Maxx
Nagkunwari akong tulog ng lumundo ang kama sa tabi ko. Patagilid at patalikod ang aking pagkakahiga sa kama para iwasan si Enzo. Kinikilig ako at the same time ay naaasar pa rin sa sinabi niya sa akin. Mahal ko siya habang siya naman ay pabiro lang sinasabi ang salitang iyon. Nadadagdagan tuloy ang level ng insecurities at takot ko na hindi niya na talaga ako seseryusohin.
"Maxx."pabulong na tawag ni Enzo sa pangalan ko, kasunod noon ang mahigpit na pagyakap sa akin.
Nagkunwari pa din akong tulog. Pagkatapos ng usapan namin kanina sa kusina ay wala na akong balak makipag-agrumento sa kanya. I had enough for this day.
"I know hindi ka pa tulog, galit ka pa rin ba sa akin wifey?"
I instantly rolled my eyes kahit hindi niya ako nakikita. Nakaka- infuriate talaga ang mga banat niya. Sarap sapakin para matauhan. Syempre hindi ako tulog. Sino ba ang makakatulog kung malalaman mo na "ibinenta" at "pinagkaisahan" ka ng mga taong mahal mo?
Napabunot ako ng napakalalim na buntunghinga para pagaanin ang dinadala kong bigat.
"I knew it, gising ka pa talaga!"nagagalak niyang sabi.
"So what?"pagalit kong tanong. Bumalikwas ako ng bangon para maalis ang pagkakayakap niya sa akin. Walang sapin sa paa na nagtungo ako sa banyo ngunit hindi ko naisara ang pinto dahil kabuntot ko ang taong nais kong iwasan. "Ano ba?"pambubulas ko sa kanya. Humalukipkip ako dahil napansin kong nakapako ang dalawa niyang mata sa tapat ng dibdib ko, nakasuot ako ng manipis na kulay puting nighties at nakakasigurado akong aninag niya doon ang nais niyang makita. Napakabastos talaga, hindi man lang nahiya.
"Shoo, alis."pagtataboy ko sa kanya.
Ngumisi lang siya.
"Alis sabi!"mariing utos ko na may kasamang pagtaas ng tinig.
"Bakit ano bang gagawin mo?"painosente niyang tanong. Naglakbay muli ang mga mata niya mula sa mukha ko, pababa sa dibdib at tumigil sa exposed kong mga hita.
"Ano pa ba ang ginagawa sa banyo?"asik kong tanong.
"Madami."sagot niya bago walang pasabi na siniil ng malalalim na halik ang aking labi. Nanlaban ako noong una ngunit habang lalong umiinit ang halik niya ay nadadala na rin akong gumanti ng halik. Yumapos ako sa kanyang leeg at ninamnam ang bawat nakakatupok at nakakapaso niyang mga halik.
"Oh, Enzo."I murmured habang nadadarang sa kanyang haplos at yakap.Pandalas ako sa pagtaas ng damit niya.
"Okay ka lang?"
Mula sa kung saan ay narinig ko ang nag-aalalang tinig ni Enzo at nang magmulat ako ay nakita ko ang nagtataka niyang mukha. Hindi kami magkayakap o magkahinang ng labi gaya ng pinapantasya ko bagkus ay magkatapat kaming nakatayo at malayo ang distansya sa isa't-isa.
Binasa ko ang aking labi at narealize na nag-iilusyon lamang ako. Tanging ako. Samantalang siya ay hindi apektado. Nakakaasar. Bakit ba mukhang ako pa ang nagpapantasya sa kanya at naaatat?
"Tabi nga diyan."tinabig ko siya bago ako lumabas ng banyo. Tiyak na namumula ang mukha ko dahil sa pagkapahiya.
"May problema ba? May masakit ba sa iyo?"sunud-sunod niyang tanong.
Sumimangot lang ako. Kung alam niya lang kung ano ang itinatakbo ng utak ko kanina tiyak na pagtatawanan niya ako.
"Hey," dinaklot niya ako sa braso at sapilitang iniharap sa kanya. Binaling ko sa sahig ang aking paningin pero hinawakan niya ako sa baba upang itaas ang aking mukha. Sinalat niya pa ang noo ko pagkatapos ay napailing-iling. "May sinat ka."sabi niya na medyo nababahala.
Sinalat ko din ang aking noo para mapatunayang may sinat nga ako gaya ng sinabi niya. Medyo mainit nga ako pero mukhang normal naman ang aking pakiramdam.
"Kukuha lang ako ng tubig."paalam niya. "No, I think warm milk na lang."sabi niya na medyo natataranta. OA naman kung totoo ang ipinapakita niyang emosyon.
"Pati ng paracetamol."bilin ko. Mabuting maagapan ang sinat bago pa mauwi sa trangkaso o lagnat. Madami akong tambak na trabaho sa opisina at ayokong madagdagan pa iyon kung sakaling magkakasakit ako.
Pinakatitigan niya ako, iyong tinging nakakailang dahil parang may bagay siyang nais sabihin ngunit biglang nagdecide na huwag na lang. "Maupo ka muna."sabi niya bago maingat akong pinaupo sa gilid ng kama. Dinampian niya ako ng magaan na halik sa pisngi bago lumabas ng aming silid.
Nang bumalik siya ay may dala siyang isang baso ng gatas at thermometer. Inipit niya sa aking kilikili ang thermometer pagkatapos ng ilang saglit ay inalis niya iyon para basahin ang resulta. Nawala ang pag-aalala niya sa mukha at napalitan iyon ng isang masayang ngiti. Mukhang sobrang saya nga niya at hindi ko alam kung bakit.
"Base sa body temp. mo ay normal lang ito. Whewww, kinabahan ako kanina."sabi niya bago iabot ang baso ng gatas ng ipinatong niya kanina sa ibabaw ng bedside table. "Drink this para makalma ka at gumanda ang pakiramdam mo."
Umangat ang kilay ko dahil sa pagtataka sa inaasal niya. May plano kaya siyang hindi maganda sa akin? I mean, why all the sudden ay naging super thoughtful niya at mabait? Baka may kasalanan na naman siyang ginawa, di kaya? Nagdududang ininom ko ang gatas at ibinalik sa ibabaw ng bedside table ng maubos ko ang maputing likido.
"Thank you for making me the happiest man alive ever."masayang sabi niya bago ako niyakap ng mahigpit.
Why? Teka,ano bang ginawa ko?
![](https://img.wattpad.com/cover/22980029-288-k454210.jpg)
BINABASA MO ANG
My Substitute Bride and Wife (Completed)
RomanceBlackmail and Lies. iyan ang special flavor ng kasalang Maxene Hidalgo-Enzo Mondragon. Pero sa halip na si babae ang mamikot ay si lalaki ang gumawa noon pero hindi daw dahil sa love kundi sa "friendship". weehhh di nga?!