Maxx
“Do I look good?”
Tanong ni Enzo pagkauwing-pagkauwi ko sa bahay. Nakaposte siya sa hamba ng pinto matapos niya akong pagbuksan ng pinto. Nakasuot siya ng body hugging na pulang t-shirt at puting short. Amoy cologne ang buong bahay dahil halos ipaligo niya iyon sa kanyang katawan. He looks good, neat and smells fresh. Para siyang ice candy at ang sarap-sarap na pisilin ang pisngi niya. Pero galit ako sa kanya. Nag-overtime ako. Sinadya ko iyon para makaiwas sa kanya dahil buwisit na buwisit ako sa kanya. Nakuha niya akong “bilhin” sa parents ko. Akala ko pa naman best buddy kami, tapos ano itong isinukli niya sa pagtitiwala ko sa kanya? Hindi ba puros kasinungalingan?
I hate him! Para sa akin ay isang malaking pagkakamali ang pagpapakasal ko sa kanya.
“Buti naisipan mong umuwi. Akala ko dadaan ang alas-dose ng hatinggabi na wala ka pa sa bahay.”sabi niya. Kabuntot ko siya sa paglalakad patungong kusina.
Masama ang tinging ipinukol ko sa kanya. Alas diyes pa lang ng gabi. OA naman siya sa pagsasabing masyado akong gagabihin. “Are you nagging me?”mataas ang timbre ng boses ko.
“Siguro.”sagot niya na may kasamang pagkikibit ng balikat.
“Hindi ka pala masaya bakit ipinagsisiksikan mo ang sarili mo sa akin?!”maanghang kong sabi. Badtrip talaga ako sa kanya, bahala na kung mabadtrip din siya sa akin. I want to get even. Sama-sama na ang sama ng loob ko sa kanya. Taksil siya!
Nakita ko habang ibinababa ko ang dala kong suitcase sa ibabaw ng lamesa ang pag-angat ng kilay niya.
“Why do I have this feelings na inaaway mo ako?”tanong niya.
“Talaga, mukha bang inaaway kita?”maang-maangan ko. “Akala ko nag-uusap lang tayo.”pasarkastiko kong dagdag. Ang dami kong tiniis, nilunok ko ang pride ko para magkaayos kami tapos ang dami kong malalaman na itinatago niya sa akin. Ano pa ba ang susunod na pasabog? Gay siya? OMG, baka hindi ko na kayanin at tuluyan ng masira ang ulo ko. I don’t deserve this pain.
“Nag-uusap nga tayo.”sabi niya. “Pero galit ka.”giit niya. Napatingin ako sa mukha niya. Void iyon sa anumang damdamin habang ako, pupusta ako na punung-puno ang mukha ko ng pagkaasar at galit.
“Hindi ako galit!”
“Sabi mo e.”pagdidismiss niya ng usapan. Wala yata siyang balak na patulan ang paghihimutok ko kaya sa halip na matuwa ay lalo akong nag-init. Alam mo yun, gustung-gusto ko ng kaaway. At walang ibang nasa isip ko na aawayin kundi siya tapos biglang ayaw niya? Ano iyon?
“Galit ako.”sabi ko.
Tiningnan niya ako na para akong alien sa paningin niya.
“Kaya ka nag-ot?”
“Oo,”sagot ko. Itinaas ko ang noo ko para ipakitang ipinagmamalaki ko ang ginawa kong pagrerebelde sa kanya. Buti naman at nakukuha niya na ang point ko.
“That’s normal.”sabi niya na parang hindi apektado.
“Normal bang uwi ng isang asawang babae ang ginawa ko?”pangangastigo ko sa kanya. Tumaas ulit ang timbre ng boses ko. Ipinari-realize ko sa kanya na mali ang ginawa ko para magalit din siya.
Sa halip na magalit ay isang ngisi ang nakita kong sumilay sa labi niya kaya lalong naghimutok ang loob ko.
“Ano okay lang ba iyon sa iyo?”tanong ko. “Paano kung ulit-ulitin ko?”
“I get your point Maxx,”sabi niya na natatawa. Kinabig niya ako palapit sa kanya at mahigpit na niyakap. “Nagpapansin ka sa akin. And I’m glad.”
Glad? Hindi iyon ang nais kong ma-achieve sa kanya. Ang gusto ko ay pagtaasan niya ako ng boses at A-W-A-Y-I-N.
Inangat niya ang mukha ko para maging magka-level ang mga mata namin. Suddenly I am lost for words nang higupin ako ng mga mata niya. Parang naparalisa din ako at nawalan ng lakas ang aking tuhod kaya napahigpit ang kapit ko sa kanyang braso.
“Inlove ka sa akin.”sabi niya na parang nagdiagnose ng sakit ko.
“Huh?”
Inalis niya ang pagkakayakap sa akin. Umupo siya sa silyang kahoy at saka ako hinila paupo sa lap niya. “Sabi ko, inloved ka sa akin.” Inilagay niya ang kamay niya sa aking mukha.
“Whaaat?”parang nawala ang mahikang bumabalot sa akin ng pitikin niya ang noo ko. Pandalas ako sa pagtayo at paglayo sa kanya. “Itanim mo sa conceited mong utak na never kitang mamahalin. Taksil! Manloloko!”sigaw ko with matching pandidiri sa facial expression ko.
Malutong na tawa niya ang isinagot niya sa akin which lalong nagpakulo sa dugo ko.
“Mahal din kita Maxx, I love you!”sigaw niya.
“e-I-love you mo ang mukha mo!”asik ko sa kanya bago ako nagmamadaling tumalikod. I love you daw? Sira-ulo talaga. Pero nang paakyat na ako ng hagdan ay sandali akong lumingon sa kusina. Nakita kong nakatayo na siya at nakasuksok sa bulsa ang mga kamay niya habang pinapanood ang paglayo ko sa kanya. Nang magkasalubong kami ng mga mata ay bigla siyang kumindat, kindat na nagpapa-cute. Hmmmp. Inirapan ko siya pero sa loob-loob ko ay kinakastigo ko na ang aking sarili dahil bakit ako kinikilig sa taksil na lalaki?
![](https://img.wattpad.com/cover/22980029-288-k454210.jpg)
BINABASA MO ANG
My Substitute Bride and Wife (Completed)
RomanceBlackmail and Lies. iyan ang special flavor ng kasalang Maxene Hidalgo-Enzo Mondragon. Pero sa halip na si babae ang mamikot ay si lalaki ang gumawa noon pero hindi daw dahil sa love kundi sa "friendship". weehhh di nga?!