Chapter 44

37.1K 744 5
                                    

Enzo

Puyat na puyat siya dahil sa naranasan sa kamay ni Maxx kagabi at noong nagdaang gabi pa pero pinilit niyang pumasok sa opisina kahit lutang na lutang ang diwa niya. Pakiramdam niya din ay lumolobo ang ulo niya dahil sa hindi pagkakaroon ng sapat na tulog. Iniinda niya din ang masakit na likod sanhi ng pagkakatulog sa sahig. Wala kasing awa si Maxx..Kung hindi lang kailangan siya sa meeting ay hindi siya papasok. He needed rest.

Lampasan siyang tumitig sa kanyang Assistant na nagbaba ng kape sa ibabaw ng kanyang table. Umalis itong halos Hindi niya napapansin.

Ipinagpatuloy niya lang ang pagtunganga. Siguro alam ng mama niya na ganito ang sasapitin ng kapalaran niya kay Maxx kaya kontodo tutol ito sa relasyon nila...

Malalim na buntunghinga ang pinakawalan niya. Nang maaalala kasi ang ina ay parang bumigat ang dibdib niya. Pagkatapos ng hindi nila pagkakaunawaan ng papuntahin sila nito sa kanilang bahay ay hindi na siya nag-abalang sagutin ang mga tawag nito. Hindi siya galit dito. Nagtatampo lang.

Mas inaalala niya ngayon ay ang sitwasyon nila ni Maxx at sandamakmak na kapritso nito. Nakakainis kasi, ang daming arte.

"Hoy,"natatawang bati ni Will nang pumasok ito sa opisina niya."Para kang namatanda diyan."puna nito na natatawa. Marahil naabutan nito ang pagnganga niya. Napapitlag naman siya sa gulat dahil hindi niya inaasahan ang pagsasalita nito. Ini-expect kasi niyang paglabas ng kanyang Assistant ay solo flight na lang siya. Where, nakaupo siya sa executive chair at nag-iisip isip ng mga bagay -bagay.

"Hulaan ko si Maxx ang iniisip mo."siguradong sabi ni Will. Inimbitahan nito ang sariling umupo sa receiving chair. Dumekwatro ito pagkatapos.

"How did you know?"taka niyang tanong.

"Dalawa lang naman lagi laman ng isip mo."amuse nitong sabi. "Una si Maxx at pangalawa si Maxx pa rin."humagalpak ito ng tawa pagkatapos. Pakiramdam niya ay tinutuya siya nito.

O anong nakakatawa? Bulong niya.

"Hay naku Enzo tinawagan ako ni Dianne,"tukoy nito sa Assistant niya. "Para ka daw wala sa sarili. Kanina ka pa niya kinakausap pero hindi ka nagrereact. So anong nangyari? Nag-away kayo o? Bitin nito sa sinasabi.

"Anong o?curious niyang tanong. Gusto niyang matiyak na pareho ng nararamdaman niya ang idudugtong ni Will. Gusto niya kasi ng karamay sa pinagdadaanang dilemma.

"Hindi ka na naman naka-SCORE. Iyon lang naman lagi mo problema!"

"Gago!"asar talo niyang sabi. Wala siyang kinukwentong kahit ano kay Will tungkol sa marriage life nila ni Maxx lalo na ang pribado nilang sex life. Wala lang, hindi siya mahilig magshare pero basang-basa siya ni Will. Siguro ganoon siyang ka-obvious kapag si Maxx ang iniisip niya.

Hahaha. "Wag kang pikon pare. Pinapatawa lang kita."ani Will. "But kidding aside. Bakit ba mukhang Biyernes Santo mukha mo? Nag-away ba kayo ni Maxx?"

Malalim na buntunghinga ang pinakawalan niya. Hindi sila nag-away ni Maxx. He is just...well naiinis dito pero hearing her name ay parang bigla niya itong na-miss,nang sobra.

Tinawag niya si Dianne para sabihing i-cancel nito lahat ng meeting niya. Kitang-kita ang pagtutol nito sa utos niya pero dinismiss niya agad ito.

"Saan ka pupunta Enzo? Magsisimula na ang meeting in one hour."paalala ni Will na nabahiran ng pagtataka ang mukha.

"I need to see my wife."sagot niya bago nagmamadaling lumabas ng opisina niya. He's dying to see her. Basta miss na miss niya ito.

Halos paliparin niya ang kanyang kotse para makarating sa kumpanyang kinaroroonan nito. Hangos siya patungo sa opisinang ginagamit ni Maxx.

"Ang asawa ko Joan?"tanong niya sa sekretarya ni Maxx. Gulat na gulat ito sa bigla niyang pagsulpot. Mukhang na-star struck ito sa kanta tulad ng dati. Alam niyang crush siya nito dati pa dahil iyon and sabi sa kanya ni Maxx pero wala siyang pakialam.

"Nasa loob po ng office niya Sir."sagot nito na sumulyap sa nakapinid na silid. "Tatawagan ko po si Mam Maxx para-"

Nagsalubong ang kilay niya. "No need to inform her. Papatuluyin niya ako sa loob kahit wala akong appointment. Asawa ko siya okay?"may halong gigil niyang sabi.

"Sorry po sir."hingi nito ng paumanhin.

Mabibilis ang yabag na tinungo niya ang pinto ng opisina ni Maxx at pinihit ang seradura. Bumulaga sa kanya ang walang laman nitong opisina.

Lumingon siya sa desk ni Joan para sana magtanong kung nasaan si Maxx pero nasa likod niya na pala ito.

"Nandiyan lang siya sa loob sir."assurance nito pero nagtataka din dahil malinis ang kabuuan ng silid at walang Maxx sa loob.

Sabay silang napatingin ng biglang bumukas ang pinto ng banyo at iluwa ang namumutlang si Maxx. Hinaplos ng awa ang puso niya dahil sa nakitang anyo ng asawa. Sabug sabog ang mahaba nitong buhok. May namumuong butil ng pawis sa noo at pawis na pawis. Mukhang dumaan sa matinding hirap.

"Oh Maxx."sabi niya bago tinakbo ito upang yakapin. Nagpakulong ito sa bisig niya pero hindi pa nagtatagal ay kumalas ito para bumalik sa banyo at magduduwal. Wala siyang ibang magawa kundi ang hagurin ang likod nito. Saksi siya sa paghihirap nito. At napakasakit na wala siyang ibang magawa para tulungan ito. Halos sumalampak na ito sa sahig. Sabog ang luha nito ng tulungan niyang tumayo at igiya patungo sa upuan.

Ganito ba lagi ang pinagdaanan nitong hirap at wala siyang kaalam-alam? Tapos konting utos lang nito ay halos magwala na siya?

What a lousy husband he was!"


My Substitute Bride and Wife (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon