Chapter 46

37.5K 584 4
                                    

Maxx

Maghapong nakangiti si Maxx dahil sa mga patawa ni Enzo. Kahit corny ang jokes nito ay napapangiti siya. Kumbaga bentang benta ang mga baduy na jokes nito. Minsan napapahalakhak siya dahil nakakatawa naman talaga. Pero minsan lang iyon.

"Saan mo gustong mamasyal bukas,wifey?"pang-iiba ng usapan ni Enzo. Inilapag nito sa coffee table ang dalang gatas ng bago nilang kasambahay.

"Hindi na naman tayo papasok bukas?"balik tanong niya sa tonong hindi na papayag na pareho silang umabsent. Madami siyang pinag-aaralang papeles at may ilan pa siyang dapat pirmahan. Nagsimula na kasing magmarket sa Spain ang kompanyang pinamamahalaan niya kaya naman abala siya. Saka hindi ba't anihan na ng mangga sa orchard nila Enzo at mukhang hindi ito nagagawi doon.

"May mga assistant naman tayo."dahilan ni Enzo. Sambakol ang mukha nito.

"Kahit na."maikling sabi niya. Umiwas siya ng akmang gaganapin nito ang palad niya. Magkatabi sila sa mahabang sofa at halos magkadikit na magkadikit. Iyong tipong kulang na lang e nakaglue na si Enzo sa kanya.

"Ayaw mo na yata sa akin e."ani Enzo. Kumibut-kibot ang nguso nito na parang batang naghihimutok.

Pwede ba naman iyon? Love kaya kita. Kontra ng isip niya sa sinabi ng gwapo ngunit isip bata niyang asawa. Mahirap mapuri ito o sabihan ng magagandang salita dahil lumalaki ang ulo.

"Magpahinga na lang tayo."yakag niya dito paakyat sa silid nila. Medyo maaga pa naman. Alas otso pa lang ng gabi. Hinigop niya muna at inubos ang isang baso ng Anmum bago tumayo. Padabog na sumunod sa kanya si Enzo. Halos magkasalubong din ang makakapal nitong kilay. Larawan ito ng isang taong sobrang nabigo. Medyo nakukonsensya naman siya pero hindi na pwedeng umabsent silang dalawa. Maraming nakabinbin na trabaho.

Mabibigat ang mga paang sumunod paakyat si Enzo sa kanya sa hagdanan. Wala pa din itong imik ng makapasok sila sa kanilang silid. Mistulang lugi pa rin ang anyo nito. Naghahanap na siya sa closet ng damit pantulog pero nananatili pa ding nakasandal sa nakapinid na dahon ng pinto ang asawa niya.

"Magsho-shower ka pa?"puna nito sa kanya ng makitang naglabas siya ng tuwalya.

"Hindi na po."sagot niya. Kanina kasing bandang ala sais bago sila naghapunan ay nagshower na siya.

"Para saan iyan?"tukoy nito sa tuwalyang hawak niya.

"Pamalit doon sa ginamit ko kanina."

"Akina na. Ako na ang maglalagay sa banyo."anito bago nagmamadaling kinuha ang hawak niyang tuwalya.

Nang makapasok ito sa banyo ay naupo siya sa gilid ng kama. Nagsisimula na siyang kalasin ang mga butones sa harapan ng suot niyang bestida ng lumabas ng banyo si Enzo. Lumawak ang pagkakangiti nito habang titig na titig sa naeexpose niyang katawan partikular sa bandang dibdib.

"Let me help you wifey."masayang sabi nito.

Hindi na siya tumutol. Umupo ito patabi sa kanya. Nakalas ng walang aberya ang damit niya. Siya na ang naghubad hanggang bewang. mamaya na lang niya huhubarin ang bestida kapag naisuot na niya ang inihandang pamalit na damit. Akmang kukunin niya ang nighties na kulay pink sa may tagiliran nito ng pigilan siya nito.

"Wait lang.."medyo paos nitong sabi. Marahan nitong ini-unhook ang suot niyang lacy black bra at ipinahubad sa kanya. "Pahawak ha."paalam nito sabay sapo sa magkabila niyang dibdib.

Bastos! Himutok niya ngunit napakagat siya sa labi ng simulan iyong marahang i-knead ni Enzo. Nanlaki din ang mga mata niya ng biglang bumaba ang bibig ni Enzo sa kanang dibdib niya at maramdaman niya ang mainit nitong bibig na nagkulong sa isang n*pple niya.

Aalma na sana siya na tumigil ito sa ginagawa ng kusa itong huminto.
Nakahinga naman siya ng maluwag dahil doon mukhang hindi nila pagtatalunan ang bagay na nais nitong gawin nila.

Kahit medyo kasi matagal na silang mag-asawa ay nahihiya pa din siya dito lalo na kapag magme-make love sila.

"Tayo ka Maxx."narinig niyang utos nito.

Sumunod naman siya. Tumayo siya at hindi nagkomento ng ipihit siya nito paharap dito kahit nahihiya siyang ibuyangyang ang walang pang-itaas na katawan. Remember nasa bewang niya pa ang kalahati ng bestida. Tapos ayun nagulat siya ng pumasok sa loob ng bestida niya ang magkabila nitong kamay at hinanap ang garter ng suot niyang cotton panty.

"Oppss Enzo-"hindi natapos na pagsaway niya dahil in- interrupt siya nito.

"Shhh.."anito. Napapikit na lang siya ng maramdamang ibinababa na nito ang panty niya. Parang mamamatay siya sa hiya.

Hindi na pantay ang paghinga niya. Kinakabahan siyang hindi maintindihan.

Nagtagumpay ito sa paghubad sa undies niya. Akala niya ay isusunod nito ang bestida ngunit hindi pala. Marahan siya nitong iginiya pahiga. Nang nakalapat na ang likod niya sa kama ay saka nito sinimulang tanggalin ang matitirang butones sa bestida niya.

My Substitute Bride and Wife (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon