19

3 0 0
                                    





Tinanggal ko ang suot na sapatos. Kagagaling lang namin sa simbahan para sa huling araw ng simbang gabi. Matapos ang two years of lockdown; Bumalik na ang traditional na ginagawa naming pamilya na kumpletuhin ang siyam na madaling araw para sa simbang gabi.


Sinuli ko sa lalagyanan ang sapatos at pumasok sa kusina. Kinuha ko ang bibingka at puto bungbong na binili sa labas ng simbahan.


Mag-isa lang ako sa bahay ngayon at naunang umuwi dahil sila Mama at Papa ay diretso palengke para mamili ng mga ihahanda.



"Good morning! Aga mo, ah." bungad ko ng sagutin ang tawag ni Lucas. Sinara ko ang ref nang isuli ang gatas.


"Good morning, babe." inaantok niyang bati. "Kagagaling ko lang din sa simbang gabi, sayang nga at ngayon lang ako nag simba kung kailan last day. Sayang, hindi ko nabuo." bakas sa tono ng boses niya ang paghihinayang.




Nabanggit niya pa naman na traditional din nilang pamilya ang buoin ang simbang gabi pero ngayong taon ay pare-parehas silang busy at wala ng oras para bumangon ng maaga.



"At least naka-punta kayo." sagot ko. "Bumalik ka uli sa kama mo?" dinig ko ang paggulong niya sa higaan.


"Inaantok pa kasi ako. Hirap ngang magpigil ng antok habang nakikinig sa sermon ng pari." hikab niyang sagot.


"Christmas break, ah. Wala pa ngang second sem pero yung pagod mo, parang busy ka pa rin sa school."


"Hindi mawawala yun. SSG President ba naman ako. Kakatapos lang namin mag repack ng mga ibibigay sa mga pamilya na handa sa noche buena."



"Kamusta pala yung charity? kasama ka ba sa mga bibigay sa mga pamilya?"


"Hindi na ako sumama, kailangan din ako sa bahay." paghikab niya muli.

"Pagod na pagod naman pala ang bebe ko, parang deserve niya akong makita bukas." paglalambing ko pero wala na akong narinig na respond mula sa kanya. "Ayun na nga, tinulungan na ako." tinawag ko pa siya, pero wala. Tulog na talaga.



Binaba ko na ang tawag. Marami siyang ginagawa as SSG President, kaya hinayaan ko munang matulog siya habang ako naman ay tinapos na ang kinakaing bibingka at puto bungbong para magpahinga muna ng saglit sa kwarto bago magluto ng mga handa sa pasko.


Bandang hapon ng utusan ako ni Mama na iluto na ang sauce ng spaghetti. Nag request kasi ang kambal na gusto nila kumain ng spaghetti.


Pinakuluan na rin namin ang pasta para sunod na iluto ang mga ulam na ihahanda mamayang gabi.


"Aalis ba tayo ng bahay bukas?" tanong ni Mama habang inaayos ang mga pagkain na ilalagay sa ref. "Gusto kong taguan ang mga inaanak natin. Malaki na sila, e, pupunta pa para mamasko."


Tumawa naman ako saka naglagay ng macaroni salad sa mangkok para kainin habang hinihintay na maluto ang sauce.


"Hindi naman pwede na pumunta tayo kila Nanay, malayo na sila." tukoy ni Papa sa kanyang mga magulang.


"Nasa Singapore sila Mommy, nag da-date raw sila." sabi naman ni Mama tungkol kila Grandma and Grandpa.


"Sine po tayo." suggestion ko.

"Maraming tao bukas." sagot nila.


"Syempre po pasko." sarcastic kong sagot.


"Ayain mo na lang mga kaibigan mo, para naman maubos natin tong mga iluluto at para makipag kwentuhan sa kanila." tumingin ako sa aking macaroni salad at inisip ang request ni Mama.


End of Semester Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon