27

2 0 0
                                    



LUCAS



"Pogi ng Lucas namin."


Papasok ko pa lang ng room, bantay sarado na agad ako sa mga panunukso ng mga kaklase ko sa 'kin. Noong una, nagtataka pa ako not until I saw a paper sa desk ko.
Hindi ko pa nabubuksan pero kilala ko na kung kanino 'to galing.



"Sagutin mo na kasi, partida yung babae na nanliligaw sa'yo." akbay ni Ryker sa 'kin.


"Sobrang nonchalant mo kasi." Mariel said.


"He's not, sadyang pakipot lang kaya tignan mo sa ating apat siya lang tong walang kasama bebe kapag gagala tayo."
kukunin niya sana ni Ryker yung papel pero agad ko yun inagaw sa kanya. "Babasahin ko."


"Sa'yo ba 'to?" hindi siya umimik. "Akin 'di ba? Nangingialam." Pagsusungit ko.


"Lucas, birthday mo. Chill lang tayo." pagpapakalma ni Nicole. "Sweet ng admirer mo, lakas maka-highschool vibes sa pasulat." pang-asar pa.


"Kulang na lang flowers ibigay."

Binasa ko ang unang naka-sulat nang hindi nagbibigay emosyon na magagamit ng mga baliw kong kaibigan para asarin ako.


Hi Kuya Lucas! Happy birthday! Pasensya ka na, wala kasi akong lakas ng loob para batiin ka ng personal kasi nahihiya na ako sa mga kaibigan mo, lalo na sa'yo. Paki-ramdam ko nga naiinis ka na sa 'kin dahil sa tuwing dadaan ka o dadaan kami sa inyo lagi akong tinutulak ng mga kaibigan ko. . . Baliw kasi sila ay. . .



"Lucas basahin mo na."

Tinupi ko pabalik ang sulat at binalik sa desk na para bang walang nangyari.

"Hindi na." pag-arte ko.

"Dali na, curious ako sa sulat." pagpumilit ni Mariel.

"Curious? Ka?"

"Hindi ba obvious?" turo niya sa mukha.


"Para kanino nga uli to?" inangat ko sa ere ang sulat.

"Sa'yo." sagot nito. "Ano ka ba."

"Sinong may birthday?"

"Ikaw, syempre. Ano ba yan." hinawi niya pa ang kanyang bangs.


"Sino ang magbabasa nito?"

"Of course, ikaw."


"So, wala kang karapatan na magdesisyon kung babasahin ko ang sulat ngayon o hindi." malamig kong tugon at binigyan siya ng pekeng ngiti.

End of Semester Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon