08

5 0 0
                                    






Lucas Solomon : Free ka bukas?



Ilang segundo ko nang tinititigan ang message ni Lucas sa notification at walang balak na i-open ito.


Ayaw ko man isipin, na ako lang ang may ibang naramdaman kanina habang magkatabi kaming pinapanood at pinapakinggan ang kanta ng paborito naming banda.


Humigpit ang hawak ko sa cellphone at malalim na napa-buntong hininga.


Cali Andres : Nuemeron?



Act normal. I don't like that Lucas will notice the feelings that started to build because of that concert.


Pahamak kasi ang sarili ko. Sabi na ngang bawal e, nahulog pa rin.


Lucas Solomon : Mall lang. Papalamig.


Bakit hindi ka na lang magkulong sa bahay niyo at isagad mo na sa pinaka-malamig na temperature yung aircon nang mapalamig ka.


Binura ko ng apat na beses ang dapat kong reply. Hindi ko pa rin alam kung ano ang isasagot ko dito.


Cali Andres : Kita na lang tayo bukas.


Lintek. Hindi dapat ako pupunta pero pala-desisyon ang daliri ko sa kamay at pumayag na sumama.


Pinatay ko na ang wifi sa cellphone at kinumot ang kalahati ng aking katawan at bigla na lang napa-ngiti na parang baliw. Sumigaw pa ako at gumulong sa kama na muntik akong mahulog sa sobrang galawgaw ko.



Hindi na talaga ako normal. Iba na ang epekto ng pag-ibig na 'to sa 'kin. Hindi na ako 'to.


Lamig na lamig akong lumabas ng banyo habang naka-pulot sa bewang ang puting tuwalya. Tinggal ko sa hanger ang stripe na polo shirt at inalis ang tuwalya.


Tinignan ko ang reflection ko sa salamin habang suot ang pang itaas na damit at itim na boxer short. Hindi ko maiwasang mapasayaw sa tuwa, imbes na mainis sa aga kong nagising ngayong araw ng sabado.



"Tangina." mura ko saka sunod na inalis sa hanger ang khaki trouser pants.


Tinuck in din ang polo shirt at sinuot ang sintron na bumagay sa pants. Naka-ilang check pa ako ng suot sa salamin para malaman kunh bagay lang ba sa 'kin ang damit na napili kong suotin.



Binuksan ko pa ang aparador para kunin ang cap. Naisipan kong magsuot para kapag may makakita man sa 'min, hindi nila ako agad makilala.



Pinaparamdam ko rin ang ingay sa labas ng kwarto upang malaman kung nandito pa ang kapatid kong chismoso. Inuusisa niya ako kapag nakitang bihis na bihis ako.


Umupo ako sa ibabang banda ng kama at sinuot ang puting sapatos. Sinakto kong gamitin 'to sa ganda ng araw sa labas. Naglagay na rin ako ang wipes sa bag in case na marumihan o maapakan sa rami ng taong kasabayan namin sa loob ng mall.


"Cali, pahiram nga ng charger mo." katok ni Kuya Kyle sa pintuan.


Napa-tayo ako agad sa kama nang marinig siya. Una ko talagang tinignan ang suot ko at hindi ko alam kung paanong paraan matatago ang aking sarili nang hindi ako maasar ng kapatid ko.


"Papasok na ako ha." shit, 'di ko nga pala na-lock ang pinto. "Naligo ka ba kaya ang tagal-tagal mong sumagot -- ampucha, bihis na bihis pala si idol."


He dramatically covered his mouth will tinitignan ang suot ko mula ulo hanggang paa. Nahiya nga ako ng slight pero mas nanaig sa 'kin ang inis dahil alam ko na ang kasunod.


End of Semester Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon