07

5 0 0
                                    


"Pasensya na sa mga kaibigan ko. Sadyang, nasobrahan sila sa untog kaya pinahuli tayo at pinakulong sa jail booth." nilagyan ni Lucas ng cold compress ang kamay kong pulang pula sa tagal ng pagka-posas.

"Gets ko, iba nga trip ng mga kaibigan mo." tumawa ako sabay napa-tingin sa kamay niyang namumula rin. "Inuna mo na sanang lagyan ng cold compress yang kamay mo, bago yung akin." sabi ko.

"Hindi naman pulang pula yung akin, unlike yung sa'yo... sa sobrang pula, pwede ko ng isiping kamatis 'yan." biro niya sa 'kin.

Pinanood ko lang siya. Seryosong seryoso ang kanyang mukha, hindi ko maiwasan na masibahan siyang gwapo, ibang iba talaga ang karisma niya sa iba pang lalaki. 

Even me, ibang iba siya. Ibang iba rin siya sa mga lalaking nilandi ko na. Malakas ang appeal niya, appeal na gusto ko pero 'di muna pwedeng angkinin.

Maliban sa gusto siya ni Sabrina. Lalaki siya, parehas kaming lalaki at malakas din ang pakiramdam kong. Babae ang gusto niya. . . babae ang gusto niyang mahalin.

"How's your Lolo at Lola?" random niyang tanong. "I heard from my mama, lumipat daw sila ng bahay?" hindi siya sigurado sa tanong.

"Uhm, oo. Lumipat na sila malapit sa bahay ng auntie ko, bunsong kapatid ni Papa." kinagat ko ang labi ko. "Isa rin yun sa rason bakit ako bumalik dito, matagal na kasi nilang plano na doon na lang tumira ang magulang nila para mabantayan nila auntie." paliwanag ko.

"Do you miss them?"

I looked at him.

"Always." my voice cracks. "I'm planning to visit them. However, I'm busy here and my parents either." I told him.

Hindi ko rin alam kung kailan pa ako makaka-bisita sa kanila, dahil miss na miss ko na sa piling nilang dalawa. Gusto ko naman sa piling ng mga magulang ko, pero iba kasi yung pakiramdam na ang lolo't Lola ang nag-alaga sa'yo. Iba ang pakiramdam.

"Your kuya's? I know sasamahan ka ng mga 'yon." tumawa lang ako na ikina-kunot ng kanyang noo. "Why are laughing?"

"Busy din ang mga 'yon. Hindi naman sila close kila Lolo at Lola e, mas close sila sa grandparents ko sa mother side." halos 'di nga sumama ang kambal kong kapatid kapag dadalaw sila sa 'kin sa bahay nila Lolo.

Sa tuwing hinahanap sila ng dalawang matanda, sagot lang nila Mama : Inaya sila ng mga magulang nito at na-miss na raw.

"Yung relasyon mo sa grandparents mo sa mother side? Kamusta?" doon tumigil ang aking pagtawa.

"Good... I think?" Ipit kong boses.

"Cali?" Sa pagtawag niya sa pangalan ko, para bang alam na alam niyang hindi ako nagsasabi ng totoo.

"Oo na, aamin na." Tinaas ko pa sa ere ang dalawa kong palad. "Hindi maayos, pero sumasama naman ako kapag dadalaw sila Mama doon." pag-amin ko.

Pinapansin naman nila ako, ina-asikaso. Hindi nga lang katulad sa pag-asikaso sa dalawa kong Kuya. Paano ba naman, sila lang ang kambal sa pamilya, kayang tuwang tuwa ang dalawang matanda dahil pangarap nila dating magkaroon ng kambal na anak. Kaya nang malaman nilang kambal ang unang magiging anak nila Mama at Papa, Todo alaga sila dito. Hindi lang sila basta unang kambal na apo, unang apo pa nila.

"Never kang na-inggit?"

"Me? No." I rolled my eyes. "Unfair ko naman kung mag reklamo ako. Fair na fair nga kung tutuosin. Masikaso ang Lolo at Lola namin sa father side sa akin, at sa kanila naman ang magulang ni Mama."

End of Semester Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon