Maxx
Hindi mapigilan ni Maxx ang panakaw na sulyapan ang katabing si Enzo. Simula kasi ng umupo ito sa tapat ng manibela ay hindi na ito nagsalita. Nanatili ding nakatutok ang mga mata nito sa daang binabagtas nila.
Nag-aalala siya at hindi mapakali dahil sa silent treatment nito sa kanya. Sanay kasi siyang palasalita si Enzo sa mga ganitong pagkakataon. Madalas na nagpapaliwanag ito kahit hindi niya inoobliga.
Pero ngayon nakakatakot ang inilalabas nitong aura. Halatang nagpipigil ito ng galit.
Bakit ito pa ang nagagalit gayong ito nga ang may atraso sa kanya?Napakurap siya para pigilin ang paglandas ng luha sa kanyang mga mata. Bakit parang siya ngayon ang lumalabas na may kasalanan sa kanilang dalawa? Ang unfair naman di ba?
Gusto niyang kastiguhing muli si Enzo pero naumid ang dila niya ng makitang nagtiimbagang ito.
Enzo
Mula sa gilid ng kanyang mata ay kita niyang pinagmamasdan siya ni Maxx. Pinipigil niya ang sariling kibuin ang asawa. Gusto niyang mag-explain upang ituwid ang mali nitong akala pero napatid na ang pasensya niya. Parati siya nitong binabara. Ni hindi marunong makinig ng totohanan sa anumang sinasabi niya. Napapalampas niya ang pagiging laging talo sa anumang argumento nila pero hindi ibig sabihin noon ito ang parating tama. Tumatahimik lang siya at nagbibigay para huwag ng humaba pa ang usapan pero nakakainis na talaga. Pakiwari niya ay sumabog na siya.
Of course gusto niyang magkaayos sila, sino ba naman ang hindi but not necessarily now. Masyado na siyang napuno dito dahil parati siyang hinahamon ng hiwalayan o iiwanan. For sure alam ni Maxx na mahal na mahal niya ito kaya ginagamit nito ang kahinaang niyang iyon.
Gusto niya munang mag-isip isip. At ayaw niyang makarinig nang anumang salita mula dito.
Nakarating sila ng bahay na walang kibuan. Masyadong mataas ang pride ni Maxx kaya alam niyang hindi ito ang mauunang makikipagbati. Expected na iyon kumbaga. Siya na naman ang hahabul-habol dito at magpapakumbaba at aamo. Nakakapagod din pala ang ganoon. Nakakasawa.... kaya this time ang gusto niya ay siya naman ang amuin nito.
Bumaba siya ng kotse upang ipagbukas ng pinto si Maxx. Kahit galit siya dito ay inalalayan niya itong umibis ng kotse. Hinawakan niya ito sa braso at iginaya papasok sa bahay nila.
Nang nasa may salas na sila ay binasag niya ang nakakabinging katahimakan sa pagitan nila.
"Hindi ako uuwi mamaya."paalam niya. Nakita niya ang pagmulagat ng mga mata ni Maxx. nakakita siya ng pag-asa. He started counting 1,2,3... sa kanyang isip. Panalangin niya ay sana pigilan siya nitong umalis and he will gladly oblige. Sana lang....
6,7,8,9......
15,16,17.....
30,31,.....
"Okey". maikling sang-ayon nito.Ang apat na letrang iyon ang bumasag sa pag-asa niya. Okey? Okey talaga ang sinabi nito?
Tumaas baba ang dibdib niya sanhi ng pagbuhos ng halu-halong emosyon.
"Fine."pasupladong sabi niya. Pigil na pigil niya ang sariling magmura. For a seconds ay tinapunan niya ng tingin si Maxx at sobrang nadisapppoint siya ng makitang balewala dito ang sinabi niya.
God he was so hurt. Daig niya pa ang tinarakan ng punyal sa puso ng mahigit isang libong ulit. Bato ba talaga si Maxx o wala lang pakialam sa feelings niya?
Kinuyom niya ang isang kamao. Gusto niyang pagsusuntukin lahat ng makita niyang plorera pero nagpigil siya. Walang magagawa ang pagwawala niya dahil mukhang hindi naman nababahala si Maxx sa anumang gawin niya.
Walang lingun-likod na naglakad siya palayo dito. Sa isip ay paulit-ulit niyang minumura ang sarili. Hangal kasi siya. Pilit niyang inabot ang babaeng hindi naman pinapahalagahan ang pag-ibig niya.
Nang makasakay siya sa kotse ay kaagad niya iyong pinaharurot. Bahala na kung saan siya makarating basta ang mahalaga ay makalayo muna siya kay Maxx dahil kapag hindi siya lumayo ngayon ay tiyak na siya na naman ang maunang sumuyo dito. So ano pa ang point ng pagpapakita niya ng pagdaramdam dito kung siya ulit ang unang susuko? Wala di ba?
Sa bar siya napadpad. Maliwanag pa sa labas ngunit madilim na sa loob ng bar dahil sa kakaunting ilaw na meron doon. Diretso siya sa bar counter at humingi ng nakakalasing na likido. Gusto niyang uminom upang makalimot.
Sira paano ka makakalimot niyan e favorite place ninyo ito ni Maxx? Everything here ay nagpapaalala lang sa kanya.
Umiling-iling siya. Pilit pa ring inaaliw ang sarili kahit gumuguhit ang mapait na likido sa kanyang lalamunan.
Nang ipikit niya ang mga mata ay parang may instant replay na kusang nagclick sa kanyang alaala, iyon ang mga Mata ni Maxx ng sabihin nitong "okey". Lumung-lumo siya dahil ipinararating ng mga mata nito na wala siyang halaga dito. Na ayos lang kung hindi na siya magbalik. Ouch!!! Daing ng puso niyang hibang na nagmamahal dito.
Nakakailang shots pa lang siya ng may lumapit na babae sa kanya at itanong kung single at available siya.Mataman niyang tinitigan ang babaeng kaharap. Maganda ito.
Ngumiti ito sa kanya.
"Sorry taken na ako."nagmamalaking sabi niya sabay pakita ng singsing sa kanyang ring finger. Taken pero pinabayaang mag-isa. Mapaklang dugtong niya na sa sarili lang ipinarating. Ipinagpatuloy niya ang pag-inom. Wala siyang pakialam kung inoobserbahan siya ng babaeng katabi.
"Problem?Pwede kang magshare sa akin."sabi ng babae na obvious na siya ang kinakausap. Friendly ang dating nito pero hindi niya pa rin pinansin.
Mas gusto niyang mag-isa. Mas gusto niyang kasama si Maxx....
"I'm Rina and you are?"idinuldol ng babae ang palad sa mukha niya. Obviously she was flirting.
Isang masamang tingin ang ipinukol niya. Shit! Bakit hindi na lang siya iwan nitong mag-isa?
Kitang-kita niya ng mamutla ang mukha nito. Wala siya sa huwisyong mag-apologize. Kumuha siya ng ilang lilibuhing papel at iniabot iyon sa bartender.
Lumabas siya ng bar at sumalubong sa kanya ang may kalamigang hangin. Ganitung ganito ang feeling niya noong nasa ibang bansa at nag-iisa. Homesick na homesick na siya noon. Ang gusto niya na lang gawin ay umuwi ng Pilipinas at sirain ang kasunduan nila ng kanyang mama. Gustung-gusto na niyang makita si Maxx. Gusto na niyang itapon ang lahat nang pinaghihirapan niya para sa future upang makasama lamang si Maxx. But in the end nagdecide siyang tapusin ang nalalabi niyang taon doon dahil mas magandang future ang magkakaroon sila Maxx kung edukado at kaya niyang tumayo sa sarili niyang mga paa. Hindi naman siya nagkaisip noon na magkakatuluyan sila dahil kahit friends lang sila ay sapat na sa kanya basta makasama niya lang ito.
Ganoon niya pala ito kamahal. Lahat kaya niyang gawin
Pero ito ano ba ang kaya nitong gawin para sa kanya?
Meron ba?
BINABASA MO ANG
My Substitute Bride and Wife (Completed)
RomanceBlackmail and Lies. iyan ang special flavor ng kasalang Maxene Hidalgo-Enzo Mondragon. Pero sa halip na si babae ang mamikot ay si lalaki ang gumawa noon pero hindi daw dahil sa love kundi sa "friendship". weehhh di nga?!