Chapter 47

33.4K 557 8
                                    

Maxx

Her mouth went dry. Pakiramdam niya ay nilalagnat din siya dahil sa intense na pagtitig ni Enzo sa hubad niyang kabuuan.

"Tulog ka lang baby,may gagawin lang kami ni mommy mo."paalam nito sa baby nila. Hinaplos nito ang maliit niya pa lang na baby bump.

"Teka nga Enzo."sabi niya. Bumangon siya at hinagip ang nighties niya. Nakita niya ang pagsimangot ni Enzo. Lumabi ito habang pinapanood siyang magsuot ng damit pantulog.

Humiga ito patalikod sa kanya.
"Goodnight."malungkot ang boses na sabi nito. Nakukunsensya man siya ay tinigasan niya ang loob. Nahiga na rin siya ng patalikod dito matapos buksan ang lampshade at isara ang maliwanag na ilaw na nagmumula sa Daylight. Napakachildish nito. Litaw na litaw na iyon. Tatanda siya kaagad kung iintindihin niya lahat ng tantrums nito. Namigat na ang talukap ng kanyang mga mata. Hinihila na siya ng antok. She is really sleepy. Pero nag-uumpisa pa lamang siyang matulog ng maramdaman ang pagfondle ng kamay ni Enzo sa left breast niya. Nakapasok ang kamay nito sa loob ng damit niya.

"Enzo."mahinang saway niya. She is hoping that he will stop pero parang gusto niya ding ituloy nito ang ginagawa.

Ang paghalik nito sa batok niya ang naging pagtugon nito.

Kahinaan niya ang batok niya kaya hindi na siya makapalag kay Enzo ng hilahin siya nito upang lumapat ang katawan niya sa kama. Naglakbay ang kamay nito sa buong katawan niya at para siyang lalagnatin dahil sa mainit na singaw ng kamay nito kahit may suot pa siyang damit.

Siniil siya nito ng marubdob na halik na ginagantihan niya din ng katumbas na halik.

"I love you Maxx."pahayag nito ng maghiwalay ang mga labi nila.

"I love you too."

Pumaibabaw ito sa kanya. Ngayon niya napansin na wala na itong saplot sa buong katawan. Iniangat nito ang dulo ng nighties niya hanggang balakang. Pareho pa silang nagulat ng may kumatok sa pinto ng silid nila.

Umungol dala ng matinding frustration si Enzo. Tumayo ito at kumuha ng 2 roba para sa kanila. Mabilis itong nakapagsuot ng roba habang siya naman ay tinulungan nitong magsuot. Nang makasigurong okay na siya ay kaagad itong nagtungo sa pinto at binuksan iyon.

Ang kasambahay nilang si Eunice ang napagbuksan nito.

"Sir nasa phone po ang sekretarya ninyo. Emergency lang daw po."sabi ni Eunice.

"Sige sa cellphone ko na lang siya tatawagan. Thank you."ani Enzo. Pinanood niya ng isara nito ang pinto at kuhanin sa drawer ang cellphone nito hanggang sa i-dial ang numero ng sekretarya nito. "Dianne si sir mo eto. Anong problema?"

Narinig niya ang paghikbi sa kabilang linya kasunod noon ang pabalik balik na paglalakad ni Enzo sa paanan ng kama nila.

"Okey lang. Hintayin mo ako diyan. Pupuntahan kita."

Kumunot ang noo niya lalo na ng makitang kumukuha ng vneck T-shirt si Enzo at pantalong maong.

Lumapit ito sa kanya at humalik sa noo ng makapagbihis. "Nasa presinto siya. Wala siyang family dito kaya as her employer I need to go there."

"What happened?"tanong ko.

"I really don't know. Hindi ko masyadong maintindihan kaya I need to see her. Babalik ako kaagad."paalam nito.

Inihatid niya si Enzo hanggang sa may gate. Bumalik lang siya sa kwarto nila ng mawala sa paningin niya ang kulay itim na sasakyan nito. Kakaiba ang kaba niya. Parang natitiyak niyang may kung anong interes ang sekretarya nito kay Enzo.

Nang tatlong oras na ang lumipas at wala pa din si Enzo ay tinawagan niya na ito. Sa pangwalong tawag niya ay saka lang ito sumagot.

"Okey na naman si Dianne."pagbabalita nito. "Nandito na kami sa apartment niya. Almost kararating lang. Huwag mo na akong hintayin dahil dito na ako matutulog kawawa naman kung iiwan kong mag-isa."

"What?!"nanlalaki ang butas ng ilong niya. "Are you sure Enzo? Parang hindi ata magandang tingnan, dalaga yan at ikaw naman ay may asawa!"himutok niya. Ngunit hindi niya narinig si Enzo na sumagot para ngang hindi siya nito napakinggan sa litanya niya dahil narinig niya sa background na parang nakikipag-usap ito sa babae. Parang kinikiliting pusa ang boses ng babae.

"O wifey, pahinga ka na. Kausapin ko muna ng masinsinan si Dianne mukhang may pinagdadaanan pa."ani Enzo. Bago ito tuluyang mawala sa kabilang linya ay narinig niya ang paghagikhik ng tinatawag nitong Dianne.

Ano kaya ang pinagdadaanan ng babaeng iyon e parang ang saya-saya. Para ngang kinikiliti ang mani nito kung makahagikhik.

Wait teka, hindi kaya? Binundol siya ng kaba at matinding selos ng pumasok sa isip niya ang malalaswang imahe nito at ni Enzo.

My Substitute Bride and Wife (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon