Chapter 5 First Night

65.3K 1.1K 14
                                    

Maxx

 

Wait!

Nagpapanic na protesta ng isipan ni Maxx nang bigla siyang umangat mula sa kinauupuang stool. Pinangko siya ni Enzo in bridal style. Hindi pa man siya nakakabawi sa banyagang emosyon na nabuhay sa kanya dahil sa dramatikong pag-aalis ni Enzo sa mga suot niyang alahas. Tensed na tensed siya dahil iyon ang unang beses na may lalaking nagtanggal ng alahas sa kanyang katawan. Idagdag pang halos yakap na siya nito. Mas lalo pang nakadagdag sa tensyon niya ng marahan nitong ibaba ang zipper ng suot niyang gown. Bagaman aircon ang silid ay hindi lamig ang sumalubong sa na-exposed niyang likod kundi ang parang nilalagnat sa init na kamay ni Enzo.

Ano bang balak nitong gawin nang sabihan siya nito ng I need you?

         

Syempre alam niya ang sagot. Normal naman siyang babae at alam niya ang ibig sabihin nito. Lumaki siya sa siyudad at bagaman liberated ay nanatili siyang hindi open sa sex.

 

          Kung tinatakot siya nito o inaasar ay nagtagumpay ito. Malamang na ganti ito ng lalaki dahil sa pagkapikon nito sa mga sinabi niya kanina. Hindi naman siguro nito igigiit ang karapatan nito sa kanya dahil una sa lahat, pumayag siyang magpakasal dito ngunit wala sa usapan nila na handa siyang ipagkaloob dito ang kanyang sarili at pangalawa magkaibigan silang dalawa! Sana naman ay tingnan nito ang anggulong iyon bago magpadalus-dalos sa gagawin. Platonic lang ang nararamdaman nila para sa isa’t-isa.

          Mas lalong tinambol ang dibdib niya ng sumayad ang likod niya sa malambot at malawak na kama. Balak nga talagang totohanin ng lintes ang pananakot sa kanya!

          “I want you.”paanas nitong sabi. Namumungay ang mga mata nito nang paupong pumatong sa bandang puson niya. Desires are written in his face kaya lalo siyang kinilabutan.

“Maghunos dili ka Enzo.”pakiusap niya.

         

          Ang pagbaba ng mukha ni Enzo sa leeg niya ang naging pagtugon nito. She shivers ng dumapo ang mainit nitong hininga sa leeg niya.

          “Enzo, hindi na ito nakakatuwa!”pagalit niyang sabi. Hiling niya ay magising ito sa kahibangan na dala ng alak. Yes, maybe gawa ng alcohol kaya ito nagkakaganito. Pumasok kasi itong amoy alak. At saka kanina pa ito napapa-shot gawa ng mga bisita nila. Alam niyang mataas ang alcohol tolerance nito pero malamang ay tinablan na din ito dahil sa paunti-unti at iba’t-ibang alcohol na pumasok sa katawan nito. She was now hoping na sana ay makapag-isip ito ng tuwid kapag narinig ang tinig niyang pagalit.

          But to no avail ay kabaligtaran ang ginawa nito kaysa sa gusto niya. Mariin siyang napapikit ng umpisahan siya nitong kintalan ng mumunting halik sa leeg. Nakikiliti siya na hindi niya mawari. Kinakapos din siya ng hininga sa bawat pagdampi ng mainit at malalambot nitong labi sa ngayon ay nadiskubre niyang sensitibong bahagi ng kanyang katawan.

          “Enzo hindi na maganda ang biro mo!”angil niya ng biglang pumasok sa isip na hindi siya dapat basta na lang magpaubaya dito at magpadala sa panunukso nito. Inilagay niya ang malayang mga kamay sa tapat ng dibdib nito at itinulak ito palayo.

          “Hindi ako nagbibiro Maxx.”mapang-akit na sabi ni Enzo. Bahagya niya na lang ito nailayo sa kanyang katawan. Mas lalo siyang nagulat ng umpisahan nitong hubarin ang kanyang suot na..

……

……

…..

Mga sapatos at basta na lamang inihagis sa kung saan.

          Napasinghap din siya ng hawakan nito ang magkabila niyang kamay at itaas sa kanyang ulunan kaya nagmistula siya nitong bihag.

          “Let’s do it, Maxx.”pilyong sabi nito na nagbigay ng kilabot sa buo niyang katawan. Hindi pwedeng mangyari ang ganito sa kanila. Kahit pa asawa niya na ito. Sa papel lamang mananatili ang pagiging mag-asawa nila. Pinagdikit nito ang hawak nitong mga kamay niya para pagtabihin upang isang kamay na lamang nito ang kumapit. Ang malaya nitong kamay ay humaplos sa kanyang jawline at nagsisimula ng mumunting apoy. Bumaba ang mapangahas nitong kamay sa kanyang leeg, naglakbay patungo sa kanyang bare shoulder dahil tube ang yari ng kanyang damit pangkasal at ngayon ay nasa ibabaw ng kaliwang dibdib niya.

          No! mariin niyang protesta. Ubod lakas niya itong itinulak. Tumalsik ito sa gilid niya. Waring nagulat si Enzo kaya hindi kaagad ito nakahuma. Sinamantala niya iyon. Sinakyan niya ang lalaki tulad ng ginagawa sa mga wrestling show, tulad ng mga ginagawa nila noong mga bata pa sila kapag naglalaro sila. At gaya ng mga panahong iyon, kailanman ay hindi siya natalo ni Enzo sa wrestling, siya ang laging nakadagan dito at tumatalon dito o kaya ay nagcho-choke slam.

          Sigurado ang magkabila niyang mga kamay na sumakal sa leeg nito.

          Forget na magkaibigan sila, kalimutan na ding bago silang kasal dahil…..

…………

--------

Papatayin niya ito!

Saka na lamang siya hihingi dito ng tawad kapag nagkita na sila sa kabilang buhay!

My Substitute Bride and Wife (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon