03

13 0 0
                                    









L MENTIONED YOU IN THEIR STORY.



I have viewed the photo many times that Lucas posted in his Instagram story. That's a photo taken when we were at the department store buying some stuff, where Ryker saw us. 



L

3 posts | 938 followers | 12 Following

Lucas Solomon
🌱



He's a private person. Naka-private ang account niya pati sa facebook. Mabuti nga inaccept ako, kahit aksidente lang.



Kaunti lang ang following niya, halos mga kaibigan niyang nakikita ko rin sa school... at lahat sila ay finallow ako after na-view ang ig story ni Lucas.



Medyo nakaramdam ako ng hiya, pero natuwa na rin ako in the same time kasi dumami na ang followers ko.




Aesthetic pa ng feed niya, nahiya naman ako sa feed ko na walang theme at ang kalat-kalat. Nakakahiya, followers ko na siya tapos ang makikita niya mga sira ulo kong selfies.




Hindi pa rin ako makapaniwala na he mentioned me, may picture na kami sa phone niya at may interaction kami. Kikiligin na dapat ako, pero naalala ko. Crush nga pala siya ni Sabrina na best friend ko.




I'll admire him na lang from a far. Palihim ko na lang siyang gugustuhin para isalba ang friendship namin ni Sabrina.



Hinugot ko ang charger sa drawer ng side table at sinaksak ito para i-charge ang cellphone ko. Inayos ko ang kama saka lumabas ng kwarto.



Wala pa ring pasok ngayon at wala naman akong ganap sa araw na 'to kaya mas piniliin ko na lang na mag stay sa bahay.


"Cali, kain na." nag uunat palang ako ng marinig ko ang boses ni Kuya Kyle.



"Kuya? Umuwi pala kayo?" niyakap ko siya habang ang mata ko ay hinahanap kung nasaan ang kakambal nito.


"Ako lang ang umuwi." hinawakan niya ang ulo ko at ginulo ang aking buhok. "Naiwan siya sa boarding." lumayo siya at tinggal ang naka-kabit na apron sa katawan niya.



"Bakit? Maraming plates or marami silang date ng ka-low-key niya?" hindi napigilan ni Kuya Kyle na matawa sa sinabi ko tungkol sa kakambal nito.



"Gago ka, kapag 'yan narinig niya lagot ka talaga kay Kyde." ngumisi lang ako.




"Lagi niya kayang fline-flex pero hindi pa pala sila." natawa ako ng maalala ko ang convo naming tatlong makakapatid kung saan umiiyak si Kuya Kyde at kine-kwento niya kung paano siya paiyakin ng ka low-key niya.



Kalaki laki niyang tao pero pinapaiyak lang siya ng babaeng wala naman silang label. Hindi ko na-iimagine na magiging gano'n ang kapatid ko sa ka-talking stage lang naman at walang anumang bahid na romantic relationship.



"Hindi mo sure..."


"Anong hindi ko sure?" Awtomatiko akong tumingin sa kanya para malaman kung ano ang ibig niyang iparating.



"Hindi mo sure kung wala pa rin silang label." kumindat pa siya na lalong ikina-laki ng buka ng bibig ko.



"So sila na?" Pasigaw kong tanong.


"O.A ng reaction, Cali." pinigilan ko ang kamay niya na abala sa pag-aayos ng mga plato sa mesa.



"So ano nga? Sila na?" ulit kong tanong.



End of Semester Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon