Ilang araw na ang nakalipas simula no’ng mag trabaho ako sa kamponyang pinagtatrabuhan ko.
At saka mga nakalipas na araw ay hindi kami nagkakasundo ng aking amo dahil ang pag uugali na meron kaming dalawa ay taliwalas. Lagi kaming nagbabangayan sa lahat ng bagay, mapa laking bagay man ‘yan o maliit ay lagi naming pinagtatalunan.
Wala akong pakialam kung boss ko man siya, magalit siya kung gusto niya wala akong pakialam.
Padabog kung inilapag ang mga dala kung papel sa kaniyang lamesa. “Oh! Ayan na pinag uutos mo boss, may iitos ka pa? para naman hindi ako pabalik-balik.” Sarkastikong ani sa kaniya.
“Nakakapagod kasi.” Mahinang bulong ko sa huli.
Kunti na lng mabibigwasan ko na talaga ‘tong antipatikong amo ko.
Hindi nito pinansin ang pagdadabog bagkus ay nag tanong “Ilang meeting ko ngayon araw, Lara?
“Apat sir. Dalawa ngayong umaga at dalawa naman mamayang hapon.”
“What time?” Muli nitong tanong sa’kin.
“Ngayong umaga po ay simula ng meeting niyo ay exactly 8:30 at ang venue naman po ay sa Tea Wave coffee.” Tumango ito sa’kin bilang tugon, tumayo ito sa kaniyang kinauupoan at nagsalita.
“Let's go. We're getting late.” Nauna na itong lumakad palabas ng kaniyang office kaya sumunod na lng ako sa kaniya.
Nang makarating sa kaniyang sasakyan ay pinagbuksan ako nito ng kaniyang sasakyan, kahit nagulat sa kaniyang inasta ay hindi na ako umimik pa at pumasok na. Gano’n din ang kaniya ginawa, umikot ito at umupo sa driver sit.
Himala wala yatang sayad ang boss ko ngayon, hindi nagsusungit.
Sinimulan na nitong paandarin ang kaniyang sasakyan, habang na sa byahe wala kaming ingay maski ni isa. Tinignan ko ang aking amo, napaka gwapo niya talaga.
Hindi maikakaila na ang daming nagkakandarapa sa kaniya sa loob ng kompayang pinag tatrabuhan ko at gano’n din dito sa labas. Halos lahat ng mga babae o mapa bakla man ay pinagtitiliin siya.
Tutok na tutok ito sa kaniyang pagmamaneho ng bigla itong nagsalita na siyang dahilan na ikinapula ng mukha ko at taenga.
“Stop staring, Lara. I might melt,” napa kurap-kurap ako bago umiwas ako ng tingin. Nakakahiya at alam ko kung gaano na kapula ang mukha ko ngayon, siguradong para na akong tomato ngayon.
“Hindi ah! Hindi naman kita tinitigan ah!” Pagdedepensa ko sa aking sarili. Kinakabahan ako sa kaniyang mga titig na ipinipukol nito sa’kin, nakaka intimidates siya, sobra.
“E-Eyes on the road po sir.” Nauutal na tanong ko sa kaniya ng mapansing hindi nito inaalis ang tingin sa’kin. Umiwas ako ng tingin ng makitang ngumisi ito bigla. Bakit?
Bumalik ang kaniyang paningin sa daan at hindi na muli pang nagsalita ay gano’n din ang aking ginawa.
Ilang minuto pang itinagal sa pag b’byahe ay nakarating na din kami sa pinag usapan na venue kung saan gaganapin ang meeting ng client ni Boss.
Bumaba ito sa kaniya sasakyan at gano’n ang aking ginawa. Hindi ko na ito inantay pang pagbuksan niya ako, ako na ang kusang gumawa no’n sa sarili ko total hindi ko naman kailangan ang kaniyang tulong. Sigurado naman na hindi niya ako pagbubuksan ng pinto.
Sabay kaming naglakad papasok sa coffee. “A pleasant day, ma'am and sir.” Bati sa’min ng mga staff nang makapasok kami.
Hindi ito binigyan ng pansin ni boss kaya naman ako na ang humarap sa mga staff na nakangiting nakatingin sa amin ngayon, nakangiti din’ bumati sa kanila pabalik.
“Hello, good morning. A reservation of Mr. Del Vega, please,” pormal na sabi ko sa kaniya.
“Okay, ma'am. Please follow me.” Ngumiti na ito bago kami iginaya sa loob. Sinundan namin ang taong nag a-assit sa’min patungo sa pwesto ng taong ka sosyo ng boss ko.
Nang makarating sa pwesto ng taong ka meeting ng boss ko ay agad nagpasalamat sa staff, umalis na ito. Tumayo si Mr. Del Vega ng makitang kami.
“Mabuti’t nakarating ka, akala ko hindi ka sisipot.”
Hindi ito pinansin ni boss at tumango na lng dito. Nagpakikala mona ang isa’t isa. Umupo na kaming tatlo at nagsimula ng mag usap ang dalawa tungkol sa pag negosyong pagp’planohan nilang itayo.
Tahimik lng akong nakikinig sa kanilang pinag uusapan, at lahat ng bagay na importante at sinusulat ko sa dala kung pad dahil ganito naman talaga ang ginagawa ng isang secretary.
Kahit hindi kami in a good terms ni boss minsan kailangan kapag na sa trabaho ka ay kailangan mo din magseryoso kasi hindi lahat ng bagay ay biro lng.
“Okay, then it's settled Mr. Del Vega.” Tumayo si Boss at nakipag kamay sa kaniyang kausap. Tumango naman si Mr. Del Vega at ngumiti ng marahan.
Nang matapos sa kanilang pag uusap ay tumayo na kami at nagpaalam sa isa’t isa. Lumabas na kami sa coffee at nagtungo sa kaniyang sasakyan.
Nang makapasok ay agad nitong ipinaharorot ang kaniyang sasakyan.
“Sir may meeting pa po kayo mamayang 11:30” saad ko dito. Tinignan ko ang oras sa aking relo. Maaga pa naman, may ilang minuto pa naman ang natitira.
“Okay, let's eat I'm hungry. Saan mo gustong kumain?” Tanong nito. Napabaling ang aking paningin sa kaniya ng magsalita ito.
Nagtatakang nakatingin ako sa kaniya. Nakatutok ito sa kaniyang pagmamaneho ni hindi man lng ako tinaponan ng tingin.
Napakamot ako sa sariling batok bago nagsalita. “Kahit saan sir. Basta masarap ang pagkain.” Saad ko dito na siyang ikinatango nito.
Well libre naman bakit hindi na lng natin kapalan ang mukha. Dahil gutom na din ako bakit hindi na lng damihan natin ang pagkain. “Nice idea, Lara.”