24

2 0 0
                                    





"Aga natin." salubong ni Fatima pero 'di ko siya pinansin. "Sungit mo, angyari?" sinundan niya ako sa loob ng counter pero tinago ko ang aking mukha sa likod ng palad ko.



Tinanggal niya ang isang monoblack sa mga upuan na magkakapatong at dinala iyon sa harapan ko.



"Talo ba yung laro team ng school niyo?" Pagtatak niya.  "Affected? Hindi ka naman player, ah." biro nito pero sinuklian ko lang siya ng irap.


Imbes na makipag usap sa kanya, kinalikot ko na lang mga papel dito sa counter at nagsulat kung anong masusulat ko.



"Gagong bata 'to. Dami-daming puno ang pinutol para sa mga papel na 'to tapos paglalaruan mo lang." sinundan ko siya ng tingin matapos ako sermunan na para bang nanay.


"Papalitan ko na lang." hinila ko pabalik ang papel pero nagmatigas siya.


"Paano? Magtatanim ka?"


"Alangan naman diligan ko yung putol na puno tapos tutubo uli?" sarcastic kong sagot.


"Wow! Amazing!" she reacts.


"I know right." kumuha ako ng tyempo para bawiin ang papel at lumayo ng kaunti para ituloy ang bored na ginagawa ko.


Siniksik nito ang sarili sa inuupuan ko at halos idikit na niya ang kanyang mukha sa sobrang dikit.


"Ikaw na? Parang gusto mong i-try." abot ko sa ballpen.



"High blood ka masyado." kinuha naman niya ang ballpen. "Ano nga ang problema kaya galit na galit kang pumunta dito?"


"Gago!" pinitik ko ang noo niya nang makitang Tite ang i-drawing nito.


"Uy, bunny yan." ganti niya.


Inagaw ko na ang ballpen at nilayo kasama ng papel.


"Bastos ka kasi." sabi ko pa.


"At least hindi selosa."


Kumunot ang noo ko.



"Selos? Who?" pag-arte ko.

Nag stapler siya ng mga resibo sa folder at sinuli sa lalagyan ang calculator.

"Selosa ka kaya. Manang mana ka sa Andres Family." sabi nito sa pamilya namin.


"Wow, akala mo 'di Andres para sabihing 'di selosa." mapait kong nilaro ang singsing sa daliri ko.


"Of course, mana ako sa mother side." paliwanag niya pero inirapan ko lang siya ng mata.

Hindi na ako nakipag talo at hinubad ko ang id na aking suot.


"Kwento mo na yung nangyari." pagtulak niya sa binti ko.


"Ah, gusto mong malaman?" binaba ko ang cellphone at tinignan siyang naka-ngiti. "Ganito kasi yun. . . 'Di ba nga kanina noong nanonood kami, nakita namin si ano ay tapos oo, ganon nga."



Huminto ako sa pagsasalita ng makita ang paglukot ng kanyang mukha dahil hindi niya maintindihan kung ano ang sinasabi ko.

"Huh? Ulit."


"'Di naman kasi nakikinig."



"Gago ka ba? Puro ano ka tapos hina-hina pa ng boses mo, ano na lang naintindihan ko." reklamo nito.


End of Semester Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon