Chapter 58

36.5K 650 2
                                    

Maxx

Bumalik na si Maxx sa bahay nila ni Enzo. Namiss niya ng husto ang bawat parte ng bahay nila kahit 1 linggo lang siyang nawala dito. Iba pa rin ang feeling kapag nasa sariling pamamahay. Nang kausapin nga nila ni Enzo ng masinsinan ang parents nila kagabi at magpaalam na uuwi na siya ay mabilis pa sa alas-kwatro na ipinagayak ng mama at papa niya ang mga gamit niya. Parang gusto niyang magdamdam dahil atat na atat ang mga ito na umalis siya but in a way alam niyang paraan lamang iyon ng mga ito para sabihing masaya ang mga ito dahil "nagkabalikan" daw sila ni Enzo. As if naman naghiwalay sila?

Napailing tuloy siya sa naisip. Masyadong asyumera at asyumero ang parents nila. At ubod ng kunsintidor. Hehehe. Pabor naman sa kanila ni Enzo iyon.

Ipinagpatuloy niya ang paghahalo sa bowl ng dry ingredients para sa ibibake niyang dark chocolate cake. Hindi siya marunong magbake pero may instructional video siya na nadownload kaya tiwala lang ang kailangan para makagawa din siya. Plano niyang isurprise si Enzo pagdating nito mamaya. Nangako kasi din siya sa sarili na magpapaka-asawa na kay Enzo. Plano na nga din niyang magfull time housewife para naman maasikaso niya ng husto ang mabait niyang asawa.

Tagaktak ang pawis niya pero kailangang huwag siyang sumuko. Huminto siya sa ginagawa ng makarinig ng doorbell.
Ang aga naman yatang bumalik ni Enzo?
Takang tanong niya sa sarili. Narinig niyang bumukas ang gate na bakal at ang pagsasara noon.

Ibinalik niya ang atensyon sa ginagawa. Pero maya-maya lamang ay narinig niya ang tinig ni Aling Lolita.

"May bisita ka Maxene."imporma nito na ikinakunot niya ng noo.

"Hindi ho ba si Enzo ang dumating?"tanong niya.

"Kuuwhh, hindi na magdodoorbell kung si Enzo. Alam mo naman iyon basta na lang pumapasok."

Tumango lang siya nang marealize na hindi ugali ni Enzo ang magdoorbell kapag dumadating. Inalis niya ang suot na apron saka nagbanlaw ng kamay sa lababo. Nakita niyang nakamata si Aling Lolita sa iniwan niyang Gawain at mukhang interesadong ipagpatuloy.

"Huwag na huwag po ninyong pakikialamanan iyan manang."mahigpit niyang bilin. "Ako ang magpapatuloy niyan."tumango ito bilang sagot.

"Puwede bang linisin itong mga kalat mo?"paalam nito na pinasadahan ang nakatapon sa sahig na flour at hindi niya tiyak kung baking powder o baking soda. Mga balat ng itlog at halu-halong kahon at plastic pati lata ng ingredients na nakasabog sa ibabaw ng table.

"Kayo hong bahala."sabi niya na tinubuan ng hiya. Masyado siyang engrossed sa ginagawa kanina kaya hindi niya napansin na super kalat pala ng pinaggagawaan niya.
Matapos matiyak na presentable naman ang itsura niya ay pinuntahan niya sa salas ang pinatuloy na bisita ng kasambahay nila.

Naabutan niyang nakaupo nang patagilid sa sofa ang babaeng kahuli-hulihang gusto niyang makita. Napatayo ito ng maramdaman marahil ang masamang tinging ipinupukol niya dito. Pakiramdam niya ay umangat ang dugo niya sa ulo at bawat himaymay ng laman niya ay nanginginig.

"Good afternoon po Ma'am."magalang nitong bati. Ini-note niya sa isipan ang panginginig ng tinig nito.

Iniangat niya lang ang kilay niya ngunit hindi nagsalita. Nagpatuloy siya sa paglapit dito. Nangangati ang kamay niya na sabunutan at hablutin ang mahaba nitong buhok ngunit nagpigil siya.

"Anong sadya mo? Wala dito ang asawa ko." Tanong niya. Nang makaupo siya ay sinenyasan niya ding maupo ulit ito na agad naman nitong sinunod.

"Mam gusto ko pong mag-apologize dahil sa akin ay muntik na kayong maghiwalay ni sir."panimula nito na lalong ipinag-angat ng mga kilay niya.

Gusto ba nitong magkaroon ng acting award dahil sa pagiging ulirang mistress? O sa pagiging dakilang mang-aakit? Alin sa dalawa?

"Alam ko pong galit kayo sa akin pero gusto ko pong malaman ninyo na wala po talagang namamagitan sa amin ni sir. Tinatry ko pong akitin siya pero hindi niya po pansin. Sorry po talaga mam dahil sa damage na nilikha ko."humagulhol ito pagkatapos. "Akala ko po kasi sobrang lungkot niya dahil hindi ninyo siya inaalagaan iyon po pala ay sobrang happy niya na kayo ang kasama niya. Sorry po talaga mam."anito sabay luhod.

Napatayo naman siya at inutusang tumayo na din ito.
"Pero mam gusto ko pong patawarin ninyo ako dahil baka hindi makaya ng konsensya ko ay tumalon ako sa building."

E di gawin mo! Hamon ng isang bahagi ng isip niya ngunit agad niya ring pinagalitan ang sarili dahil masama ang inuudyok niya gayong humihingi na nga ito ng kapatawaran. Naantig ang kalooban niya dahil mukhang sincere naman ito.

"Please mam?"pagmamakaawa ulit nito. Sino ba siya para magmatigas. Saka umamin naman ito sa kasalanang nagawa. At dahil dito ay narealize nila ni Enzo na mahal na mahal nila ang isa't-isa at ang sangkaterba nilang pagkukulang sa bawat isa't isa. Hindi ba imbes na dapat magalit siya ay magpasalamat pa siya dito at natuwid ang relasyon nilang mag-asawa..

"Dianne,"tawag niya dito na may bikig sa lalamunan. "Tumayo ka na, wala kang dapat ihingi ng sorry dapat pa nga akong-" nabitin pa ang anumang sasabihin niya dahil sa malakas at dumadagundong na tinig ni Enzo.
Kita niya ang panginginig ni Dianne nang makita si Enzo.

"Nanggugulo ka ba?"sabi ni Enzo na masama ang tingin sa dalaga. Nakalapit ito sa kinaroroonan nila ng hindi niya namamalayan. Pulang-pula ang mga mata ni Enzo na nanlilisik ang pagkakatingin kay Dianne.

Si Dianne naman ay napatayo at umurong sa kanila. Paiyak na ito.

"I already fired you! Ano pa ba ang gusto mo? Magpatawag ako ng pulis?"

Nagugulat siya sa naririnig. Ang brutal ni Enzo magsalita. Galit na galit ito.

"Enzo."hinawakan niya ang asawa para kumalma pero imbes yata na kumalma ito ay lalo itong nag-apoy sa galit.

"Naging civil ako sa iyo at kinausap kita ng maayos Ms.Perez kaya kung ayaw mong ipablacklisted kita sa lahat ng kumpanya sa Pilipinas leave us alone at huwag na huwag ka ng magpapakita kahit kailan!"

"Sir,nag-aapologize lang po ako kay Mam..

"Save it! Umalis ka na bago pa ako makagawa ng hindi maganda."umaalon sa galit ang dibdib ni Enzo.

"Sir huhuhu.. Sorry po ulit!"huhuhu. Umiiyak na patakbong umalis si Dianne.

Nang marinig nila ang pagsasara ng pinto ay saka lang huminahon si Enzo.

"Anong kasinungalingan ang sinabi niya?"tanong nito sa kanya.

Mabagal na sumagot siya kay Enzo. "Nahingi siya ng sorry. Sana hindi mo siya pinahiya."

Pagak na tumawa si Enzo. Ipinapahatid ng tingin nito na kinampihan niya ang babae.

"Look Enzo hindi ba dapat magpasalamat pa nga tayo sa kanya dahil-

"No. Walang dapat ipagpasalamat sa kanya. Because of her I've been in hell for one week. Alam niya ba ang torture na pinagdaanan ko dahil hindi ko alam kung tatanggapin mo pa ako ulit?"

Natahimik siya sa sinabi nito dahil bakas kay Enzo ang paghihimutok. Napaisip tuloy siya, sobra talaga siguro ang pinagdaanan ni Enzo kaya ito nagkakaganito.

My Substitute Bride and Wife (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon