Nang makarating kami sa magarang restaurant ay agad din kaming lumabas ng kotse at sabay na nagtungo papasok.
Napatigil ako sa paglalakad dahil biglang tumunog ang aking cellphone na nasa loob ng sling bag.
Nagtatakang nakatingin ako sa aking sling bag, napa isip kung sinong tumawag sa'kin nang ganitong oras dahil wala naman akong natatandaan na tatawag sa akin dahil kalakasan ay puro text ang aking natatanggap sa lahat ng mensaha mapa importante o hindi pa iyan, Ipinilig ko ang aking ulo.
Siguro masyadong importante ang sadya nitong taong tumatawag sa'kin. Napatigil din sa paglalakad si Boss at naka kunot noong nakatingin sa akin. Dahil nagtataka rin siguro siya.
Tinignan ko itong humihingi ng pasensya. "Ahmm. Mauna kana po, Boss. Sagutin ko lng 'tong tawag. Susunod din ako kaagad." Saad ko dito.
Taas kilay itong nakatingin sa'kin at agad na tumalikod sa'kin at nagpatuloy sa paglalakad. "Sungit."
Hindi ko na lng ito pinansin at agad na kinuha ang cellphone ko sa aking sling bag. Nang makitang kung sino ang tumatawag at automatic na napataas ang aking kilay nang malaman kung sino ang tumatawag.
Bumuntong hininga ako ng malalim. Kailangan kung kalmahin ang aking sarili dahil kung ano man ang aming pag uusapan dapat handa ako sa kung ano man ang aking marinig galing sa mismong bibig nang aking ina.
Dapat pano nang surpesa ang taong 'yun, surpesang ni minsan ay hindi ko nagustuhan. Pati kasal ko nga pinapakialam nila, sinurpresa nga nila ako. Hindi saya ang nararamdaman ko no'ng mga oras na 'yun nang malaman kung na arrange marriage na pala ako sa taong hindi ko naman pala kilala ay halo halong emosyon ang aking nararamdaman, mas na ngigibabaw ang galit, poot na nararamdaman ko.
Galit sa magulang dahil sa kanilang ginawa. Ni hindi nga nila hiningi ang aking permiso basta lng sila nag desisyon na wala ako. Mga paladesisyon saamong buhay ko.
"Napatawag ka?" Pagbungad na sagot ko nang sagutin ko ang tawag nang aking magaling na ina. Hanggang ngayon ay galit pa rin ako sa kanilang ginawa at hindi ko iyun matanggap.
"Ganiyan mona ba batiin ang iyung ina, Lara? Napaka bastos mo talagang bata ka. Simula no'ng umalis ka sa poder namin ay naging ganiyan kana. Ni hindi kana namin kilala."
"Yan lng ba ang sasabihin mo at napa tawag kapa para sabihin 'yan? Grabe nag effort ka pa, MOTHER." Nagtitimpi kong usal dito at idiniinan ang huling salita.
Napatigil ang nasa kabilang linya pagkatapos nang ilang minuto ay walang sumagot ay napabuntong hininga ako bago nagsalit.
"Kung wala ka ng sasabihin papatayin ko na dahil busy ako ngayon." Mahinahon na saad ko. Akmang papatayin ko na sana nang biglang nagsalita ang nasa kabilang linya na siyang ikinagaluntang ko ng husto.
"Mas mapapa aga ang pagkikita niyong dalawa, ngayong buwan. "
"Eat, we still have an meeting." Napabalik ako sa ulirat nang biglang may nagsalita sa siyang ikinalingon ko sa kaniya. Napatagal yata ang pagkatulala ko ni hindi ko nga maramdaman na naeserve na ang pagkain sa table namin.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako maka get over sa pinag usapan namin kanina ng aking ina. Tumingin ako sa kaniya at pilit na ngumiti at tumango at sinimulan nang kumain.
Hindi ko maisip na bakit bigla yatang napa aga ang pagkikita namin? Ang alam ko sa susunod pa itong buwan pero bakit napa aga ata nang masyado? Kahit hindi sabihin sa akin nang aking ina kung sino ang kaniyang tinutukoy ay alam ko na agad kung sinong taong tinutukoy niya.
Walang iba kundi ang aking mapapangasawa na hanggang ngayon faceless, ni clue ay wala nga akong alam sa kaniya.
Kahit gutom na gutom ako parang nawalan yata bigla akong gana kumain. Napabuntong hininga ako. At Inilapag ang utensil at inangat ang aking ulo upang sana tanongin ang aking boss kung tapos na itong kumain.
Napalaki bigla ang aking dalawang mata dahil sa gulat. "B-Bakit ganiyan ang tingin niyo, Boss?" Nauutal na tanong ko nang makitang nagtatakang nakatingin ito sa akin.
Napailing iling ito at hindi nito pinansin ang tanong ko bagkus ay nagpatulog ito sa pagkain. "Sir, tapos na po kayo kumain?" Magalang na tanong ko sa kaniya.
Wala akong ganang makipag bangayan sa kaniya ngayon dahil sa problemang bigla bigla na lng sinusupalpal sa akin.
"What do you think, Lara?" Pabalang na sagot nito na siyang ikinatango ko na lamang at hinayaan na lng siyang ubusin ang kaniyang pagkain.
Maya maya pa ay nakaramdam agad ako na kailangn ko mo nang magbanyo ay agad akong tumayo. Napalingon sa akin si Boss na with usual na seryusong tingin.
"Magbabanyo lng ako saglit, Sir. Naiihi po kasi ako." Nang hindi ito nagsalita ay agad agad akong umalis sa kaniyang harapan ata agad hinanap nang cr.
Actually hindi lng pag c'cr ang dahilan ko may napapansin lng ako kanina pa nagmamasid sa'min simula no'ng makarating kami dito sa loob ng restaurant noong una ang akala ko wala lng 'yun pero habang tumatagal ay hindi nito inaalis ang tingin sa'min, unang akala ko nga na huhumaling lng ito sa kagwapohan nang aking kasama.
Nang hindi ko mahanap comfort room ay agad akong nagtanong sa isang staff na dadaan sana sa aking harapan.
"Ms. Nasa'n ang comfort room dito? Hindi ko kasi mahanap eh." Napakamot ako sa aking batok dahil sa kahihiyan.
Aba'y malay ko ba kung nasa'n ang cr dito eh! Baguhan pa lng naman ako dito.
Ito ang unang araw na kakatapak ko pa lng dito kaya hindi ko pa saulo ang mga pasikot sikot dito. Kaya huwag kayong ano diyan.
"Uuhh! Doon po ma'am sa right side." Tumango ako sa kaniyang sinabi at nahihiyang magpasalamat dito.
Mabilis akong nagtungo doon dahil hindi ko na talaga kayong pigilan pa itomg ihiin ko, puputok na ata bantog ko sa sobrang pagpipigil.
Nang makapasok sa cr ay dali dali akong pumasok sa isang cubicle na bakante ay umihi. Nang matapos ay doon lng ako nakahinga ng maluwag.
Lumabas ako sa cubicle at nagtungo sa lababo para maghugas nang kamay at mag sanitize habang nag sasanitize ay hindi ko maiwasan' mapangisi dahil sa taong pumasok.
Sabi ko nga ba't susunod 'yan eh. Hindi magkamali ang aking hinala.