Chapter 62

37.5K 653 3
                                    


EnZo

Hindi niya makayanan ang nakikitang paghihirap ni Maxx habang nanganganak. Kada diin ng kapit nito sa palad niya ay parang tumitigil ang tibok ng puso niya. Kada ire nito ay parang kamay na bakal na pumipiga sa puso niyang tahimik na nananalangin na sana matapos na ang sandaling ito nang matiwasay. Kada minuto kasing lumilipas ay parang taon ang katumbas na panahon kaya hindi siya mapalagay.

Ang sobrang excitement niya na masilayan ang kanilang anak ay napalitan ng pangamba ng sandaling makita niya ang pinagdadaanan ni Maxx. Ganito ba talaga kahirap manganak? Parang nasa kabilang hukay ang paa... Pagkatapos ay humihiling pa siya na magdagdag sila nang sangkaterbang anak ni Maxx. Gayong napahirap pala ng pagdadaanan nito para mailuwal ang isang sanggol. Napakalaki niyang selfish. Pakiramdam niya ay siya ang naglagay sa bingit ng alanganin sa pinakamamahal niya. At kung may mangyari ditong hindi maganda ay hindi niya matatanggap.

Siya ang natatakot para kay Maxx. Kung pwede nga lang na siya ang sumalo ng lahat ng hirap at sakit na nararanasan nito ngayon ay gagawin niya. Sana siya na lang talaga. Kung posible lang aakuin niya ang sakit at hirap.

Naramdaman niya ang paghila sa kanya ng kung sino. Pinanood niya ang mga kamay nila ni Maxx na naghihiwalay.

Sa isang iglap ay napakalayo niya kay Maxx at may nilalang na nakaputi na nakaharap sa kanya at kinakausap siya. Binundol ng kaba ang dibdib niya. Hindi kaya..
"Relax lang sir. ayos lang po wife ninyo."sabi ng tinig babae na kinukumbinsi siyang magrelax. May isa pang sumulpot na babae at pinaypayan siya. Nakakaramdam siya ng ginhawa pero naroroon pa din ang pangamba para sa safety ni Maxx at nang anak nila.

My God, ayaw niya ng ganitong pakiramdam na parang nagkakabuhul-buhol ang paghinga niya. At samu't-saring emosyon ang naglalaban sa loob niya. Tuwa,takot,pangamba,excitement at mga damdaming ang Hirap pangalan.

"Sir,"muling tawag ng nakaunipormeng babae. Lumilinaw na ang lahat sa kanya. Ang inakala niya kaninang mga anghel na nagpakaba sa kanya dahil akala niya ay binawian na siya ng buhay dahil sa stress ay mga nurses pala. Nakamata ang mga ito sa kanya waring naghihintay na matauhan siya.

Isang matinis at malakas na iyak ng sanggol ang narinig nilang lahat sa loob ng delivery room. Bumilis lalo ang tibok ng puso niya at napalitan ng pagtaas ng pride ang bagsak niyang emosyon kanina.

Lalaki!

Iyon ang narinig niyang announce ng doktora.

Nagtubig ang mga mata niya dahil sa tuwa at relief.

Thank you Lord dahil nakaraos na si Maxx.

Gustung-gusto niya ng lapitan ang anak nila ni Maxx at hawakan ito sa unang pagkakataon.

Kumintal ang isang malawak na ngiti sa labi niya ng makitang sumilay ang ngiti sa labi ni Maxx.

Breathtaking ang nasasaksihan niya ngayon, 2 magagandang nilalang ang nasa harapan niya. Si Maxx at ang baby nila.

No wonder na ang ganitong pagkakataon ang pinakamagandang masaksihan pero naduwag siya kanina.

Nagpasya siyang lapitan ang mag-ina niya. Inilang hakbang niya ang kinaroroonan nila Maxx na may ngiti sa labi. Pero napawi ang ngiti niya nang makita niyang nawalan ng ulirat si Maxx!

"Maxx!"malalas niyang sigaw. Wala siyang ibang nakikita ngayon kundi si Maxx at any nakapikit nitong mga mata saka ang anak nilang ipinabalot sa puting tela. Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa mag-ina niya.

"Okay lang siya Enzo."paninigurado ng doktora. Maingat nitong inilagay sa bisig niya ang natutulog na ding sanggol.

Pumatak ang mga luha sa mga mata niya ng mahawakan for the first time ang baby nila. Umaapaw kasi sa galak ang puso niya.

I love you baby. And thank you for coming in our life.

Dinampian niya ng magaan na halik sa noo ang baby nila ni Maxx bago iyon kinuha ng isang nurse.

Mabagal siyang lumapit kay Maxx at dinampian ito ng magaan at mabilis na halik sa labi.
Thank you Maxx. Bulong niya dito bago ito ilabas at dalhin sa recovery room. Umaagay siya dito.



My Substitute Bride and Wife (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon