04

4 0 0
                                    


Chael Esguerra
3 mins

LF ka-date sa concert

May bago na naman siyang status.


Chael Esguerra
5 mins

Malapit na yung concert oh.

Oh, wow magkasunod pa talaga.

DELULU :

Thursday : puro parinig naman si Chael.

I haha react his message.

Thursday : kapag 'to inaya ko tahimik 'to.

Cali : Try mo nga.

Puro salita naman ang isang 'to, hindi naman niya magawa gawa. Lakas ng loob niyang magbigay ng side comment at lakas din ng loob niyang aamin siya pero until now wala pa ring nangyayari.

Thursday : 'wag mo akong subukan, kapag 'yan ginawa ko makikita mo.

Nag sad react naman ako sa reply niya.

Lexi : ganyan na ganyan sinabi mo sa 'min kahapon pero hanggang ngayon wala pa rin kayong convo.

Hindi ko na tinuloy ang tina-type ko ng masabi naman na ni Lexi kung ano dapat ang ire-reply ko sa chat ni Thursday.


Thursday : May convo na kami. No'ng nag campaign siya sa senior high school society.

Thursday's sent a photo.

Screenshot ng convo raw nila ni Chael. Sabay-sabay naming sineen ang sinend niya at nag haha react.

Lagi niya ring sine-send ito sa 'min sa tuwing pinipilit naming siyang gawin na ang dapat niyang gawin nang maging masaya sila.

Karina : Paano pa kaya kung sinend ko sa'yo yung long conversation namin???

Napa-wow react naman ako sa chat ni Karina na nag angry react naman doon si Thursday.


Thursday : Traydor.

Karina : Paano nangyari yun? Kasalanan ko bang crush ako ni Chael noon.

Hindi na kami sumbat nila Lexi at Ara at tanging react na lang sa pagtatalo nila ang naging ambag namin.

Thursday : Oo na, crush ka na niya. Mga transferee nga naman.

Cali : Natamaan ako doon ha.

Nakalimutan ata niyang dalawa kami ni Karina ang transferee sa group chat namin.

Karina : Ayan, awayin mo nga.

Thursday : Gaga, Ikaw lang tinutukoy ko d2 @karina.

Lexi : Mahina kasi ni Thursday am, dapat kasi noon palang nilandi mo na. 

Ara : Sa true, tapos ngayon magseselos selos ka.

Pinigilan ko na ang sarili kong sumali pa. Mamaya mag leave 'yan sa group chat, wala na tahimik na uli tong gc na 'to.

Thursday : Kasalanan ko bang ngayon ko lang siya naging crush? 

Thursday : Malay ko bang ngayon lang tumibok ang puso ko nang magtama ang aming mga mata?

Thursday : Kasalanan ko bang ngayon lang siya dumating sa buhay ko?

End of Semester Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon