PROLOGUE

49 0 0
                                    






END OF SEMESTER

This story is a work of fiction. All of the names, places, events, incidents, businesses, and brands I'll mention have no sponsors, don't exist, or are simply works of the author's imagination. I didn't copy, plagiarize, or anything.




***


You can't reply to this conversation. Learn more.




I smirked when I opened our convo.




Tapos na ang kalandian ko, biktima na naman tayo ng happy crush na umamin at sa huli, wala ring nangyari.



Sinara ko ang tote bag at nagslide para tignan ang sarili sa salamin. Inayos ko ang aking buhok saka nag spray ng perfume sa bandang leeg.



Ngumuso pa ako at nagdadalawang isip kung itong khaki polo shirt ang susuotin ko para sa unang pasok sa bago kong school for senior high.



Ka-uuwi ko lang ng bahay namin at dati ay kila Lolo ako naka-tira dahil maganda raw mag-aral doon at sila naman nagpaaral sa 'kin kaya pumayag na sila Mama at Papa.



"Cali, bumaba ka na." Isang tingin pa ang ginawa ko sa salamin bago sinuot ang ID sa aking leeg at lumabas ng kwarto.



Naghahanda na sila Mama ng almusal sa dining at lumabas ng kusina si Papa na naka-suot pa ng apron habang bitbit ang speciality niyang sinangag na may halong itlog.



Hinila ko ang isang upuan sa dining at binaba roon ang tote bag.


"Ma, sila Kuya?" Paghanap ko sa dalawa kong kapatid na napansin kong wala pa, nasanay kasi akong nandito na sila sa tuwing bababa ako.




"Maaga silang umalis, maaga daw ang pasok nila." sagot ni Mama. "Ikaw naman, Cali. Anong oras ka na naman natulog, naabutan ka ng Papa mong nag ce-cellphone pa rin ng alas-dose ng umaga." napahawak ako sa tenga  ng sermunan na naman ako ni Mama.




Tuwing umaga na lang, hindi na nagsawa si mama na sermunan ako. Aga-aga, nagiging rapper na naman si Mama. Pati si Papa ay nagtago na ng dalawa kami ni Mama ang tumingin sa kanya.



"Uminom lang ako ng tubig at nakita kong bukas pa ang ilaw sa kwarto ng anak natin." dahilan ni Papa nang hindi tumitinngin sa amin.


"Hinihingi ko ba ang rason mo?" masungit na tanong sa kanya ni Mama. "Magbihis ka na rin para may tao na sa lechonan."



"Yes, Misis ko." Hinalikan niya pa ang pisngi ni Mama. Hays! Under na under si Papa. "H'wag mainit ang ulo." paglalandi niya sa kanyang asawa.



"Mister ko, ano ba." kinikilig na reklamo nito. Taray, akala mo sila na ang bagong sikat na love team kung makapaglandian sa harapan ko.




"Bakit, hindi mo ba gustong lambingin ka?"



Umiling ako sa landian nila sa harapan ko.



"Karlito, tumigil ka nga." hindi nakinig si Papa at hinigpitan pa niya lalo ang yakap kay Mama. "Karlito, nakakahiya ka. Nasa harap pa naman din ang anak mo."



Nahinto si Papa sa paghalik at nagawa pa akong lingunin saka mabilis na  lumayo. Napa-iwas naman agad ako ng tingin na para bang wala akong nakita kahit ang totoo ay halos mangdiri na habang pinapanood kung gaano sila maglambingan at maglandian sa harapan ng kanilang anak. Pati ba naman dito sa bahay, napapa-sana all na lang talaga.



End of Semester Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon