22

5 0 0
                                    





"Chat ko nga si Ate Mariel, gusto kong makilala yung babae sa myday ng idol ko."



Tulala akong napahawak sa ilong. Pilit kong kinakalma ang sarili ko at hindi sumasabay sa tumatakbo sa isipan ko.



"Look oh! May tusok-tusok." turo ni Roxie sa nagtitinda ng tusok-tusok na dumaan sa tapat. "Bili tayo?"



"Tangina, nagtitipid na ba tayo o fake news uli?" tanong ni Lexi habang binibilang ang laman na pera sa wallet.


"Next school year na lang mag tipid. Kuya, sandali po!" tumakbo si Thea at tinawag ang nagtitinda.


"Cali, Sabrina. Tara."



Tinignan ko si Sabrina na tumango at tumayo habang kinuha ang wallet sa bulsa.


Tumayo rin ako at kinuha ang pera sa likuran ng cellphone. Sinuot ko ang tsinelas at ginamit ang aking kamay panangga sa araw.



"Nagkita kita tayo para mag enjoy, not to be stress sa mga boys." pagsalin ng sauce ni Thursday sa baso.


"Nagsalita yung iniyakan ang crush." basag ni Karina kay Thursday.


"Yuck! Seriously, iniyakan mo si Chael?" nanlalaking mata na reaksyon ni Sabrina. "Same, iniyakan ko rin yung mga idol ko." bumaba ang boses niya at tumawa na dahilan para mahawaan kami.


"Kuya, tig-ten pesos po na kikiam and fish ball then 20 pesos po na kwek-kwek." pagbili ko. "Buko na rin po."  tingin ko sa tinda nilang buko juice.


"So, sino nga yung boyfriend ni Cali?" pag-open up ni Sabrina sa naabutan niyang usapan namin kanina nang kausap niya ang mama niya.


"Boyfriend? Wala naman ako non." pagsisinunggaling ko.


"Weh? Ikaw nga yung tinuro ni Karina."


"Loh." inusog niya ang mukha at binaba ang stick sa baso na punong puno ng kwek-kwek.


"Wala naman siyang tinuro." sabat ni Angela at sumiksik sa tabi ko.


"True, sadyang mahina lang pumick up si Karina sa chismis." pagsalo rin ni Thea.


"Dami niyo kasing chismis, hindi na natin alam kung sino-sino tinutukoy natin." inabot ko ang binili ko at namili ng sawsawan. "Init." binaba ko muna sa tabi ang baso at binuksan ang lalagyan ng suka na punong puno ng sibuyas at sili.



"Kuya ako nga rin buko." nag-abot ng bayad si Thursday at sumubo ang fish ball.



"Imot niyo naman, porket umalis lang ako, eh.  Hindi ko na alam agad yung chismis." pagtatampo nito.



"Eh, sa wala namang chismis." Si Roxie.


"Pa-hingi nga." sumingkit ang mga mata ni Thursday ng unang uminom sa buko niya si Lexi.


Humaba naman ang nguso ni Sabrina. Hindi niya na alam kung sino ang kakausapin para malaman ang chismis na hindi niya naabutan.


"Cali, tell me. Sino?" kumapit siya sa 'kin.



"Sabrina. Even me, I don't know kung sino, hindi ko nga alam kung anong tinutukoy ni Karina." dahilan ko at tinignan ko siya ng mapunta ang mga tingin ni Sabrina sa cellphone.



"No thanks na nga lang, nag reply naman na si Ate Mariel." tinapon niya ang baso na pinaglagyan ng tusok-tusok at lumayo.


"Sino raw yung girl?" tanong ko.



End of Semester Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon