15

5 0 0
                                    




Lucas Solomon : kumain ka na?

Lucas Solomon : 'wag ka papalipas ng gutom, Cali.

Lucas Solomon : kamusta pala practice niyo kanina? Sasabay sana ako sa'yo umuwi pero naka-uwi na pala kayo.


Hindi ko pa sine-seen ang mga chat ni Lucas. Tanging sa notification ko lang nabasa lahat at hindi ko alam kung paano ko 'yon re-reply-an.



Naninibago ako, para akong bago uli pagdating dito. Sanay naman akong maraming nakalandian pero bakit parang nagmumukha akong first time nang dahil kay Lucas.



Dahil sa paghila at pagsabing hayaan ko siyang iparamdam sa 'kin na tunay ang pagtingin niya sa 'kin. Hindi ko na kilala ang sarili kong bumalik sa mga kaklase ko pati na sa bahay. Mabuti na nga lang at wala si Mama at Papa, kasi hindi ko alam kung paano nila ako makakausap ng matino kung ganito ako.



Hahayaan ko sanang 'wag buksan ang message ni Lucas pero nang makita ko ang pag notif ng chat sa gc agad kong pinindot ang chat pero imbes na ang gc ang mapindot ko, napindot ko pa yung message ni Lucas.


"Oh naur!" Taranta akong pinindot ang back button pero wala na rin akong magagawa kasi na-seen ko na siya. "Tangina, wala na akong takas."


Kaysa 'wag pansinin, pinili ko na lang mag reply para walang masabi si Lucas na hindi ko pinapansin ang chats niya, kahit yun naman ang gagawin ko.



Cali Andres : tapos na ako kumain, sana Ikaw rin.


Cringe pakinggan pero yan lang talaga ang pumasok sa isip kong i-reply.


Patalikod kong nilapag ang cellphone sa tuktok ng libro. Binasa ko ang mga naka-sulat sa notes ko para sana wag pagtuunan ng pansin ang magiging reply ni Lucas pero ito naman ako. Hindi maiwasan tignan ng ilang ulit ang cellphone at nag-aabang sa reply niya.



"Tagal naman." Umungot pa ako sa inis sa tagal ng reply niya. "Oo nga pala, 'di ba, Cali. Wala ka dapat pake-alam." ginamit ko pa ang daliri ko para kausapin ang aking sarili.



"Ano ang pake-alam natin kung late ang reply niya, mahal ka naman niya. Ay, basta 'yon." inikot ko ang swivel chair at patuloy lang nilibang ang aking sarili bago ko ibalik ang atensyon sa pagbabasa ng notes.



Lumipas nga ang five minutes, wala pa rin akong narinig na tunog sa reply ni Lucas kaya binalik ko na sa tapat ng study table ang swivel chair para magbasa na pero agad kong inabot ang cellphone nang marinig ang tunog na galing sa messenger.



Napawi naman ang inis ko nang si Lucas na nga ito.


Lucas Solomon : Slr, kumakain kasi ako.  'Wag kang mag overthink. Ikaw lang kausap ko.


"Pinagsasabi nito?" tanong ko saka nag badyang mag reply. "Okay lang, alam ko naman loyal ka sa 'kin, ay gago." nalaglag ang puso ko ng bigla kong mapindot ang send button kahit hindi naman dapat ito ang ire-reply ko.




Hinilamos ko ang aking mukha at napa-sigaw ng walang tunog sa katangahan kong ginawa.


Bobo, hindi ko sadya 'yon.


Lucas Solomon reacted to your message.


"Tumawa lang." nilapag ko na ang cellphone. "Pangit kausap, ni-last chat pa ako." reklamo ko habang pinag krus ang braso sa aking dibdib.


Lucas Solomon : Wala na akong ibang kausap, tanging kaagaw mo lang sa 'kin ay ang pag-aaral at pagiging abala sa pagiging president ng Alpha.


End of Semester Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon