Chapter 42

35.4K 635 2
                                    

Maxx

Buntis ako.. Para iyong musika sa pandinig ni Maxx habang buong pagmamahal na hinahaplos ni Enzo ang impis niya pang puson. Sobrang galak ang nadarama niya dahil hindi nga ba't iniyikan niya noon ang sinabi ng doctor na may posibilidad siyang hindi magkaanak dahil sa hormonal imbalance.

Sobrang blessed siya dahil bukod sa magiging mommy na siya ay kapiling niya pa ang lalaking itinatanggi ng puso niya.

"Kapag babae ang anak natin ang gusto kong ipangalan ay Princess Maxene at kapag lalaki naman ay Prince Max."nakangiting sabi ni Enzo na animo'y nangangarap.

"Baduy!"kontra niya bagaman nakangiti. "Bakit puro sunod sa akin?"Pwede namang dito na lang.  Nafa-flatter tuloy siya ng sobra.

"Gusto ko kasi ng maliliit na kamukha mo."sagot nito. Hindi ito basta nagkasya sa paghaplos sa tiyan niya idinikit pa nito ang taenga doon dahilan para pagtinginan sila sa kinauupuan nila. Nasa park sila at nakaupo sa bench. Madami tuloy na dumadaang nagtataka sa inaasal ni Enzo.

My Substitute Bride and Wife (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon