Chapter 66 The End

66.8K 1.1K 81
                                    

Maxx

Para akong nasa alapaap sa tuwing binubuhat ako ni Enzo araw-araw. Hindi naman ako lumpo pero ang paliwanag niya ay Husband's Duty niya daw iyon. Gusto niya akong tulungan sa pabigat na pabigat kong tiyan.

Sweet.

"I'll carry you forever."bukambibig niya kapag umaangal ako. Naaawa kasi ako sa kanya dahil ang bigat bigat ko. Oops pati ng baby namin na baby girl ang gender ayon sa ultrasound.

Inilapag niya lang ako nang nasa dining room na kami. Iginala ko ang aking paningin sa madaming pagkaing naroroon at sangkaterbang gayak na lobo at heart shape na unan.

"Ipinagluto kita wifey."proud niyang sabi.

"Anong okasyon?"kaagad kong tanong. Sa isip ay naghagilap ng petsa ng aming mga kaarawan, wedding anniv pero wala namang importanteng okasyon ngayon.

"Wala naman. Gusto ko lang iparamdam sa iyo at ipakita na mahal na mahal kita."seryoso niyang sagot na ikinatubig ng mga mata ko. "Ayoko sanang makikita na umiiyak ka pero I realized na kapag umiiyak ka dahil sa saya ay binubuo mo ang pagkatao ko. I love you Maxene Hidalgo Mondragon!"

Humagulhol ako sa sobrang tuwa. Sino bang makakapagsabi na ganito ang magiging kapalaran ko bilang Substitute Bride at Wife niya?

Wala di ba? Kaya grateful ako sa kanya na ako ang napili niyang substitute bride sa araw ng kasal niya.

The End

__________________________________________

A/N

Thank po sa mga nagbasa at nagrerequest ng next chapter dahil kayo ang naging inspirasyon ko para tapusin ang story na ito. Sorry kung minadali ang ending kasi sa totoo lang wala na po akong maisip. Natuyo na yata ang utak ko dahil parang hindi ko kayang iwanan sina Enzo at Maxene. Sobrang love ko ang characters nila.

Anyway, thank you po sa lahat.

My Substitute Bride and Wife (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon