Nang na sa kalagitnaan ako biglang may kumalabit sa akin.
“Lara! Tara na. Lunch time na, tama na ‘yan, mamaya mo na ‘yan tapusin kain mo na tayo.” Saad ni Justine sa’kin.
Tinignan ko ang aking relo para malaman kung anong oras na nga ba.
Oo nga lunch time na, hindi ko naman na pansin ng dahil sa sobrang pagka busy sa ginagawa ko.
Tumago ako dito at tumayo na.
“Tara na!” Nakangiti anyaya ko sa kaniya. Ngumiti din ito pabalik. Naglakad kaming dalawa patungo sa kantena.Ang mga taong na dadaanan namin ay napapatingin sa’min, ‘yung iba naman ay parang pinag chichismisan kami.
Hindi na lng namin ito pinansin at nagpatuloy sa paglalakad. Nang makarating sa loob ng canteen ay agad kaming nag order ng makakain. Naghanap kami ng bakanteng upuan at nagtungo doon.
Nang na sa kalagitnaan na ako ng pagkain ng maalala ko ang masungit na boss ko.
Kumain na kayo s’ya? Kumakain pa siya ng tanghalian? Parang hindi eh! Kahit naman na may kasalanan ‘yun sa akin ay hindi ko naman maiwasan mag alala sa kaniya.
Nahahalata ko kasi sa kaniya na para bang inululunod niya ang kaniyang sarili sa pag tatrabaho, ni pagkain nga ay parang hindi na niya natutunan ng pansin.
Ano kaya kung dalhan ko siya ng pagkain sa kaniyang opisina? Magandang ideya ‘yun.
Binilisan ko ang pagkain ko. Nang mahalata ni Justin na nagmamadali ako sa aking pagsubo ay nagtatakang nakatingin ito sa’kin.
“Dahan-dahan lng, Lara.” Pagsususay nito sa’kin. “Bakit ka nagmamadali sa pag ubos ng pagkain mo?” Takang tanong nito sa’kin.
Nagpa peace ako sa kaniya nagpapahiwatig na humihungi ng paumanhin. Nilunok ko mo na lahat ng na sa bunganga ko bago nagsalita.
“Kapag ganito bang tanghalian ay bumababa ba si boss sa kaniyang opisina?” Tanong ko sa kaniya.
“Ang alam ko ay hindi siya bumababa. Teka nga! Bakit mo na tanong iyan?” Nagtatakang tanong nito sa ’kin.
“Ibig sabihin araw araw siyang hindi kumakain ng tangahalian?” Muli kung tanong sa kaniya.
“Parang gano’n nga,” alin-langan na ani nito sa’kin. “Huwag mong sabihin na nag-alala ka sa kalusugan ni boss.” Muli nitong saad.
Tinignan ako nitong panunuksong tingin. Inikutan ko ito ng dalawa kung mata bago tumayo.
“Diyan ka na nga, bibili mo na ako ng pagkain.” Pagpapahayag ko sa kaniya at nagtungo sa counter para bumili ng pagkain.
Habang nag aantay sa pagkain na binili ko ay biglang may nagsalita sa likuran ko.
“Kakain ka ulit? Hindi ka pa na busog sa kinain mo?” Binalingan ko ito ng tingin bago nagsalita.
“Hindi ako ang kakain niyan.”
“Edi sino naman?”
“Si boss.” Inikutan ko ito ng mata ng makitang ngumisi ito sa akin. Na nunukso itong nakatingin sa’kin.
Nang makitang tapos na sa paghahanda ng ibinili ko ay agad ko itong kinuha at naglakad na.
Habang naglalakad ay hindi ako tinitigilan ni Justine sa panunukso.
“Uy! Uy! May meaning ba ‘yan na pagdala mo ng pagkain at pag-alala sa kaniya?”
“Ano ba! Wala nga.” Naiinis na saad ko dito. Sinabing wala nga kasi eh! Tinaponan ko ito ng matalim na tingin.
Itinaas nito ang dalawang niyang kamay na nagpapahiwatig na sumusuko na.
“Okay, okay. Sabi ko nga titigil na.”
“Good,” ngisi kung ani sa kaniya. “Bye, kita na lng tayo mamaya.” Saad ko dito at kumaway sa kaniya.
Nagpatuloy ako sa paglalakad, sumakay ako sa elevator ng makaalis sa elevator ay nagpatuloy ako sa paglalakad bitbit ang mga dala kung pagkain para sa aking boss, hanggang sa makarating tapat ng kaniyan opisina ay kumatok ako ng tatlong beses bago pumasok.
‘wag kang kabahan, dadalhan mo lng siya ng pagkain.
Pagpasok ko sa kaniyang opisina ay nakita ko itong tutok na tutok sa kaniyang ginagawa. Hindi man lng ako tinaponan ng tingin, gano’n ba siya kapag na sa trabaho?
“Sir,” pag aagaw ng pansin ko sa kaniya. Umangat ito ng tingin sa’kin, napa lunok ako bigla sa aking laway. Nakatitig ito sa aking na nagtatakang nakatingin.
Nagtataka man ay wala pa rin itong emosyon na nakatingin sa akin.
“What do you want, Lara?” Tanong nito sa akin. “Hurry up, I'm busy,” muli nitong saad sa’kin na siyang ikinakaba ko ng tuluyan, galit ba siya pag iistorbo ko sa kaniyang ginagawa? Pero hindi pa siya kumakain. Ngumuso akong habang nakatingin sa kaniya.
Napadako ang kaniyang paningin sa hawak ko. Itinago ko ito sa aking likod sa sobrang kaba.
“What's that?” Nagtataka nitong tanong sa akin.
“Uhm, ano. Wala ‘to sir.” Kanda utal-utal na ani ko sa kaniya. Nagsisimula na akong kabahan ng bigla itong tumayo sa kaniyan kinauupoan. Naglakad ito palapit sa’kin na siyang ikinaatras ko.
Lakad, atras, lakad, atras, ayan ang ginagawa naming dalawa. Bakit ba kasi siya lumalapit? Anong gagawin niya? Nang wala ng ma atrasan ay na pasandal ako pintuan ng kaniyang opisina.
Pumikit ako ng mariin dahil sa sobrang lapit na namin sa isat isa. Inilapit nito ang kaniyang mukha na siyang ikinapigil ko ng hiningi dahil sa kaba. Nagsisimula na din mamawis ang aking mga palad.
Inimulat ko ang dalawa kung mata ng maramdaman na may kinuha ito sa aking kamay. Iyung pagkain lng pala ang akala ko ay hahalikan ako nito. Asyomero, Lara.
“Breath.” Bigla nitong saad sa akin na siya naman ikina hinga ko ng malalim.
Huminga ako ng malalim at sinapo ang aking dibdib. Sh’t paano ko nagawang hindi huminga ng gano’n katagal?
Mas’yado na ba akong na i-intimidates sa kaniyang presensya? Sa tuwing lalapit o malapit siya sa akin ay ang puso ko hindi magawang huminahon, ang bilis ng tibok ng puso ko. Baka kailangan ko nang mapatingin sa doctor, humihina na ata ang puso.