25

1 0 0
                                    





"Sino teacher niyo?" bumukas ang bintana at pinasok ni Sir Fidel ang ulo para sumilip sa loob. "Paayos nga yung bulletin, para tayo ang manalo at may pang meryenda tayo." tuluyan na siyang pumasok sa tulong bintana.


"Oh, Jasper. Ayusin mo na kasi." tulak nila Kay Jasper na ngayon ay ang bagong president ng block.

"Wala ba si Ma'am Nikki?" pagtataka niya saka pumunta sa likuran.

"Nag chat si Ma'am, wala raw siya." pagbasa ko sa message ni Ma'am Nikki sa 'kin.

"Ayusin niyo na, para ma-inggit ang mga ABM." sabi ng adviser namin habang kasalukuyang pinagmamasdan ang pina-gandang bulletin ng taga-ABM Block 1. "Bonjing ng bulletin nila." comment nito habang pabirong aalisin ang isang picture na naka-dikit.

"Mayaman nga sila, Sir. Naka-ilang palit na sila." sabi ni Lexi na nilabas ang mga pina-print ni sir na ididikit.

"Pogi nito, Sir,  oh." tumayo si Maki para ituro ang adviser ng ABM na ikinasama ng tingin ng adviser namin.

"Pogi rin ako." nag pogi pose pa siya para dahilan mag-ingay na naman ng tawa ang section namin.

"Pero sir, talo pa rin bulletin natin." Ara said while pointing the picture of my boyfriend. "Si Kuya Lucas kasi may plano ng lahat ng to." pabebe niyang sambit.

Nilapit naman ni sir ang mukha niya sa picture ni Lucas at pinunta ang tingin sa 'min na para bang may hinahanap.

"Mister Andres, kamusta kayo ni Lucas? Paki-sabi naman sa boyfriend mo, 'wag nila galingan at panalunin tayo."

Naibuga ko ang iniinom kong coke sa biglang pag announce ni Sir Fidel ukol sa tinatago naming relasyon ni Lucas.

Nanahimik pa ang mga kaklase ko na hindi inasahan ang kanilang nalaman. Yung mga tingin nila, para akong may ginawa na labag sa batas ng Pilipinas.

"Boyfriend ka ni Lucas?" Pagsira ni Ara sa tumatagal na katahimikan. "Paano nangyari?" pagtataka niya habang hindi maipinta ang mukha.

"Ano naman kung sila ni Lucas? May problema ba?" Mataray na tanong ni Lexi sa kaibigan namin.


"Gulat na gulat, Ara? Hindi mo ba alam na mag boyfriend sila?" Tanong pa ni sir para dumagdag sa nalaman niya.

Tumingin siya sa gawi ko bago binalik ang kaninang ngiti sa labi at pinulot ang papel na kanina ay ginugupit nito.


"Of course alam ko, bff kaya nila ako. Umarte lang ako para kunwari main character, gano'n." bumalik ang matinis niyang boses at tumawa para mahawa ang mga kaklase ko sa pagtawa.

Huminga ako ng malalim at kumuha ng tissue pang punas sa coke na naibuga ko sa desk.

"Sir, pa-check ko nga pala tong RRL namin." lumapit si Maris kay Sir.

"Sir, yung RRS nga namin. Hirap na hirap na kami ni Cali na mag revise." sumali na rin ang leader ng group namin.

"Pwedeng unahin muna natin tong bulletin? Mamaya pa naman ng class natin, doon ko na ich-check." aniya.

"Si Sir naman, ay."


"H'wag na mag reklamo, may prize ang bulletin kapag tayo nanalo." nilabas niya ang plano niya sa bulletin na nasa cellphone niya. "Cali, hali ka nga dito. Explain mo 'to."


Tumango ako at nilagay muna sa tabi ng desk ang basang tissue at sumama na sa paggawa ng bulletin.


"Gusto kong palitan 'to, hindi ako makahanap ng aesthetic na picture na ididikit dyan." turo ni Sir sa isang button sa Spotify na siyang theme ng bulletin.


End of Semester Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon