Maxx
Parang huminto ang tibok ng puso niya habang iniisip si Enzo. Nasaan na kaya ito? Nandoon kaya ito sa babae nito? Gusto niyang umiyak pero natuyo na kanina pa ang kanyang tearduct.
Bakit ba may mga lalaking hindi makuntento sa isang babae?
Bakit kahit committed na ay naghahanap pa ng iba?
Saan ba siya nagkulang kay Enzo?
Nang maging mag-asawa naman sila ay dito na umikot ang mundo niya. Hindi pa ba sapat iyon dito?
Ano pa ba ang dapat niyang ibigay? Nandito na ang puso niya at kaluluwa.
Tiwala Maxx. Isang Malaking TIWALA.sabad ng isip niya.
Mula ng umalis kanina si Enzo ay nanatili siyang nakaupo sa sofa. Pakiwari niya ay inugatan na siya doon. Wala kasi siyang lakas para pumanhik sa kwarto nila o umalis man lang doon. Pakiramdam niya ng iwan siya ni Enzo ay naparalyze siya both physically and emotionally. Kaya kahit inaalok siyang kumain ng kasambahay nila ay nakamasid lang siya dito.
Babalik pa ba ito?
Tuluyan na ba siya nitong iiwan?
Ang sakit-sakit kaya... Makakaya niya ba talaga na wala ito sa buhay niya?
Ano ba ang dapat niyang gawin?
Awtomatiko siyang napalingon sa bintana kahit sarado iyon ng marinig ang kilalang-kilala niyang hugong ng sasakyan ni Enzo. Limang oras pa lang itong nawala pero akala niya ay Forever nang nakahinto ang oras at paulit-ulit siyang pinasasakitan Ngunit ngayon ay muling tumakbo ang oras at panahon.
Bumilis ang tibok ng puso niya ng umingit ang gate na bakal. Parang nais niyang hilahin ang bawat segundo para mas mapabilis ang pagpasok ni Enzo.
Nahigit niya ang paghinga ng bumukas ang front door at iluwa noon si Enzo. Dirediretso ito sa paglalakad na animo'y hindi siya nakikita.
"Enzo..."gumaralgal ang boses niya ng tawagin ito.
Bagaman tumigil ito sa paglalakad ay hindi naman siya nilingon. Batid niyang hinihintay siya nitong magsalita ngunit hindi niya maapuhap ang tamang sasabihin niya. Lost for words, posible pala iyon gayong kanina niya pa inaaasam na makausap ito upang magkaliwanagan sila.
Nagpatuloy ito sa paglakad ng hindi siya nagsalita.
Just like that nawala ito sa paningin niya....
------------------
Nasilaw pa si Maxx ng pumasok ang liwanag ng araw sa loob ng kinaroroonan niyang silid. Ikinurap-kurap niya ang mga mata para makaadjust sa bilang pagliwanag ng silid
"Mabuti't gising ka na iha."narinig niyang may nagsalita kaya hinanap niya ang pinagmulan ng tinig.
Ang nakangiti ngunit nag-aalalang mukha ng mama ni Enzo ang nakita niya. Nakaupo ito sa stool na nasa gilid ng higaan niya. Base sa paglibot niya ng mga mata sa loob ng silid ay naconclude niyang nasa loob siya ng ospital. Nilapitan siya ng isang nurse para icheck ang BP niya bago nagpaalam na palabas.
"Nagcollapse ka daw sabi ni Enzo kaya dinala ka niya dito."anang ginang. "Don't worry ayos naman ang kalagayan mo at ng baby ninyo."mabilis nitong sabi ng dumaan ang pag-aalala sa mukha niya para sa kapakanan ng kanilang anak.
"Thank you po Tita."sabi niya dahil inimporma siya nito.
Tumawa ito ng malutong saka pinisil ang palad niya.
Tipid siyang ngumiti. Wala naman siguro ito dito para awayin siya.
"Overfatigue ka daw Maxx sabi ng doctor. Pwede ka ng madischarge mamaya kaya ewan ko ba kay Enzo kung bakit umalis pa din gayong ang sabi ng doctor ay sa bahay mo na ituloy ang pamamahinga mo."
Tinamaan siya sa sinabi ng mama ni Enzo na wala ito dito sa hospital. Binantayan kaya siya nito? Sobrang galit ba nito sa kanya para umalis gayong nandito siya?
"Iha.."tawag sa kanya ni Anita.
"Uhmmm?"
"Mukhang ang lalim ng iniisip mo?"
Umiling lang siya. Tinangka niyang bumangon at nagulat siya ng alalayan nito.
"Dahan-dahan lang."anito habang inaagapayan siya sa pag-upo. Sa tagpong iyon bumukas ang pinto at hangos na pumasok ang mom niya kasunod ang dad niya. Naggive way si Anita para malapitan siya ng sariling ina.
"Oh Maxx,"sabi ng mom niya. Niyakap siya nito ng mahigpit. Hinalik-halikan sa ulo. Hindi na siya nagtaka ng magpunas ito ng mga luha.
"Kumusta ka na anak?"tanong ng dad niya.
"Better."sagot niya.
"That's my girl."anang dad niya matapos siyang kintalan ng matunog na halik sa noo.
"Nakaprepare na ang room mo sa bahay. Nadala na din doon ang mga gamit mo. Tiyak na makakapahinga ka doon ng husto iha."buong tiwala na sabi ng mommy niya.
Nagtatanong ang mga matang bumaling siya sa ama.
"Kinausap kami ni Enzo para sa bahay ka na umuwi."explain ng dad niya. Nang hindi siya kumbinsidong tumitig dito ay bumaling ito sa may pintuan. Sumunod siya sa direksyong tiningnan nito at nakita niyang nakasandal sa dahon ng pinto si Enzo. Nakamatyag sa kanila. Tumango ito bilang pagsang-ayon.
Naramdaman niya ang biglang pagtadyak ng kung ano sa puso niya.Ibinabalik na siya ni Enzo sa mga parents niya? Ganoon ba iyon?
Naghihinanakit na tumitig siya dito.
"Pwede naman mga balae na sa mansyon namin siya magpahinga. Bahay din iyon ni Enzo at tiyak na mawiwili doon si Maxx dahil doon sila madalas maglaro noon ni Enzo."sabi ni Anita na walang partikular na kinakausap sa mga magulang niya. Nang hindi tumugon ang parents niya ay siya ang binalingan ni Anita ng tingin. Nagsusumamo ito.
"Sa bahay na lang namin balae mas at home doon si Maxx."anang dad niya. Sinave siya nito sa pagtanggi sa mother in law niya.
Nakita niya ang pagguhit ng iritasyon sa mukha ni Anita ng tumingin kay Enzo. May ipinaparating itong hindi maganda dito.
"Kaya mo na ba Maxx umalis? Kanina pa naayos ang discharge paper mo. Hinihintay na lang talagang magising ka."masuyong tanong ng mommy niya.
"Yes mom."matatag ang tinig na sagot niya. Kung ayaw na sa kanya ni Enzo pwes e di huwag. She was caught off guard. Nagplano ito ng pagsasauli sa kanya gaya ng pagpaplano nito na makasal sa kanya na hindi man lang siya kinukonsulta. What an asshole!
"Maxx, ihahatid kita doon."sabi ni Anita na nagpapakita sa kanya ng pagkagiliw. Nalilito na siya kung totoo ang ipinapakita nito o pagpapanggap lang.
Nagpalit muna siya ng damit bago sila gumayak na paalis. Sa may pintuan ay hinagip ni Enzo ang palad niya ng lumampas siya sa kinatatayuan nito.
"Sorry."mahinang sabi nito.
"No, thank you."matigas na sabi niya. Pinalis niya ang kamay nito bago ito binirahan ng pag-alis. Pakiramdam niya ay nanghina ang tuhod niya buti na lamang at nakaalalay ang dad niya dahil may paghuhugutan siya ng lakas.
BINABASA MO ANG
My Substitute Bride and Wife (Completed)
RomansaBlackmail and Lies. iyan ang special flavor ng kasalang Maxene Hidalgo-Enzo Mondragon. Pero sa halip na si babae ang mamikot ay si lalaki ang gumawa noon pero hindi daw dahil sa love kundi sa "friendship". weehhh di nga?!