Chapter 21 Mrs. Mondragon at last!

47.4K 969 11
                                    

Maxx

        Ang huni ng masasayang ibon ang gumising sa kanya. Dumilat siya at sumalubong  ang puting kisame ng masterbedroom. Nang lumingon siya sa kanang bahagi ng kama ay napaawang ang bibig niya na parang letter "O" dahil nasilayan niya ang gwapong mukha ni Enzo. Padapa ang pagkakahiga nito pero nakabaling paharap sa kanya ang mukha.

        Pakiramdam niya ay umakyat kanyang mukha ang lahat ng dugoko  sa katawan dahil sa pagkakaalala ng ginawa niya kagabi.

        At 

        Nang mga sumunod pa nilang ginawa ni Enzo.

        Malinaw sa kanya ang lahat. At parang sutil na nagpa-flashback sa kanyang isip. Kung papaano sila humantong sa kama. Ang parang uhaw na uhaw nilang paghuhubad sa isa't-isa. 

        Namumula siya habang binabalikan ang mga eksenang naganap sa pagitan nila ni Enzo. Kung papaano siya nakipaghalikan dito. Kung papaano siya pumayag na lumagpas sila doon. Kung papaano siya pumayag na isuko ang pinakaiingatan niyang pagkababae. At kung papaano siya tumutugon sa ginagawang pagpapaligaya sa kanya ni Enzo. Ang laswa, ang aga-aga puros kaberdehan na ang pumapasok sa isip niya!

        She became alert ng gumalaw si Enzo. Nagdilat ito ng mga mata at ngumiti sa kanya. Napaatras siya sa gilid ng kama dahil hindi niya ito kayang harapin ngayon. Mas lalo pa siyang umatras ng tangkang hahawakan siya nito sa mukha. At dahil hindi niya natantya ay nahulog siya sa sahig. Hinila niya ang puting kumot na nakatakip sa kanila ni Enzo kanina para itago ang hubad niyang katawan dito. Hinihimas niya ang nasaktang paa ng marinig ang tinig nito. Tinig na mapang-akit, mapanukso.

        "Ayos ka lang Beautiful?"nakangising tanong sa kanya ni Enzo. Bumangon ito para tingnan siya ngunit nanatiling nakaupo sa kama.

        Nanghilakbot siya ng makitang ibinabandera nito ang hubad na katawan.

            At ang malaking kalmot na nasa dibdib nito.

        "Dito na lang ako Enzo."sabi niya. Inilihis niya ang paningin dito.

        "Maxx."

        Mariin siyang pumikit. Labag man sa loob ay sumampa siya sa kama para harapin ito.

        "Good morning Mrs. Mondragon!"masiglang bati nito.

        "Good morning too Mr. Mondragon."balik-bati niya sa madamdaming tinig. Sa wakas totoo na siyang misis nito.

        

My Substitute Bride and Wife (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon