Chapter 64 Sebastian Hidalgo Mondragon

43.4K 687 1
                                    

Maxx

"Seb."nakangiting tawag ni Maxx sa anak. Ilang taon na ba ang baby boy nila ni Enzo? At finally hindi na nila pinag-awayan ang ipapangalan dito. Nagkasundo silang Sebastian Hidalgo Mondragon ang ibigay na pangalan sa anak nila. Parang kailan lang ay sanggol pa lang ito at parati niyang karga sa kanyang mga bisig. At ngayong lampas 6 taon na ay lalo mong makikita ang pagkakawangis nito sa ama. Pati galaw ni Enzo ay kuhang kuha nito. Pananalita, pagngiti, pagsasalubong ng kilay at paglalakad. Parang mini-me ng sariling ama.

Nakita niya ang pagmamadali ni Seb na lumapit sa kinauupuan niyang bench sa park. Hobby niya ng hintayin doon ang mag-ama pagkatapos itong sunduin ni Enzo sa pinapasukang school.

"I love you Mom."yakap na salubong ni Seb. Ang sarap naman sa pakiramdam ng ginagawa nito. Sobrang lambing ng "baby boy" niya.

Nag-angat siya ng tingin ng maramdaman ang presensya ni Enzo sa tapat nilang mag-ina.

"Pagsabihan mo iyang anak mo. Inaway na naman ang classmate niyang si Anya."kunut noo nitong sabi in his dark aura.

Ayon. If may malaking pagkakaiba si Seb sa ama ay iyon ang pakikitungo sa mga girls. Mabait si Enzo sa mga babae pero si Seb ay parating asar sa mga batang babae especially with Anya. Hindi na bago ang pang-aaway ni Seb sa nasabing magandang bata. Ewan kahit anong paglalapit ang gawin nila sa mga ito ay parating sa away nauuwi. Suko na nga din ang parents ni Anya.

"Seb."nagbabanta ang tinig niya. Kinalas niya ang nakayakap nitong braso sa katawan niya.

Nanunulis ang nguso ni Seb na humarap sa kanya.

"E kasi Mommy ang sabi niya siya lang daw dapat ang girl na love ko. Sabi KO di pwede ayun nag-iyak iyakan."

Nagkasalubong sila ni Enzo ng tingin. Parang ang aga pa naman yata para makipaglove story si Anya sa anak nila. Gusto niyang matawa habang si Enzo naman ay nagsusupil na ng ngiti. Nawala na ang inis sa anak.

"Maganda si Anya, don't you like her?"ani Enzo.

Lalong nanulis ang nguso ni Seb. "She's pretty pero may love na ako!"matapang na deklara ni Seb na ikinalaglag nang panga niya. Sino naman kaya ang tinutukoy na love nito? Ang aga pa yata para magkagirl friend ang baby niya.

"Sino?"panabay nilang tanong ni Enzo. Nababahala siya dahil love at hindi crush ang binanggit ni Seb. Ganito rin ba ang pakiramdam ni mama Anita noong mga bata pa sila ni Enzo at nakikitang sobrang lapit sa isa't isa?

Humalukipkip si Seb sabay pagliit ng mga mata. "I don't want to talk about h-her. Magagalit lang si Dad."

Nagkatinginan ulit sila ni Enzo. Aba't pamisteryo pa ang bagets nila. At ang ama pa ang isinangkalan.

"Who's the lucky girl? Promise hindi ako magagalit."ani Enzo na ayaw lumabayan ang anak. Lumuhod ito sa damuhan para maging kalevel ang mga mata ng anak. Man to man din ang tono ng tinig ni Enzo.

"Hmmm..."parang nag-iisip si Seb kung sasabihin ba o hindi ang sekreto. Pero kalaunan ay nagsimula itong magsalita na lalo niyang ikinagulat. "Promise me muna na papayag kang pakasalan ko siya when we grow old."

Natapik niya ang noo. Si Enzo naman ay natigalgal. Jusko ang bata pa talaga ng anak niya! Love at kasal na ang lumalabas sa bibig.

"Kapag hindi ka nagpromise I won't tell her name."

Nagsalubong ang makakapal na kilay ni Enzo tanda na inis ulit ito. Masyado kasing seryoso si Enzo sa parenting style nito na nababasa sa handbook kaya kapag hindi umayon ang pag-uugali ni Seb alinman sa nakasulat doon ay naiinis ito. Parang timang lang! Matagal niya nang sinabing tigilan ang pagbasa sa handbook kaso e matigas talaga ulo nito. Sinabi niyang hindi case study ang anak nila. Kaya bakit hindi sila mag-explore na tatlo sabay-sabay?

"Bakit ako lang ang dapat magpromise, bakit Hindi kasali ang mom mo?"tanong ni Enzo na hinahamon nang titigan ang anak. Loko talaga!

But like her, Hindi marunong umatras si Seb sa ama. "Kasi dad, kakampi ko si mommy parati. Given na iyon kasi may special bond kami."

"Ahhh..."sabi ni Enzo na masama ang pinukol na tingin sa kanya.

What? Balik tingin niya. Wala naman siyang sinasabing ganoon kay Seb ah.

Siniringan siya ni Enzo bago ibinalik ang tingin sa naiinip na si Seb.
"OK I promise na papayag akong magpakasal ka sa girl na iyon provided na mahal ka rin niya."

"Regardless of who she is?"paniniyak pa ni Seb kaya lalo siyang kinabahan. Ano ba naman ang anak nila? Matanda na ba ang gusto nito, may sabit na ba, multo, o maligno?

"Promise." Sabi ni Enzo at nakita niya na lang na nagpinky swear ang mag-ama.

Ngiting-ngiti si Seb dahil nakuha ang gusto. "Her name is Pia."masayang sabi nito na parang inaawit ang pagbigkas sa pangalang binanggit.

Okey. Reaksyon nila ni Enzo. Mukha namang magkasing edad lang ang mga ito. At saka matagal pa naman maiisipan ni Seb magpakasal saka maaaring magbago din ito ng isip pagdating ng araw kapag madami na itong nakasalamuhang babae.

"She's an angel."kumikinang ang mga matang dagdag ni Seb na ikinasamid ni Enzo.




My Substitute Bride and Wife (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon