pagmasdan pero taliwalas ang kaniyang kagandahan sa aking nararamdaman ngayon.
“Pero ngayon pinapaglaban kona ang karapatan ko. Ngayong malaki na ako kaya ko ng suwayin ang mga desisyon ng magulang ko sa akin kaya hanggat maari hindi ako papayag sa kasal na ‘yan.” Alam kong nasa akin na ang kaniyang paningin, pinunasan ko ang aking mga luha at binalingan siya ng tingin.
“Hindi sa ayaw kong maikasal sa’yo, kundi ayaw kong maikasal sa taong hindi naman pala ako mahal at hindi papahalagahan ang mga sinumpaan namin sa harap ng diyos at sa harap ng altar.” Mapait akong ngumiti sa kaniya at nagpatuloy sa pagsasalita.
“At higit sa lahat ayaw kong ako lang ang nag mamahal sa ating dalawa kung maikasal man tayo balang araw.”