Maxx
Masama ang pakiramdam niya ng magising. Nakadagdag pang lalo sa sama ng pakiramdam niya ng magisnang wala sa kanyang tabi si Enzo. May maikli itong note na iniwan sa tabi ng night lamp na nagsasabing nauna na itong pumasok sa kumpanya. Mukhang may sama pa din ito ng loob sa kanya dahil sa naging takbo ng pag-uusap nila kagabi. Honestly, napupuna niyang nagiging masyado itong sensitive at harsh kapag tungkol sa kanilang dalawa ang pinag-uusapan. Parang parati itong defensive. At mainit ang ulo.
Bumangon siyang lumilipad ang isip patungkol dito. Kung hinintay lamang siya nitong magising, malamang ay magso-sorry siya kahit sa palagay niya ay wala naman siyang kasalanan. Ang ikinaiinis niya pa ay ang patalikod nitong paghiga sa kama nila kagabi at pagtatalukbong ng kumot. Kulang na lang ay lumipat ito sa ibang silid upang huwag silang magkatabi.
Restless siyang pumunta sa banyo para gawin ang kanyang morning rituals. Nasa kalagitnaan siya ng paliligo ng marinig ang pagbubukas ng pinto ng kanilang silid. Sa pag-aakalang si Enzo ang dumating ay hangos niyang kinuha sa rack ang kanyang asul na roba. Tumutulo pa ang kanyang buhok ng lumabas ng banyo para lamang mapatda sa taong naghihintay sa kanya.
“Hello, my dear sister.”tigalgal siya ng makita si Jullienne. Nakasuot ito ng maikling bestida. Nakalugay ang blonde nitong buhok at may nakakulapol na pulang-pulang lipstick sa labi.
Hindi niya inaasahan na makikita ito. Hindi sa mga oras na ito.
“I miss you sis.”ito ang kusang lumapit sa kanya upang yumakap ng mahigpit. Humiwalay din ito kaagad sa kanya at siya naman ang binistahan ang itsura. “Oh poor thing, hindi ko alam na ikaw ang magsa-suffer dahil sa pagtakas ko kay Enzo.”anito na punung-puno ng awa ang mga mata. Mahigpit siya nitong hinawakan sa kamay.
“What do you mean?”naguguluhan niyang tanong. Hindi ito galit sa kanya gaya ng ikinatatakot niya kapag muli silang nagharap bagkus ay nakalarawan ang malaking pagkahabag nito sa kanya.
“Hindi mo pa rin ba alam hanggang ngayon?”
Tinanggap niya ang iniabot nitong tuwalya sa kanya. Ibinalot niya iyon sa kanyang ulo.
“Jullienne ayokong-
“It’s about Enzo’s true colors.”mabilis nitong sabi. Nakita niya ang pagdaan ng takot sa mga mata ni Jullienne.
“Liwanagin mo nga ang sinasabi mo.”utos niya na kinakabahan. Ano pa ba ang hindi niya alam tungkol kay Enzo?
“Magbihis ka muna, then I tell you everything.”si Jullienne. May kalangkap na pakiusap ang tinig nito. Iniwan siya nitong mag-isa sa kwarto. Wala sa sariling nagbihis siya. Sa library niya pinuntahan si Jullienne. Yumakap ito sa kanya ng mahigpit tulad ng ginagawa nito noong mga bata pa sila. Pagkatapos ay humilig sa kanya ng magkatabi silang naupo. Form ng paglalambing sa kanya ni Jullienne noong mga bata pa sila iyon kaya lumambot ng husto ang kanyang puso dito. Nabura noon ang pagdaramdam niya dito. Nilaru-laro ni Jullienne ang bawat daliri niya. “When we are young, sa tuwing makikita ko kayong dalawa ni Enzo na nakaupo sa terrace habang iniisa-isa niyang hawakan ang mga daliri mo, naiinggit ako. Nagsisikip ang dibdib ko dahil bakit bukod tanging sa iyo lang siya malambing at mabait samantalang kaibigan niya rin ako.”umpisa ni Jullienne, mababakas sa tinig nito ang pagkainggit.
Sa isip naman niya ay nagpa-flash ang araw na hinahawakan ni Enzo ang mga daliri niya at nilalaru-laro noong mga bata pa sila.
![](https://img.wattpad.com/cover/22980029-288-k454210.jpg)
BINABASA MO ANG
My Substitute Bride and Wife (Completed)
RomanceBlackmail and Lies. iyan ang special flavor ng kasalang Maxene Hidalgo-Enzo Mondragon. Pero sa halip na si babae ang mamikot ay si lalaki ang gumawa noon pero hindi daw dahil sa love kundi sa "friendship". weehhh di nga?!