26

1 0 0
                                    





Hindi ko magawang makausap si Sabrina. She didn't even answer my calls and she just seen all the messages I sent on her socials.

I can't blame her.  I was scared that's why I didn't reveal my real status with Lucas which is his long time crush and as her best friend, I kept it and didn't tell her about it.

Umaga palang, sinubukan ko siyang puntahan sa kanila. Pero, wala. Mukhang wala siyang planong lumabas para kitain ako.


"Cali, wala siya dito. May practice raw." unang dahilan ni Tita. 

"Balik po ako mamaya." 

Bumagsak ang ngiti ko sa labi. 

"Ay, Cali. Tulog, pagod daw sa practice." 
Salubong ng mama niya pagdating ko sa tapat ng kanilang gate. 

"Paabot na lang po tayo sa kanya." pinasok ko ang isang nakatuping papel sa supot at inabot kay Tita. 

Pinasok ko sa loob ng bulsa ang basa kong palad saka naglakad patalikod habang umangat ang paningin ko hanggang sa kwarto ni Sabrina. Naabutan kong bukas ang ilaw na agad pinatay. Tumango ako at pagod na nagpakawala ng malalim na hininga bago tumawag ng tricyle. 

Kasalanan ko naman, kaya dapat lang na gawin ko 'to sa kanya. I was supposed to be her bestie, someone she could trust, but I crashed it. 


Sumakay ako sa loob ng tricyle habang pinapakinggan ang ingay ng mga motor at kotse na nakikipag unahan sa kalsada. Paglingon ko sa labas, mga magkakaibigan na masayang magkasama ang mga naabutan kong naglalakad at tumatambay sa bawat kalye na madadaanan ng tricyle na aking sinasakyan. 

Hindi ko maitago ang lungkot sa tiwalang sinayang ko. 

"Cali, tulog pa siya." 

"Cali, umalis ng maaga." 

"Cali, hindi pa siya nakakauwi." 


Ilang lang yan sa mga dahilan ni Tita para itago ang anak na ayaw lumabas para kausapin ako. Alam ko namang nandyan lang siya, ayaw lang akong makita para mapag-usapan at maayos kung anong dapat maayos saka dapat niyang maintindihan.


"Pagod ka na, oh, hindi na nga kita nakikilala dahil lagi ka ng walang time sa 'kin." kinusot ko ang aking mata ng marinig ang nagtatampong boses ni Lucas na kasalukuyang nakapulupot ang kanyang mga bisig sa 'king katawan. 


"Sorry, bebe. Hindi ko kasi pwedeng balewalain yung sa 'min ni Sabrina." paos na boses kong sagot habang pinatong ang palad ko sa kanyang mukha. 


"Kalmahin muna natin siguro yung mga nangyari. Palamigin niyo muna ang isa't isa at hayaan niyong maging ready kayo parehas para madali niyo tong maayos." mahina at mabagal niyang paki-usap nang hindi nag-iinit ulo ko. 


Lately, nadadamay na siya at hindi ko matansya ang sarili ko. 

I clear my throat.

"Yah, you're right." sinarado ko ang binder. "Hintayin ko na lang siguro na makitang ready siya bago ako gumawa ng way na maka-usap siya." sabi kosa kanya, pati na rin sa sarili ko. 


"She's not mad."

Tinitigan ko siya. "Sinabi niya sa'yo?" 

He laughed and gave me a kiss on the cheek.

"Sabrina, loves you. Kaya hindi malabong hindi siya galit sa'yo, sadyang tampo lang kasi tinago mo nga sa kanya yung sa 'tin." mainggat niyang paliwanag. 

End of Semester Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon