Chapter 20

861 28 3
                                    

Kanina pa ako hindi nagsasalita buong byahe hanggang sa makarating kami dito sa resort na hindi ko alam kung saan ang exact location nito.

Hinayaan ko na lng siya kung saan man niya ako dadalhin.

Kanina pa ako nito kinakausap pero hindi ako nagkikibo sa kaniya hinahayaan ko lng ito dumaldal ng dumaldal.

Gaya ng kaniyang sinabi stop talking daw, edi ako naman na masunorin ay sinunod ko siya tapos ngayon na hindi na ako nagsasalita magagalit siya sa akin.

Aba’y siraulo ba siya? Siya nagsabi na huwag akong magsalita. Ay hindi naman pala sa huwag magsalita, hindi naman talaga siya nagsabi ng huwag akong magsalita. Trip ko lng hindi magsalita para galitin siya.

Nagtaka ako kung bakit nandito kami, kung bakit niya ako dinala dito. Nang hindi ko na makayanan na hindi magtanong ay nagsalita na ako.

“Anong ginagawa natin dito?” Inilibot ko ang buong paningin sa kabuohan ng resort. Isa lng ang masasabi ko ang ganda, ang ganda ng view. Napaka aliwalas.

Ang presko ng simoy ng hangin na sumasabay sa pag agos ng alon sa karagatan. Ganito ang gusto kong tirahan walang problemang kinakaharap.

Walang mga sakit sa ulo na wala kang iniisip na kahit na ano. Ganitong ganito ang gusto ko dahil malayo sa problema, malayo sa syudad, walang pollution kun’baga.

“My family private resort. We will meet someone.” Sagot nito sa tanong ko at inayang pumasok na sa isang parang hotel, parang gano’n na nga pala. Sa restaurant kami tumuloy.

Nagtaka ako kung sino naman ang kikitain namin sa pagkaka alam ko ay wala naman siyang ka meeting ngayon, nagtataka kayo kung bakit ko nalaman ay malamang kasi ako ang humahawak ng kaniyang schedule dahil ako ang secretary niya.

Ayun naman talaga ang gawain ng isang secretary, bilang isang secretary dapat alam mo ang kaniyang schedule at dapat lahat ng inuutos niya dapat mong sundin kung ayaw mong matanggal ng maaga sa kompayang pinag tatrabuhan mo.

Hindi ako umimik na natiling tikom ang aking bibig. Kahit naman gusto kung magtanong kung sinong tinutukoy niyang someone ay pinigilan ko ang aking sariling magtanong.

‘Di bali na lng makikita ko din naman ang kaniyang tinutukoy na someone kuno.

Nauna na itong maglakad kaya sumunod na rin ako sa kaniya. Nang makapasok ay sumalubong kami ng isang staff dito, hinayaan ko na lng siya ang makipag usap dahil bukod sa na aaliw ako sa kakatingin ay may isang naka kuha ng aking atensyon.

Sandali lng! Bakit parang pamilyar ang taong naka upo doon sa gilid. Hindi na mamalikmata lng siguro ako. Hindi ‘yun ang magulang mo, Lara kaya huwag kang kabahan.

Pero bakit nga ba ako kakabahan? E wala naman akong ginagawang mali ah.

Nagtatakang tinignan ko si Drake ang aking boss na naglalakad patungo sa table na tinitignan ko kanina pa.

Kahit nagtataka man ay sumunod ako sa kaniya, dahan dahan ang aking paglalakad.

“Drake, my son. You're here.” Rinig kong ani ng ginang sa kaniya. Niyakap ito. Siguro mama niya ‘yun.

Ay tanga talaga kaya nga tinawag na son, e. Ibig sabihin no’n ay anak niya, kaya mommy na ‘yun. Minsan talaga hindi nag f’function ang utak ko puro na lng katangahan ang lumalabas kaya tayo na papahamak, e.

Nang makalapit ng kaunti sa kanila ay siya din napatulala sa akin ng husto.

Bakit?

Anong ginagawa nila dito? Magkakilala silang lahat?

Nagtatakang nakatingin ako sa kanila. Napabaling ako ng tingin sa taong nakatalikod sa akin ngayon na kinakausap ng kaniyang magulang.

Nasa likod ako nito kaya hindi masyadong kita ako kasi nahaharangan niya ako. Pero itong mga magulang ko ay kanina pa ako tinitignan ng nagtatakang nakatingin.

Parang sinasabi na bakit ka nandito? Bakit magkasama kayo? Mga mapanuring tingin ay hindi inaalis sa akin. Naiilang na din ako sa kanilang mga titig.

Anong ginagawa namin dito? Bakit kailangan pa akong isama kung pwedeng siya na lng mag isa, si Drake. Kung family dinner din naman ang kaniyang ipinunta ay bakit kailangan pa akong isama?

Badtrip naman oh! Ayaw ko nga makita ang mga magulang ko kasi ipipilit naman nila ako sa gusto nilang mangyari. Ang ikasal ako sa taong hindi ko naman kilala. Sa taong malapit ko na daw makita kuno.

Na pabalik ako sa aking ulirat ng biglang may mga bisig akong naramdaman na yumayakap sa akin.

Hindi ko man lng namalayan na kanina pa pala ako napatulala. Ang magulang ni Drake ang siyang yumakap sa akin.

Nag alin-langan akong ngumiti sa kanilang lahat na ngayon ay nakangiti na sa akin. Ang isang hindi katandaan na naka upo sa right side ay seryusong nakatingin sa akin.

Gano’n din ang pinipukol ng tingin sa akin ni Drake. Ang aking amo, mag ama nga sila. Parehas na walang emosyon kung makatingin at palaging seryuso.

Parang nakita ko na ang kaniyang mukha dati pero hindi ko matandaan kung saan at kung kailan man. Sa left side naman ng upuan ay nandoon nakaupo ang aking magulang, si mommy kasama na ang kaniyang asawa.

Himala yata hindi nila kasama ang kanilang paboritong anak. Bago ‘yun sa akin.

Tinignan ko ang ang mukha ng taong hanggang ngayon ay nakayakap pa rin sa akin nang makita ang mukha ay saka ko lng naalala na kaya pala pamilyar ang kanilang mukha.

Sila ‘yung taong bisita ng aking magulang noong nakaraan. Sila ‘yung magulang na ipapakasal sa akin.

Napalunok ako bigla. Huwag mong sabihin na. No hindi naman siguro tama ang hinala ko noh? Hindi. Tama! Tama! Hindi. Napailing iling ako dahil sa pumapasok na kaisipan sa aking utak.

Kumalas ito ng yakap sa akin at inaya akong umupo. Gano’n din ang ginawa kay Drake.

“Thank you po, Mrs.” Pilit ngiting pasasalamat ko sa kaniya.

Nagsisimula nang mamawis ang aking kamay dahil sa kabang nararamdaman. Hindi ko naman kasi akalain na meron pa lng ganito. I mean bakit ngayon pa ito nangyari? Hindi pa ako handa sa kung anong mangyayaring ganap dito.

Bumuntong hininga ako ng mahina upang pakalmahin ang aking sarili.

Nang makaupo na ang lahat ay walang umimik, walang lumilikha ng ingay. Walang balak basagin ang katahimikan na siyang lalong nagpakaba sa akin.

I'M HIS WIFE NOT A SECRETARY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon