18

2 0 0
                                    







"Kain tayo?" Alok ko kay Lucas nang magkita kami after events.





Two days students events ang naganap kaya dalawang araw na walang klase pero kailangan pa rin pumasok para sumuporta sa event.



Hindi nga kami nag enjoy, pero may attendance kasi. Nanakot ba naman si Sir Principal kapag hindi kami dumalong mga paborito niyang senior high school.



"Uuwi ka na ba agad?" Tingin niya.



"Maaga pa naman." sinilip ko ang oras sa suot kong relo. "Gala muna tayo, wala pa naman sila Mama sa bahay." bumayahe sila at mamaya pang gabi uuwi. 



"Sama muna tayo kila Nicole." aya niya habang hinahanap kung nasaan na ang mga kaibigan niya. "Nicole, sama kami." sabi nito ng makasalubong ang tatlong kaibigan.



"Hindi naman date gagawin niyo 'di ba? Hindi namin bet maging fifth wheel, ha." singit ni Mariel habang nagpapaypay sa sarili.



"Kaya nga kami sasama, paanong date yun?" sarcastic na tanong nito.



"Hala ka, high blood na tuloy si President." parang batang panakot ni Ryker sa kaibigan na napa-usog ang mukha.



"Joke lang, idol. Go na, gutom na rin em." napa-kapit si Mariel sa braso ni Nicole at nilingon ako. "Hali ka na, Cali. Gutom na rin  bebe mo." Biro niya pa sabay peace sign kay Lucas.


Ngumiti lang ako, pinigilan ko ang sarili kong tumawa dahil agad na binalik ni Lucas ang salubong na kilay niyang tingin sa 'kin.


"Tara na." niyakap ko siya mula sa likod at inaya ng maglakad.


Bumuntong hinanga lamang siya at naglakad diretso sa tambayan nilang magkakaibigan.


Hindi kami nag tago maglakad kasi wala naman ang mga kaibigan ko, kaya hawak-hawak ko lang ang likuran niya hanggang sa marating namin ang isang cafe.




"Init-init, magkakape tayo." Daing ni Nicole sa mga kaibigan dahil nanidito na naman sila.


"Gaga, hindi lang naman kape meron sila dito." pabirong sinabunutan ni Mariel ang buhok ni Nicole at napa-takbo nang makitang sumama ang tingin nito sa kanya.



"Kanina ka pa, ah."


"Sorry, hindi ko sadya."



"Anong gusto mo?" nag e-enjoy akong panoorin ang pabirong awayan ng mga kaibigan niya nang humarap sa 'kin si Lucas at tanungin ako.



"Kahit ano." simple kong tugon.



"Cali, ano nga?" tanong niya uli.


"Lucas, kahit ano nga." sagot ko pa.


"Tsk," high blood agad.



"Order na tayo." Malamig na pag-aya ni Lucas sa tatlo at natahimik kami sa kinilos nito.



"Hala, anyari?" pabulong na tanong ni Ryker sa 'kin.



"Ewan ko, pa-iba-iba mood ng tropa niyo." hindi ko na hinaba ang sagot ko at sinundan ko na siya sa counter.




Umorder siya ng coffee at pancake. May itatanong sana ako sa kanya pero nauna na siyang umupo at iniwan kami sa counter.


Literal na lumaki ang mata ko at napa-kibit balikat na lamang ang tatlo.



End of Semester Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon