Enzo
Nang maihiga ni Enzo si Maxx sa malaking kama ay nagdalawang-isip siya kung iiwan ito at hahayaang matulog mag-isa o tatabihan. Miss na miss niya na ito. Nahihirapan siya sa namamagitang away sa pagitan nila. Talagang mas matigas ito sa kanilang dalawa. Kaya siya nitong tikisin. Samantalang siya ay halos mabaliw sa kakaisip kung papaano niya ibaba ang nasaktang pride. Batid niyang may kasalanan siya dahil sa pinalano niyang pag-angkin dito nang sapilitan pero sana ay maisip din nito na may pagkakamali ito.
Marahas ang pinakawalan niyang buntunghininga. Akala niya ay madali niya itong mapapaamo. Pero sa halip na magkabutihan sila ay lalo pa silang nagkakasira. Saksakan ng taas ang ego nito, mahirap intindihan ang nilalaman ng isip, one moment ay ayos sila then sa isang iglap ay nakikipagbangayan ito. Not that he wanted a submissive woman for a wife pero sana ay iyong nakakaintindi sa iniisip niya. Sa feelings niya at sa pangangailangan niya.
Sinabi niya dati sa sarili na sapat ng pakasal ito sa kanya but now he wanted more. Gusto niyang totohanan silang bumuo ng pamilya. Mahirap ba iyong gawin? Kilala na siya ni Maxx. Nasasakyan na nito ang mga flaws niya pero bakit kailangan nilang maging estranghero sa isa’t-isa?
At anong second best? Kahit kailan ay hindi ito naging pangalawa sa list ng mga importanteng tao sa buhay niya. Parati itong una. At ipinararamdam niya iyon dito. So bakit ito mag-iisip ng ganoon?
Kaya niyang iwan at ipagpalit ang lahat-lahat sa kanya huwag lang itong mawala. Ganoon ito kaimportante sa kanya. Kaya niya rin suwayin ang mama niya para dito. All because of her kaya siya nagsisikap. At kung nagkataong nagkaasawa siya ng iba baka isang tawag lang ni Maxx ay nananakbo na siya papunta dito.Walang ibang babae ang pinag-alayan niya ng panahon, oras at damdamin kundi ito lamang. At sa edad niyang 31 ay hindi siya kailanman nagkaroon ng seryosong relasyon sa ibang babae.
Muli siyang humugot ng pagkalalim-lalim na hininga. Maingat na hinaplos niya ang makinis na pisngi ni Maxx. Abot kamay niya na ito ngayon pero parang napakalayo pa din. Hindi nito alam kung paano niya iniinda ang sugat na nilkha nito sa puso niya at pinilit niyang isiksik sa pinakatagong bahagi noon dahil sa pagkakatuklas niyang may gusto ito na ibang lalaki. He was jealous at sa sobrang galit niya ay nagwala siya noon. Pero wala siyang karapatan na pigilan noon si Maxx dahil hindi sila pero ngayong kasal na sila ay kaya niya na bang palitan ang nasa puso nito?
Sana oo…
Inayos niya na ang higa ni Maxx. Mabait ito kapag lasing. Tahimik at hindi sumusuka maliban na lamang sa ilang instances na hinahalikan siya nito. But tonight, tulug na tulog lang ito. Ipinasya niya nang lumabas ng silid. Nagtungo siya sa guest room kung saan siya natutulog. Mabuti na sigurong maglayo muna sila para makapag-isip-isip siya ng matino at makuha niyang patawarin ang sarili dahil sa ginawa niya dito sa Cebu.
***
Mataas na ang sikat ng araw nang magising siya. Hangos siyang pumunta sa direksyon ng shower room, sa pagmamadali niya ay napatid pa siya ng nakakalat niyang hinubaran kagabi. Paupo siyang bumagsak sa sahig . He cussed. Badtrip ang simula ng umagang ito para sa kanya. Iika siyang tumayo at nagtungo sa shower room. Mabilisan ang ginawa niyang pagsha-shampoo ngunit ng magbabanlaw na siya ay nawalan ng tubig.
“Shit! Shit! Shit!”paulit-ulit niyang bigkas. Binuksan niya ang gripo upang magbakasali na may tubig doon ngunit ni isang patak ay walang lumabas. This is the worst day of his life!
![](https://img.wattpad.com/cover/22980029-288-k454210.jpg)
BINABASA MO ANG
My Substitute Bride and Wife (Completed)
RomantikBlackmail and Lies. iyan ang special flavor ng kasalang Maxene Hidalgo-Enzo Mondragon. Pero sa halip na si babae ang mamikot ay si lalaki ang gumawa noon pero hindi daw dahil sa love kundi sa "friendship". weehhh di nga?!