I was walking into the company as soon I arrived to my desk, Justine. My workmates immediately greeted me.
“Good morning, Lara.” Pagbati niya sa akin, nginitian ko siya at inilapag ko sa aking desk ang mga dala kong mga papeles bago siya binati pabalik.
“Good morning, Justine.” Umupo ako sa aking upoan. Binalingan ko siya ng tingin ng magsalita siyang muli .
“Bakit late ka? Diba ngayon dapat mo ipapasa ‘yung report na pinapagawa sa’yo ni Boss?” Agad na nanlaki bigla ang mga mata at tarantang tumayo sa pagkakaupo. Hala! Bakit ko nakalimutan ang napaka halagang bagay na ‘yun? Lagot ako nito kay Boss.
Dahil sa pagmamadali agad kong dinampot sa table ko ang dala-dala ko kaninang mga papeles.
“Hulaan ko nakalimutan mo ano?”
Tumango-tango ako sa kaniyang tanong. “Oo, mabuti na lang na banggit mo ang bagay na ‘yan. Sige na mauna na ako, lagot ako nito sa kay Boss.” Nagmamadali akong umalis sa kaniyang harapan.
“Sige, good luck.” Nakangising sabi nito sa akin.
Ngumiwi ako sa kaniya. Alam ko kung bakit gano’n ang sinabi at reaction niya dahil alam na alam ko kung gaano nakakatakot si Drake. Ayaw niya pa naman sa mga taong late pumasa ng mga pinapagawa niya kaya ako kinakabahan ngayon. Strikto siya pagdating sa trabaho dahil no’ng una ko ngang pasok dito ay napagalitan niya kaagad ako, ‘yun ang hindi ko makakalimutan sa lahat.
Agad akong tumakbo papunta sa elevator ng makitang papasara na ito. Hiningal-hingal akong napahawak sa dalawa kong tuhod habang nag hahabol hininga.
“Oh Lara, bakit kaba nagmamadali?” Tumingala muna ako at ngumiwi bago nagsalita.
“May ipapasa po kasi akong mga papeles na hinihingi ni Boss kaso nakalimutan kong ngayon pala ang deadline ngayon kaya nagmamadali ako.” Hingal na hingal na saad ko.
Agad na nanlaki bigla ang kaniyang mga mata ng pagkarinig niya sa sinabi ko. “Ay jusko kang bata ka, lagot ka nga kay Boss. Ipagdalasal mona lang na huwag kang pagalitan.” Ngumiwi ako sa kaniyang turan, grabe naman lalo tuloy akong kinakabahan. Parang gusto ko tuloy huwag na lang tumuloy sa pagpunta sa opisina ni Boss.
Tumango-tango ako sa kaniyang sinabi. “Tinatawag ko na nga po lahat ng santo na sapian si Boss ng kabaitan.” Tumawa ito bigla sa aking sinabi. Tinatawa nito? Hindi ako nagbibiro sa sinabi ko dahil habang tumatakbo ako ay tinatawag ko na nga lahat ng santo sa isipan ko.
Nandito ako sa harapan ng kaniyang opisina, pinakakalma ko ang aking sarili dahil sa kabang bumabalot sa aking sistema. Ngayon ulit kami magkikita dahil this past few days ay lagi ko siyang iniiwasan sa kadahilanan na tungkol sa pag uusap namin ng gabing ‘yun.
Nahihiya din akong harapin siya ngayon, wala akong lakas ng loob na kausapin siya ngayon.
Nang maikalma kona ng tuluyan ang aking sarili ay agad akong kumatok ng tatlong beses bago buksan ang pintuan. Pagbukas ko ng pinto nang kaniyang opisina ay agad na bumungad sa akin ang maaliwalas na opisina niya.
“Good morning, sir.” I said at iniyuko ko ng kaunti ang aking ulo, ayaw kong salubungin ang kaniyang malamig na titig, na para bang hinahalukay ang buo mong pagkatao.
“You’re late again!” Sabi niya at humarap sa‘’kin at tinignan ako gamit ang malamig na tingin niya. Napalunok ako ng wala sa oras dahil sa kabang nararamdaman. Nakatalikod ito kanina nakaharap siya sa labas ng opisina niya‚ wall glass kasi ‘yung loob ng office niya kaya napaka aliwalas tignan, masarap sa mata. Makikita dito sa loob ‘yung mga nasa labas, makikita mo din ‘yung mga malaking building na matataas, nakakadagdag sa kagandahan ng ambience dito sa loob ng office niya.
“Sorry po sir, that will never happen again. ” Nakayuko kong sabi, dahan-dahan kung inangat ang aking ulo ng wala akong marinig na salita mula sa kaniya, ni violence reaction ay wala. Nang makita ko ang kaniyang mukha ay napaka aliwalas ng kaniyang awra ngayon.
Napahawak ako bigla sa aking dibdib at mariin na pumikit. Thanks god, dahil narinig ng mga santo ang pagtawag ko sa kanila na sapian ng kabutihan ngayon si Boss.
Huminga ng malalim bago nagsalita. “Boss, this is all the report paper that you ask me to do.” Inilapag ko sa harap ng table niya ang hawak ko. Inabot niya ito nagsimulang basahin ang report ko, tumango-tango habang nililipat ang pahina.
Tumikhim ako ng mahina para agawin sandali ang kaniyang atensyon, nang magtagumpay ako. Binalingan ako nito ng tingin saglit at muling nagpatuloy sa kaniyang ginagawa.
“Mr. Arnold wants to set a meeting with today at exactly 10:00 am.”
“About what?” He said seriously while looking at me again.
“I don't know sir, since wala naman siyang sinabi tungkol saan.” Habang sinasabi ko ang mga katagang iyun ay nakatitig lang ako sa kaniyang napaka perpektong mukha. Hindi ko alam kung bakit laging na mamagnet nito palagi ang aking atensyon na titigan ng matagal ang kaniyang mukha.
Napabalik ako sa sarili ng tawagin nito ang pangalan ko. I suddenly blink my eyes in two times, nag init ang mga pisnge ko dahil sa kahihiyan na nararamdaman ko.
“Huh?” Parang tangang sabi ko, napa tampal na lang ako sa aking noo.
“I called you many times but you're spacing out and your staring my face.” He said seriously to me at tumayo sa pagkakaupo at lumakad papalit sa akin.
“Let's go.” Aya nito at nagsimulang maglakad.
“Huh? Saan po tayo pupunta, sir?” Nagmamadali akong humabol sa kaniyang paglalakad, halos lakad takbo na aking ginawa para lang maabutan siya sa paglalakad dahil sa bilis ng kaniyang paglalakad ay halos hindi kona siya mahabol pa.
“Meeting with Mr. Arnold.” Nakapamulsang saad nito sa akin at pumasok na sa loob ng elevator, gano’n din ang ginawa ko.
Tumango ako sa kaniyang sinabi at humahangos na sumandal sa likod at pumikit ng mariin. Wala ni isa sa amin ang umimik pa, ang awkward ng atmosphere ngayon dito sa loob ng elevator.
Naalala ko bigla ang mga sinabi ko ng gabing ‘yun, bakit ko nga sinabi ang mga katagang ‘yun? Nagmumukha tuloy akong may gusto sa kaniya. Pumikit ako ng mariin at ipinilig ang ulo para wala ang nasa isip ko.