16

6 1 0
                                    







Gabi na ng umuwi ako. Dumaan pa kasi ako sa lechonan. Humingi ng tulong sila Mama kung pwede raw ba akong tumao muna ng saglit, maraming hindi pumasok na tauhan at marami pang ginagawa ang iba sa kanila.



Hinatid ako ni Lucas papunta ng lechonan, hindi na nga sana ako magpapahatid pero sabi niya gusto niya pa raw ako makasama ng matagal kaya pumayag na ako.



Sa tricycle nga, hindi niya maiwasang ang sarili niya sa pagiging clingy. Naiilang nga ako kay manong driver sa kalandian ng kasama ko pero pagbaba namin, natuwa kami sa sinabi niya.



"Nakaka-kilig kayong dalawa, sana magtagal pa kayo at ipagpatuloy niyo 'yan kahit ano pang sabihin ng mga tao sa relasyon niyo. Love wins."


Lumakas ang loob namin ni Lucas sa mga salitang binitawan sa 'min ng driver ng tricycle na aming pinagsakyan. Nawala ang mga takot ko, ito ang unang relasyon ko kung matutuloy na magiging legal sa lahat yung wala ng tago-tago.




Alam lang ng pamilya kong bakla ako, pero wala silang alam sa mga landi ko sa internet at wala rin silang alam sa dalawang internet boyfriend ko na wala ring magandang nangyari.



Hinubad ko ang itim na sapatos at nilagay sa maruming damit ang medyas pati na ang vest ko.



Ininit ko muna sa kawali ang pinabili ni Papa sa 'kin sa lutong ulam na resto sa tapat ng lechonan. Binuhos ko naman ang suka na sawsawan sa mangkok at kanina pa ako natatakam sa BBQ na binili ko kung saan bumili ng ulam.




Mag-isa ko pa lang sa bahay, susunod na lang daw kasi sila Mama at may dinaanan pa sila para personal na mag deliver.



"Sila Tita, wala pa?" Nag-apply ako ng pimple easer sa ilang pimple sa noo at binalik ang tingin sa bukas kong laptop kung saan ka-video call ko si Lucas.



"Kanina pa sila naka-uwi." sinuli ko sa pimple easer sa mga lalagyanan ng pang skin care ko. "Kamusta research niyo?" patalon akong dumapa sa kama.




"Busy para sa defense, natatakot kami kay Sir Fidel." sinandal niya ang batok sa kanyang palad.



"Siya nga pala teacher niyo sa PR 2." teacher naman namin siya sa Oral Com. "Siya nga sumira ng card ko no'ng first quarter, nakakatakot siyang maging teacher sa practical research 1 sa second sem." May bali-balita pang siya raw hahawak ng PR1 namin sa second sem.



"Binanggit niya sa 'min, ire-request niya raw na siya hahawak ng practical research ng grade 11 sa second sem." humaba ang nguso ko sa kwento niya. "Sinasabi ko na sa'yo, kung sira ang grade mo sa kanya sa oral com, mas sira grade mo sa practical research."


Natakot na ako lalo. Imbes na excited ako sa kaganapan ng research, 'wag na lang pala.


"Favorite naman kayo ni Sir." sabi ko.


"Favorite nga, sa sobrang favorite, ang baba ng grade na binigay." dinaan na lang niya sa tawa ang inis sa grade na natanggap niya sa subject na hawak ni Sir Fidel sa kanila.



"At least, favorite." sulsol ko pa. "No jokes, taas pa rin ng grade mo sa kanya. Still, Ikaw pa rin ang may pinaka-mataas na average sa strand niyo pati na sa batch niyo." kita ko ang total ranking, siya pa rin ang nasa unahan.


"Mabuti na lang mataas grades ko sa ibang subject, kahit papaano nahila nila yung grade ko sa PR 2 na 'yan." anito.


"Sinisipag na nga ako mag-aral nang dahil sa'yo, nakakahiya kasing maging bobo lalo na crush na crush mo ako." umarte pa akong medyo proud, pero ang reaction niya, tawang-tawa.



End of Semester Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon