Maxx
Wala namang nagbago sa loob ng suite na kinaroroonan niya. Carpeted from ceiling to wall ang kabuuan ng silid. Beige ang kulay. Malamig sa mata. Komportableng mamahinga. Paborito niya ang silid na ito dahil ito ang madalas niyang i-occupy kapag kailangan niyang mag-isip-isip o kaya’y kailangan niyang mag-unload ng sangkaterbang stress sa katawan dala ng trabaho.
Mas pagod siya ngayon kasya sa nakaraang mga araw. Both physically, mentally and emotionally dahil sa katatapos lang na kasal. Parang nasa roller coaster pa rin ang pakiramdam niya.
Nang maibaba ng roomboy ang kanyang maleta ay magalang na itong nagpaalam upang iwan siyang mag-isa. Nakakabinging katahimikan ang sumalubong sa kanya nang pumunta siya sa harap ng nakabukas na bintana at haplusin ng malamig na hangin ang kanyang mukha.
Napako ang paningin niya sa ibabang bahagi ng hotel na nakaharap sa mga gusali na naiilawan ng mga mumunting kulay na puti at dilaw. Napakagandang pagmasdan ng mga iyon. Kung dati’y relaxing ang dulot ng tanawin na iyon sa kanya ngayon ay nagbibigay iyon ng kahugkagan.
She and Enzo. Ano ba ang relationship nila?
Kilala niya noon pa si Enzo.
Magkababata sila.
Magkasama parati sa mga gimmicks dahil sa dami ng common friends nila.
Trusted friend niya ito.
Ang lalaking mahal na mahal nang nakakabata niyang kapatid.
Dapat ay brother-in-law niya but in an instant ay naging sarili niyang
GROOM
at ngayon ay
ASAWA.
Ilang beses siyang napalunok. Hindi niya kayang sikmurain ang katagang huling pumasok sa kanyang isipan. Asawa. How can that be? No! Hindi pa siya handing lumagay sa tahimik lalo pa’t hindi si Enzo ang ideal man niya. Enzo is a scheming brute. Selfish. Negosyo ang nakatatak sa
isip. Cold and ruthless. Ilan lamang iyon sa mga deskripsyon nito na pinilit niyang ipakita kay Julliene na tinawanan lamang nito. And now siya ang magtitiyagang makisama dito…
Kung kaibigan lang sana ang relasyon nila ay buong puso niyang tatanggapin but being a man and wife? This is a big mistake!
She tensed ng marinig ang pagbukas ng pinto kasunod ang kilalang-kilala niyang yabag ni Enzo. Katulad niya ay nakasuot pa din ito ng damit pangkasal. Naiwan ito sa lobby ng hotel para ihatid ang pinakahuli nilang bisita. Pag-aari ng pamilya nito ang kinaroroonan nilang hotel at ito mismo ang namamahala. Dito sila magpapalipas ng gabi bago tumulak papuntang Italy para sa kanilang two weeks honeymoon. Pero kung siya ang masusunod mas gusto niyang i-resume na lang ang pagtatrabaho.
“You’re still awake?”puna sa kanya ni Enzo. Lumapit ito sa kinaroroonan niya at inabutan siya ng isang kopita na naglalaman ng champagne. Tinanggap niya ang kopita ngunit hindi uminom.
“Enzo-’’
“Maxx,”putol nito sa sasabihin niya. “Don’t treat this day na para bang ipinagluluksa mo ang naglahong mga dinosaurs sa balat ng mundong ibabaw.”mapanganib at pagalit na sita nito sa kanya.
“So how do I treat this situation?”napipikong gagad niya. Nang hindi sumagot si Enzo ay nagpatuloy siya sa pagsasalita. “Dapat bang magpa-party ako? Magdiwang dahil hello si Enzo Mondragon, one of the most hottest bachelor in town ay asawa ko? Iyon ba dapat?”
“You’re just upset Maxx.”kalmanteng sabi nito kasya patulan ang outburst niya.
“Yes, I am upset dahil sa dinami-dami ng lalaki sa mundo ay sa iyo pa ako nakulong. This is a life sentence, my God!”
Halos mag-isang linya ang mga mata ni Enzo sa sinabi niya. Maging siya ay nagulat sa naibulalas niya.
“I-I’m-”simula niya ngunit hindi siya makaapuhap ng tamang salita. Bakit simula pa kahapon ay naapektuhan ang kanyang pagsasalita? Hindi siya makabuo ng maayos na pangungusap tulad dati?
“Magpahinga ka na lang muna Maxx.”ani Enzo. Mas kalmante ito kaya nag-aalala siya. Saulado na niya ang ugali nito. Mas kalmante ito, ibig sabihin ay mas galit na galit ito. Lumabas ito ng silid ng walang paalam.
That is great Maxx. Your supposed happy life ay biglang naglaho. Thanks to you Enzo..
![](https://img.wattpad.com/cover/22980029-288-k454210.jpg)
BINABASA MO ANG
My Substitute Bride and Wife (Completed)
RomanceBlackmail and Lies. iyan ang special flavor ng kasalang Maxene Hidalgo-Enzo Mondragon. Pero sa halip na si babae ang mamikot ay si lalaki ang gumawa noon pero hindi daw dahil sa love kundi sa "friendship". weehhh di nga?!