30

3 0 0
                                    



LUCAS




"Kailan mo sasabihin kay Cali na ako ang dahilan kung bakit mo siya ginusto?" paghila ni Sabrina sa tabi.



Kusa niyang tinanggal ang kamay niyang nakahawak sa 'kin nang ibaba ko ang aking paningin.


"Lucas, marami na akong nagawang hindi deserve ni Cali kaya nandito ako ngayon para pakiusap ka. Sana maging honest ka sa kanya, he deserves to know the truth."


Nalukot ang noo ko sa sinabi niya.



"Truth? What's the truth?" I asked her. "Kailan naging hindi tama yung pag mamahal ko sa kanya?" tumawa ako ng peke habang nalaglag ang aking panga.


"Tama? Saan?" kwestyon nito.


"Wait, are we close? Sino ka to tell me that what I'm doing was wrong?" the tone of my voice raised.



Hinampas niya ang kanyang braso at tumingala. Bumuntong hininga pa si Sabrina habang hinilamusan ang mukha.



"You are his first boyfriend and if you have a plan to ruin it. . ." she sighed. "I warning you." she added.


Napa-bunga ako ng hangin at tumawa ng malakas na para bang baliw.


"Hindi mo sinasagot ang mga tanong ko. Kanino ba galing ang mga impormasyon na yan at pilit akong umamin sa mga bagay na puro sabi lang naman?" tanong ko nang maging seryoso na ang tingin ko sa kanya.


Hindi ako makapaniwala na darating ang oras na tatanungin ang totoo kong nararamdaman sa taong sigurado akong minahal ko ng tama.



"Minahal kita, totoo yun pero yung minahal ko si Cali nang dahil sa'yo? How come?" pumamewang ako saka lumingon sa paligid. "Nang dumating si Cali sa buhay ko, you don't have any space in my life. Kaya paano mo nasabi na ginagamit o nakikita kita kay Cali?"


Nalaglag ang panga niya sa mga salitang binitawan ko sa kanya. Sadya yun, pasensya kung na-offend siya pero kailangan niyang malaman kung ano ang totoo sa mali.



"Dumating si Cali na kinalimutan mo ako?" pag-ulit na pagtataka niyang tanong.


"Hindi ba dapat?"

"So, inaamin mong minahal mo ako?"


"Yes, I admit it." matapang kong sagot. "Matagal na yun, si Cali na ang pinipili ko,"





Ayaw kong isipin ni Cali na pinili ko siya dahil nakikita ko sa kanya si Sabrina. Bago pa siya pumasok sa mundo ko, tinapos ko muna kung ano man ang nararamdaman ko kay Sabrina dahil ayaw kong masapawan ang nabubuo kong pag-asa sa kanya.

End of Semester Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon