EPILOGUE

7 0 0
                                    






Days passed after we ended our relationship. I'm aware that Lucas had made efforts to win me back; I'm not stupid to not have seen every effort he had made. 



"Corny." I always answer every day. But the truth is, I like and I appreciate it.



Binaba ko ang letter na galing sa kanya. A cringe pick up lines, but he made me smile. Inipit ko sa pagitan ng aking daliri ang sunflower at inamoy ito. Lanta na ang bulaklak at kahit hindi ito ang paborito ko, bigla ko na lang nagustuhan. . . Basta galing sa kanya, lahat nang ibibigay niya magugustuhan ko.



Ewan ko ba kung bakit hanggang ngayon pilit kong sinisiksik sa aking sarili na tapos na, wala na kaming pag-asa pero ito ako ngayon; kinikilig sa maliliit na ginagawa niya para sa 'kin.


Hanggang kailan ba ako magiging tanga at takot sabihin ang totoo; siya pa rin, siya pa rin ang gusto ko. Hirap na hirap akong lapitan siya kahit ang totoo, parehas lang kaming nag hihintayan.



Nilukot ko ang balat ng candy, na ang dahilan ko ay tumaas ang sugar level kaya hindi ko makakain, pero nagawa ko pa rin iuwi nang hindi nila namamalayan.



Hindi mawala ang ngiti sa aking labi sa tuwing naalala kung paano ko naitago ang mga ito. Inakala kasi nilang tinago ko lang ang box ng candies sa ilalim ng desk pero no'ng lumabas sila para habulin ang teacher namin sa EAPP. Pinasok ko sa loob ng bag, nang hindi nila mahalata na gusto kong iuwi.



Tinaas ko ang aking paa sa sofa at tumingala sa kisame. Iniisip ko na kung ano pa kaya yung susunod nilang plano, yung tipong hindi na ako aarte na ayaw ko kahit ang totoo, gustong gusto ko talaga.



Tawang tawa na lang ako sa mga reaksyon nila sa tuwing may mga side comments ako na dahilan para masira ang mga plano nila.



Hindi rin naman ako tanga para hindi maramdaman na kasabwat sila ni Lucas sa bawat plano nila sa pang araw-araw.



Last week na nga namin ngayon, bali clearance na nga lang ginagawa namin pero todo isip pa rin sila para lang bumalik na kami ni Lucas.


To be honest, ready naman ako, mahal ko pa naman siya. I just enjoy testing him to see how much he can still do to make me his again.



"Dala mo yan sa faculty, order nila." tinignan ko ang tatlong paper bag na binaba ni Mama sa lamesa sa salas.


"Ma? Hindi naman siguro iisipin ng mga ka-batch mate ko na sinuluhan ko ng lechon ang mga teachers ko kaya ako naging with honors." saad ko habang binubuhol ang sintas ng sapatos.

"May resibo naman, sila naman bumili nito." sinuksok niya na ang resibo sa loob ng paper bag.


"Nakakasira naman sa aesthetic kong damit, pagbubuhatin niyo pa ako ng tatlo, ang bigat-bigat pa." low-key reklamo.



Suminghap si Mama at inayos ang kwelyo sa suot kong polo.


"H'wag ka na maarte, double naman ang allowance mo this week e." ngumuso ako nang parang kinokonsenya niya ako sa baon na bigay niya.


"Ikaw naman po nag doble ng baon ko, e, proud na proud nga po kayo." ginalaw ko pa ang dalawa kong kilay.


"Kaya nga, kaya nga dalhin mo na yang lechon nang hindi na masira ang ootd mo na yan." hinawi niya ang buhok sa bandang tenga at binuksan ang mga bintana sa salas.


Kumamot na lang ako sa ulo nang wala rin akong magagawa kundi dalhin lahat ng ito sa faculty.


"Daming dala! Para sa 'min ba yan?" makapal na mukhang tanong ni Ara nang magkasabay kami sa gate.


End of Semester Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon