28

2 0 0
                                    




"Babe," hinubad ko ang suot na earphones ng tumabi si Lucas sa kama. "Pumayag si Tita na mag overnight ka dito." balita niya matapos makausap si mama.


Tumango ako saka sinuot pabalik ang earphones sa tenga ko.


"May problema ba?" pagtataka nito habang hinihimas ang buhok ko.

"Pagod lang ako." dahilan ko. 

"You want ice cream?" umiling ako habang hindi sa kanya ang atensyon ko. "Why not let's do movie marathon? 2000 films--- Mean Girls." He suggested but I sent his a look that I'm not interested in.

"Tinatamad ako. Gusto ko munang magpahinga." pinadulas ako ang katawan ko pababa sa kama at tumagilid sa kanya.

Naramdaman ko ang paggalaw ng kama at namalayan ko na lang na nakayakap na si Lucas sa 'kin.

"Wala naman akong ginawa 'di ba?" nag aalala nitong tanong.

Lumunok ako at nakinig lang ng kanta.

"Babe." inalis niya ang earphones. "May ginawa ba ako? Tell me." He relaxed his chin  on my shoulder.


I paused the music. Umikot ako paharap sa kanya at hinawakan ang kanyang mukha na parang walang iniinda.

"I'm just tired, Lucas. Hayaan mo muna ako kahit saglit lang. Sobrang pagod lang talaga ako." Malambing kong pagpapaliwanag.

Tumango siya habang hinimas ko pataas ang buhok nito.

"Wala kang ginawa, okay. Sadyang ako ang problema." dagdag ko saka inabot ang noo niya para halikan.

"Baba muna ako, babalik ako mamaya." sinuklian niya ako ng halik sa pisngi. "Sabihan mo ako kapag okay ka na, para hindi ako dumagdag sa nararamdaman mo." tumango ako sa kanya bago siya bumangon sa kama.


Sinuot niya ang tsinelas sa ilalalim  at sinundan siya ng tingin hanggang sa magsara ang pinto.


Nagtagal ang tingin ko sa pintuan bago ko binalik ang earphones sa tenga. Hinawakan ko ang aking dibdib at dinama ang bawat salita sa kantang pinapakinggan.

Tinalak ko sa aking isipan na hindi ako magagalit, hindi ako manunugod at hindi ako gagawa ng ikakasira namin.

Past is past. Ako na ang pinili, hindi na dapat ako gumawa pa ng kaisipan na alam kong may nanalo na.

Kung may feelings pa siya kay Sabrina, e 'di okay. Ang mahalaga naman dito, ako ang kasama niya, ako ang pinili niya. Kaya wala nang problema doon.

"Babe, what do you think?" kinunutan ko siya ng noo. "Look at this." kinalabit niya ako at inabot ang picture namin sa laptop nito.

Nilagay niya yung mga picture namin together at ginawa niyang wallpaper sa laptop.

"Nice." tipid kong kumento.

"Hindi ba aesthetic?" pagtataka niya.

"Aesthetic nga." balik kong tingin sa laptop. "Nakakahiya yung wallpaper ko sa laptop, blurred." share ko lang.

"Picture na natin yung wallpaper mo?" hinawakan niya ang pisngi ko.

Ginaya ko siya at hinawakan din ang mukha niya.


"Syempre. . . Mukha ko." sagot ko.

"Loh, hindi ako wallpaper niya." pagtatampo niya.

End of Semester Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon