Julienne
Ang mga KONTRABIDA gusto din naman maging masaya ang love life!
Himutok ni Julienne habang nakaupo sa loveseat na naroroon sa kwarto niya sa bahay o mas tamang sabihing mansyon ng mga Hidalgo. Oo, nakabalik na siya sa bahay ng mga magulang. Tinawagan siya ng mama niya at pinakiusapan ng bumalik. Noong una ay nagmamatigas siya pero kalaunan ay napahinuhod na rin siya. And to her surprise ay hindi galit ang ama niya. Parang okey lang dito ang paglayas niya at di pagsipot sa kanyang kasal sana kay Enzo.Aaminin niyang siya naman talaga ang nagsuffer ng husto sa di pagsipot sa sariling kasal. Siya kasi ang nawalan. Akalain ba naman niyang maisipan ni Enzo na pakasalan ang magaling niyang kapatid. Mahal niya naman si Maxx yamang nga lamang na naiinggit siya dito ng sobra. Si Maxx kasi ang nakakakuha ng atensyon sa mga taong nais niyang ma-impress. Si Maxx ang laging magaling. Palaging sikat. Palaging maganda. Palaging best. Paborito ng parents nila. At mahal ng lalaking mahal niya.
Ano bang mali sa kanya? At walang nakakakita na magaling din siya? Na maganda din? Nang magaling din siya sa eskwela? Sikat? Sinunod naman niya ang parents nila pero bakit hindi siya paborito? At panghuli, bakit hindi siya ang minahal ni Enzo?
Napatingin siya sa kisame pagkatapos ay naikuyom ang magkabilang kamao.
Porke't ba kontrabida siya sa buhay nila Enzo at Maxx ay wala na siyang K maging masaya?
Madami siyang kayang gawin. Maghintay lang ang mga ito dahil hindi siya makakapayag na maging masaya ang mga ito habang siya ay nag-iisa at miserable.
Malaki ang kasalanan ni Maxx sa kanya dahil mga bata pa lang sila ay inagaw na nito ang lahat sa kanya. Ni hindi man lamang siya nito tinirahan o inambunan ng biyaya. Masyado itong madamot. Makasarili. Kunwari may pakialam sa kanya pero wala naman talaga dahil simula't sapol ay umiikot na ang mundo nito kay Enzo at kay Enzo lang. Mas importante dito ang kapakanan ni Enzo at ang pagkikita ng mga ito,ang paghaharutan ng mga ito at paggimik. At ang hindi niya mapapatawad is Maxx wanted Enzo for herself, only for herself ngunit umaakto na Santa at kunwari ay walang pagtingin kay Enzo. Alam nito na mahal niya si Enzo pero nagpakasal pa rin ito.
Bitch! Paulit ulit niyang pagtuya sa kapatid. Walang gusto daw kay Enzo pero ngayon ay nagpabuntis pa! Napakawalanghiya!
Nagpapasasa ito kay Enzo habang siya ay naghihinagpis, nagdurusa, naninibigho.
Sisirain niya ang pagsasama ng mga ito. Igaganti niya ang natamong kaapihan! At pagtataksil ni Maxx para tuluyan nitong maangkin si Enzo. Substitute lang ito at siya ang unang dapat naging asawa ni Enzo.
Nang tumunog ang kanyang cellphone ay kaagad niya iyong sinagot. Napangiti siya nang makilala ang boses lalaking nasa kabilang linya.
"Kumusta ang lakad mo?"bungad niyang tanong.
"Naalala mo ang nabanggit mo na ayaw na ayaw ni Anita Mondragon sa kapatid mo?"pansabik nitong pabalik na tanong.
"Oo naman."sagot niya. Si mama Anita ang nagpush noon na sila ni Enzo ang magpakasal. Ito din ang todo support sa kanya. At nagtataka siya ng husto dahil sa sobrang pagkadisgusto nito sa kapatid niya. Wala naman itong malinaw na ibinibigay na rason kaya nagpaimbestiga siya. Kung ayaw na siya nitong tulungan ay siya ang magkakalkal para magpasabog ng lihim nito.
"It has something to do with her past lover."
Umangat ang kilay niya. So anong kinalaman ng past lover nito kay Maxx?
Sinagot ng lalaki ang naglalarong tanong sa isip niya. "Bago siya ikasal kay Enrique Mondragon ay may matagal na siyang nobyo."nasa tinig ng lalaki ang pang-iintriga. Para itong tsismoso. Letse! Hindi siya nagbayad ng mahal dito para lang tsismis ang ihatid sa kanya. Hindi siya nagkomento dahil baka mamura niya lang ito.
Naramdaman marahil ng lalaki na uninterested siya kaya nagpatuloy ito sa pagsasalita. "Palagay ko ay nalaman ni Mrs. Mondragon na ampon si Maxene Hidalgo kaya ayaw niya dito."
Ampon? Palagay lang? E hunghang pala ang lalaking ito. Walang kwentang mag-imbestiga. Bakit ito magbibigay ng palagay na report lang?
"Iyon ang mga nalaman kong posibleng rason Miss Julienne."may galak nitong sabi. "Kailan ko po makukuha ang kabuuan ng bayad?"
"E kung bala ang ibayad ko sa iyo?"inis niyang sabi. naitirik niya pa ang magkabilang mata. Of course alam niyang hindi ampon si Maxx. Alam niya iyon. Nag-imbestiga na siya dati dahil may naririnig siyang bulungan na isa sa kanila ni Maxx ay ampon. Nagpa-DNA test din siya sa ibang bansa at tulad ng resulta ay pareho silang anak ng mga parents nila.
"Mam naman..."kabadong sabi ng binayaran niyang imbestigador.
"Ayusin mo muna ang trabaho mo bago kita bayaran."sinabi niyang magkita sila nito bukas dahil may iuutos siya ditong iba. Iyong may silbi talaga sa kanya.
"Okey mam."masigla nitong sabi bago nagpaalam.
"Wait,"pahabol niyang sabi. "Ngayon na tayo magkita. Same place."
"Okey Miss Julienne." Iyon lang at nawala na ito sa linya.
Nagmadali naman siyang nag-ayos. Sumakay siya ng kotse at pumunta sa isang disenteng restaurant. Inilinga niya ang paningin at nainis nang makitang wala ang anino ng lalaking pakay.
Palabas na siya ng biglang may isang pumpon ng bulaklak na sumalubong sa kanya. Gulat siyang napatingin sa may hawak.
"For you Miss Julienne."nakangising sabi ng lalaking nakasuot ng shades. Leather jacket, blue jeans at black boots. Gwapong gwapo din ito sa sarili.
"Maayos na report ang kailangan ko sa iyo hindi mga bulaklak."panenermon niya dito na tinawanan lang ng binatang imbestigador na halatang dumidiga sa kanya.
Kung mamalasin nga naman..
BINABASA MO ANG
My Substitute Bride and Wife (Completed)
RomanceBlackmail and Lies. iyan ang special flavor ng kasalang Maxene Hidalgo-Enzo Mondragon. Pero sa halip na si babae ang mamikot ay si lalaki ang gumawa noon pero hindi daw dahil sa love kundi sa "friendship". weehhh di nga?!