Chapter 36

35.9K 651 6
                                    


Tumigil sa pagtitig si Enzo sa hawak na nakakwadrong larawan niya noong bata pa siya. Ibinalik niya iyon sa ibabaw ng mahabang lamesang kahoy katabi ang iba niyang mga larawan pati ng kanyang mga magulang.


"Missing the old days?"tanong ng mama niya na nakapagkit sa kanya ang malalaki nitong mga mata.


"Bakit ninyo ako ipinatawag Ma?"balik tanong niya sa ina. Pinapunta siya nito sa kanilang mansion at tiyak na may pabor itong hihingiin o may mabigat na bagay itong nais isangguni.


"Masama bang ma-miss ko ang sarili kong anak?"ngumiti ito at hindi niya gusto ang timbre ng tinig nito.  Puno iyon ng paimbabaw na damdamin.


Umikot siya para makaharap ang ina sa mahabang rattan na kinauupuan nito. Umupo siya sa isang single seater na rattan at dumekwatro. "Now tell me, anong meron at kailangan ko kayong sadyain dito gayong alam naman ninyong busy ako sa kompanya."walang paliguy-ligoy niyang utos.


"Parati kang kang wala sa opisina mo."panunukab nito. Totoo iyon dahil nasa bahay lang siya  o kaya'y madalas kasama ni Maxx na naggagala nitong nakaraang mga araw. "Ang gusto ko'y ipakilala mo ako sa apo ko."mariing utos nito.


Nagtatakang napasulyap siya sa ina. Hindi pa panahon para pagbigyan ang kahilingan nito. "In due time Ma."pangako niya. Nagulat siya ng makarinig nang nabasag na kung ano mula sa pinto ng salas. Nakita niyang nakatayo doon si Maxx at namumutla ang labi. Sa paanan nito ay ang durug na durog na baso. Kaagad niyang dinaluhan ang asawa. Nagulat man at naririto ito ay sumaya pa rin siya dahil sa pagsunod nito sa bahay na kinalakihan niya at bahay na malimit nilang paglaruan noong mga bata pa sila at noong hindi pa kumplikado sa kanilang dalawa ang lahat.


May dumating na kasambahay para linisin ang mga bubog habang siya naman ay inakay patungo sa sofa si Maxx. Hindi pa rin nagbabago ang maputlang kulay nito. Inalalayan niya paupo si Maxx habang siya naman ay naupo sa armrest ng kinauupuan nito. Inakbayan niya ito to assure her na okay lang ang lahat.


"Mabuti at pumunta ka iha."anang mama niya kay Maxx implying na ito ang nagpatawag din sa kanyang asawa. Bakit kaya? Anong pakulo ito ng mama niya? "Tiyak na narinig mo ang usapan namin ng anak ko kanina."tumango si Maxx bilang pagsang-ayon. " Ipinauuna ko sa iyo Maxx na gusto kita pero hindi bilang manugang."


"Ma!"saway niya sa ina.


"Please let me continue,"pakiusap ng kanyang ina ngunit kabaligtaran ang sinasabi ng  mukha nito. Tumahimik siya dahil sumenyas si Maxx na okay lang dito. "Ayoko sa iyo. At ang kasal ninyo ay produkto lamang ng pagkukunsabahan ng iyong ama at ni Enzo."


Tigalgal si Maxx pero kaagad din itong nakabawi. Naawa siya kay Maxx dahil alam niyang natotorture ito kaya pinagsabihan niya ang ina na tumigil na.


"Void ang marriage ninyo dahil si Jullienne at Enzo ang nag-apply ng marriage license kaya please lang Maxx pakawalan mo na ang anak ko!"


Kitang-kita niya ang panginginig ni Maxx kaya tinangka niya itong yakapin ngunit umiwas ito.


"Mahal ko po si Enzo."pagtatapat ni Maxx kaya sumikdo ang  puso niya. Mahal siya ni Maxx! Iyon ang pinakamasayang bagay na narinig niya.


"Magkakaanak na si Enzo at ayokong maging abnormal ang buhay na kalakihan ng aking apo!"tahasang sabi ng kanyang ina.


Tahimik na tumayo si Maxx at yumukod sa harapan ng kanyang ina bago walang pasabing naglakad ng mabilis.


"Maxx!"malakas niyang tawag sa asawa. Sinundan niya ito ngunit tumigil siya ng tawagin siya ng kanyang ina.


"Enzo pabayaan mo na siya. Ang gusto ko lang ay ang makita ang apo ko." wika nito.


"Papaano ninyo makikita ang pinapangarap ninyong apo kung ipinagtatabuyan ninyo ang kanyang ina?"paasik niyang sabi. Gigil na gigil siya sa ina.


"What??"puno ng pagtatakang tanong nito bagaman  base sa bigla nitong pamumutla ay nakuha nito ang ibig niyang sabihin.


"Yes, that's right Ma. Buntis si Maxx."proud niyang sabi bago nakakatungangang iniwan niya ang kanyang ina. Hindi niya alam kung ano ang pumasok sa kukote nito para saktan ng ganoon si Maxx. Hindi pa alam ni Maxx na alam niyang nagdadalantao ito. Mukhang wala pa itong balak ipaalam sa kanya. Nagkaroon lang siya ng ideya na buntis ito dahil sa malimit na pagbanggit ng kanyang ina  na gusto nitong Makita ang anak niya. Syempre si Maxx lang naman ang babaeng sinipingan niya kaya ito lang ang pwede niyang mabuntis at napakalaking blessings iyon dahil di ba't sabi noon ng tumingin na doctor dito ay hindi na ito magkakanak. At dahil magkakababy na sila ni Maxx kaya inspired na inspired siya nitong nakaraang mga araw.





My Substitute Bride and Wife (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon