Chapter 24

44.6K 903 12
                                    

Maxx

                Kung sinabi ng mama mo na iwan mo ako, gagawin mo ba?

                Natigilan sa paghigop ng kape si Enzo dahil sa itinanong niya. Nangunot din ang noo nito. “Ano bang klaseng tanong iyan?”balik tanong nito.

                “Sagutin mo na lang please.”utos niya. Hindi siya makukuntento hangga’t hindi naririnig ang isasagot ni Enzo.

                “Kasal na tayo.”dahilan nito.

                Hindi iyon ang assurance na hinihingi niya. “Paano kung bumalik si Jullienne at igiit niyang dapat siya ang pinakasalan mo, anong gagawin mo? Iiwan mo ba ako? Siya ba ang pipiliin mo?”

                Ilang segundo siyang tinitigan ni Enzo. Tuluyan na nitong iniurong ang tasa ng kape at tinigilan ang pagbabasa ng magazine. Dumekwatro ito ng pagkakaupo sa rattan made na single sofa at binasa ang tinatakbo ng isip niya.

                “Bakit mo iyan tinatanong?”

                “I have my reasons.”sagot niya. Tinitigan niya din ito. Magkaharap silang nakaupo at nagpapahangin sa lanai pagkatapos nilang maghapunan.

                “Ikaw ang pinili ko. You have my name.”anito.

                “Pero what if-

                “Maxx, ano bang problema mo? Ikaw ang pinili ko. Pinakasalan kita. Magkasama tayo ngayon. And what, gumagawa ka ng mga tanong na alam mo ang sagot. Ikaw ang nasa harap ko, ikaw ang nais kong makasama. Ano pa bang malabo doon?”

                Madami. Giit ng insecure niyang pagkatao. “Napilitan ka lang naman di ba? May utang kami sa iyo, sa pamilya mo, I mean ano ang isinukli ng pamilya namin sa pamilya mo? Muntik ka ng mapahiya dahil sa pag-alis ni Jullienne at dahil doon-“humihingal na siya dahil sa pinaghalong pangamba at awa sa sarili. Nagagalit din siya dahil sa katotohanang ngayon nagsi-sink in sa kanya. “Available ako kaya ako ang napakasal sa iyo. Alam mo ba ang pakiramdam ko? Panakip-butas. Pambayad utang. Sure, wala akong rason para mag-inarte pero inalam mo ba kung masaya ako? Maligaya ako? Kung okey lang sa akin ang lahat ng ito? Asawa mo nga ako pero ano ba ang pinanghahawakan ko? Ano ang assurance na kapag may nagsabi sa iyong iwan mo ako ay hindi mo iyon gagawin?”tumaas ang boses niya.

                Marahas na napabuga ng hangin si Enzo. Halatang naasar ito pero nagtimpi. “Ginagawa ko ang lahat para mapasaya ka Maxx, nag-e-exert ako ng effort na mag-reach out sa iyo. Hindi mo ba iyon napapansin? Of all people ikaw dapat ang makadama na napakahalaga mo sa akin. Kung papaano mo pinapaikot ang buhay ko.”

                Natigilan siya sa sinabi nito lalo na ng makita ang pagdaan ng pait sa mga mata nito. Ang pagkadismaya sa kanya.

                “Pero gusto ko lang malaman kung bakit mo talaga ako pinakasalan?”giit niya. Gusto niyang matahimik.

                “Gaya nga ng sabi mo ay available ka. At gusto kong gantihan si Jullienne.”matigas nitong wika. Nanlambot siya sa isinagot nito. Nasaktan. Ganoon ba talaga ang nagmamahal? Dati niya ng alam na iyon ang rason nito sa pagpapakasal sa kanya dahil una pa lang ay hindi na ito naglihim pero masakit pa rin palang marinig mula dito. It hurts pero wala siyang magawa kundi bukaspalad na saluhin ang lahat ng sakit.

                “Thank you.”sabi niya.

                “For what?”takang tanong nito.

                “For being honest.” Ngunit ang gusto niya sanang sabihin ay salamat sa pagpaparamdam nito sa kanya ng kaMiserablehan. Nang pait at pighati. At pagiging brokenhearted. Ito na ang second heartaches niya na si Enzo pareho ang may gawa.

                Hindi nagkomento si Enzo.

                “One last thing, papayag ka bang layuan kita?”siya sa pilit pinasiglang tinig kahit basag na basag na siya sa kanyang kaloob-looban. Naaalala niya pa din ang pinagsasabi ng mama nito. Ang pagpapalayo sa kaniya kay Enzo. At ang sakit na dulot noon.

                “No.”mariin nitong sagot. Natuwa siya kahit papaano sa sagot nito dahil may pag-asang hindi sila magkahiwalay. Mas mataman ang pagtitig nito sa kanya. Nakita niya ang pagkakaroon ng agam-agam bigla sa mga mata nito. “Hindi mo naman ako balak iwan, di ba?”paninigurado nito. Nabigla siya ng mariin nitong hawakan ang pulsuhan niya.

                “E-Enzo-

                “Ni sa hinagap huwag mong iisipin na pwede mo akong iwan Maxx!”may pagbabanta sa tinig nito. Nasindak siya sa nakitang apoy sa mga mata nito. “Hinding-hindi ako papayag Maxx, tandaan mo iyan!” Mas humigpit ang kapit nito sa kanya.

                Marahan siyang tumango para payapain ito. Bahagya pa itong humihingal ng bitawan siya. Mabilis naman niyang hinaplos ang nasaktang kamay. Para itong binuhusan ng malamig na tubig nang nakitang nagmarka ang higpit ng hawak nito sa kanya. Natapik pa nito ang sariling noo.

                “Sorry,”paulit-ulit nitong hingi ng apology. Nang hindi siya kumibo ay bigla itong tumayo. Nagdial ito sa cellphone at sa pakikinig niya ay nalaman niyang doctor ang tinawagan nito.

                “OA ka naman.”sabi niya pagkatapos nitong makipag-usap sa cellphone. Hindi naman malala ang pinsala niya. Nangitim lang ng bahagya ang kamay niya pero bukod doon ay hindi na siya nasaktan.

                “Huwag na lang tayong mag-usap ng ganoon Maxx.”anito. Pilit pinayapa ang sarili. Ngunit maya-maya lang ay tinawid nito ang distansya nila at niyakap siya ng mahigpit. “Sorry.”bulong nito. “Hindi mo lang alam kung gaano kalaki ang takot ko ngayon. Hindi ko na kakayanin kapag nawala ka sa tabi ko. Akin ka na ngayon kaya wala ng pwedeng magpahiwalay sa atin. Hinding-hindi na ako papayag.”anito sa tinig na parang pinangangapusan ng hininga.

                Lumambot ang ekspresyon ng mukha niya. Ganoon pala siya kahalaga dito. Ngunit bakit hindi siya nito makuhang mahalin? Bakit hindi nito kayang suklian ang pag-ibig niya dito?

My Substitute Bride and Wife (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon