Maxx
Smile. bulong ni Enzo sa punungtenga niya. She stiffened dahil sa kakaibang epekto ng mainit na hininga nito sa taenga niya. It is something unexplainable. Sanay na siyang madalas kasama ito lalo na noong mga bata pa lamang sila but this is the first time na napakalapit nila sa isa't-isa. Inakbayan siya ni Enzo bago mag-flash ang camera.
Nakaharap sila sa maraming tao. Gusto man niyang paulit-ulit na sabihin sa sarili na panaginip lamang ito ngunit alam niyang sarili lamang ang kanyang lolokohin.
Kasal na siya kay Enzo a few minutes ago. Hindi man lamang nagulat ang mga bisita kung bakit siya ang bride nito sa halip na ang kapatid niya. O kung may usap-usapan man ay hindi niya na narinig dahil abala siya sa pag-iisip ng malalim?
Papaano na siya? Paano ang lahat ng pinalano niya sa kanyang buhay na sa isang iglap lamang ay nawala dahil sa pagpapakasal niya sa lalaking hindi niya iniibig at hindi naniniwala sa pag-ibig?
Muli siyang ngumiti ng may lumapit sa kanila ni Enzo at kumuha ng picture. Sa totoo lang ay ngawit na ngawit na ang kanyang bibig sa pagpapaskil ng ngiti simula pa ng nasa simbahan sila at ngayong nasa reception na sila.
A wedding of the year. Iyon ang dub sa kasal nila ni Enzo. But for her iyon ang kasalang sumentensya sa kalayaan niya but for her sister, malamang na iba ang mararamdaman nito sa mga sandaling ito. Sa dami ng bulaklak, pagkain at ganda ng reception ay napakalaking halaga talaga ang pinakawalan ng mga Mondragon. Tiyak na ikatutuwa ni Julliene ang ayos ng reception area kung naririto lamang ito.
A dream wedding- iyon ang itatawag ng kapatid sa
kasalang ito. Bukod sa marangyang handa ay napakakisig ni Enzo sa suot nitong black suit.
Napasinghap siya ng hapitin ni Enzo ang baywang niya palapit sa katawan nito.
"Act that you are happy or else..."mahina ngunit nagtatangis ang bagang na sabi nito. May pagbabanta sa tinig nito.
"Enzo,"pagsisimula niya ng pagkontra ngunit nakulong iyon sa kanyang lalamunan ng makita ang galit na nakalarawan sa mukha nito. Naitirik niya na lamang ang mga mata dala ng matinding frustrations.
BINABASA MO ANG
My Substitute Bride and Wife (Completed)
RomanceBlackmail and Lies. iyan ang special flavor ng kasalang Maxene Hidalgo-Enzo Mondragon. Pero sa halip na si babae ang mamikot ay si lalaki ang gumawa noon pero hindi daw dahil sa love kundi sa "friendship". weehhh di nga?!