29

1 0 0
                                    







Nights came. I'm laying on the bed while hugging myself. I listen to the music to keep calm, but my emotions are getting hard and can't hide the pain anymore.




I'm just gaslighting myself and saying that I'm going to be okay. I guess, soon, not now but soon. Because if it's not, I don't know what will happen next. 



I looked at the night sky, and I locked the window to hide the small light from the moon.


There is always a light in the dark, but it is not easy to chase the dark and get the light that will help you to rise. 



I choose to rest; I choose to forget the reason why I look like this. Poor, Cali.  I'm sorry for what happened to you, and I promise I'll make you better soon. 



"11 STEM 1, salamat at paalam."


Malungkot na pumalakpak ang lahat sa naging emosyonal na pamamaalam ng teacher namin sa Filipino this second sem. Nanatili siyang naka-ngiti bago lumabas.



This is the moment that I wish did not end like this. Pamamaalam, the most painful thing that we wish was not going to happen to each and every one of us,



Kailangan tanggapin dahil we don't have a choice. This chapter needs to end in order for us to grow and create new memories with a new chapter in our lives. 



"Ganyan mga mukha niyo? Kita niyo na ba results ng exam niyo sa 21st?" tingin sa 'min ni Ma'am pagpasok.


"Ma'am 'wag niyo na pong ipaalam." base sa boses ni Thursday, tanggap na tanggap na niya kung anong score nito.


"Bakit? Hindi kayo confident? Madali lang naman ang final exam 'di ba?" lumakad siya sa tapat ng aircon at tinaas niya ito.


"Pinag overthink niyo lang kami, ma'am." reklamo ni Hart.


"Ney, pero natapos niyo naman." nilabas niya ang test paper sa clear envelope na naka-patong sa desk.


"Wala po kaming choice na hindi tapusin, ma'am." mahina ngunit piloposo kong bulong.


"May sinasabi ka, Cali?" lumaki ang mata ko. "Madali na nga yung exam ko. Mamamili kayo, exam ni Fidel o exam ko?" pagkumpra niya.


"Same-same lang naman ma'am." sagot ng mga boys sa likuran.



"Same-same, eh. Noong 3rd monthly exam, todo sumbong kayo na mahirap exam ninyo sa PR1." paalala niya sa 'min.



"Si Sir Fidel yun, ma'am, e. Buti na nga wala ng exam sa Practical research." last na yung 3rd monthly.


"Muntik ko nang gamitin yung exam na gawa niya sa 21st." kwento niya. "Tindi nga ng reklamo ng mga HE-ICT block 2 kasi siya yung 21st century lit teacher nila." dagdag niya.



"Hindi nga kami nag-exam sa subject na hawak niya pero pressure naman kami sa final defense sa Friday." sabi ko na sinangayunan ng buong klase.



"Good luck sa defense niyo, isa ako sa panelists." hinatid niya ang hawak na test paper at inabot sa kaharap para i-distribute.



"Ma'am, 'wag mo kaming gisahin, ah. May pinagsamahan din tayo, ma'am." natawa siya sa pahabol na sabi ni Apple.




"Takot na takot kayo, hindi ko naman kayo ginisa no'ng title defense at pre defense ninyo." sagot niya.


"Sabi mo babawi ka."

End of Semester Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon