Chapter 23

45.1K 824 12
                                    

Enzo

        May problema ba sila ni Maxx? Ilang beses niya ng napupuna na masama ang tinging ipinupukol nito sa kanya. Sa pagkakatanda niya ay wala naman silang pinag-awayan pero sa paraan ng malamig na pakikitungo nito sa kanya ay ramdam niyang may nagawa o nasabi siyang mali.

        Napakahirap pa mandin hulaan ni Maxx. Isa iyon sa mga katangian nito na ikinaiba nito sa mga babaeng nakakasalamuha niya. Ang galing nitong magtago ng saloobin pero kapag naman nag-open ay napakaprangka at walang pakialam kung nadudurog ka sa bawat katagang lumalabas sa bibig.

        Palihim niyang sinulyapan ang asawa. Nasa kusina ito at nagtatalop ng patatas. Lumabas ito tulad ng nakagawian na at pumasok sa opisina pero pagbalik ng bahay ay parang robot na wala sa sarili.

        Ano bang nangyari dito? Nagdadalawang isip siyang mag-usisa dahil mukhang wala pa itong balak magkwento.

Maxx

        Bukod sa iniinda ko ang katotohanang walang pag-ibig sa akin si Enzo ay may nangyari pa kanina sa opisina. I was suprised ng maabutang nakaupo sa silya ko ang mama Anita niya. She looked regal. Never ko siyang nakitang sickly ang anyo kahit ilang operasyon na ang pinagdaan. Ito ang unang beses naming nagkita after the wedding. Sikreto lang daw ang pag-uwi nito sa Pilipinas dahil maging si Enzo ay hindi pa nito nakakaharap .

        Mukhang mas malamig kasya dati ang pakikitungo nito. Bakas sa mukha ang galit kung bakit siya at hindi si Jullienne ang pinakasalan ni Enzo. Malaki ang pagkadisgusto nito sa kanya. Hayagan din nitong sinabi na ayaw nito sa kanya bilang manugang. Kung iyon nga daw kaibigan lang siya ni Enzo ay napipilitan lang itong makisama sa kanya, what more ngayong legal na siyang kapamilya?

        Madami itong mga patalinghagang mga salita na pinakawalan. At ang ikinasasama ng loob niya ay ng direkta siya nitong pinagsabihang layuan si Enzo.

        Ano ba ang ayaw talaga nito sa kanya? 

        Noong kaibigan niya pa si Enzo ay ramdam na niya ang indifferent na pakikitungo nito sa kanya,  hindi siya nagrereklamo ni hindi kumibo pero ngayong asawa niya na si Enzo ay may karapatan na siyang malaman kung ano ba ang ikinaaayaw nito sa kanya.

        Wala itong isinagot sa kanya basta daw layuan niya si Enzo. Period. Pinamukha pa nito na ito ang dahilan ng pangingibang-bansa ni Enzo ng hindi nagpapaalam sa kanya. Sinadya daw nito iyon para maglayo sila pero sa hindi nito malamang dahilan ay parang pandikit sila ni Enzo na kusang nagdidikit. Naiintindihan daw nito kahit papaano ang nararamdaman ni Enzo pero siya, siya na daw ngayon ang dapat lumayo. Magkusa na siya.

        Naguguluhan siya. Nalilito at nasasaktan. Mahal na niya si Enzo ngayon kahit kaibigan lang ang turing nito sa kanya. Hindi niya na kayang lumayo dito.

        Ipinamukha din nito na SUBSTITUTE lang siya at pwedeng iwan kapag bumalik na ang original. Alam ba nito kung gaano kasakit ang sinabi nito? At ilang insecurities ang idinagdag nito at binuhay sa insecure niya ng pagkatao lalo't si Enzo ang pinag-uusapan?

        Wala itong ideya, Walang-wala.

My Substitute Bride and Wife (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon